Chloe's Point of View
"Chloe, wake up.."
May tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung mula ba iyon sa panaginip ko o sa realidad.
"Chloe, its already afternoon. Wake up.."
Naramdaman kong may yumugyog sakin. Pinilit kong imulat ang aking mata. May nasisilayan akong napakagwapong mukha. Napatangos ng ilong nito. Perpekto ang pagkakahubog ng jawline nito. Tila ba wala na kong masabing masama patungkol dito.
"Ano ba, Chloe!.."
Unti-unti akong nagmulat ng mata. Si Andrew ang nasilayan ko. Nakakunot-noo ito habang nakatitig sa mukha ko na bagong gising.
Napabalikwas ako ng maalala ko na magkatabi pala kami ni Andrew natulog. Sht.
"Tulog mantika ka pa din, Chloe.." Reklamo ni Andrew at tumayo na sa kama. "Kanina pa kita ginigising. Its already 1pm.."
Napatingin naman ako sa wall clock. Hala sya! Oo nga. 1pm na. Takte. May pasok kami ng 8am.
Mabilis akong bumaba sa kama para maghanda sa pagpasok. Baka sakaling makapasok ako sa 2:30 kong klase.
"San ka pupunta?.."
"May pasok tayo di ba? Bakit hindi mo ko ginising?.." Bulyaw ko dito. Kinuha ko yung towel at papasok na sana sa CR para maligo nang magsalita ulit si Andrew.
"We don't have class today. Class suspension due to typhoon.." Saad ni Andrew. Umupo ito muli sa kama.
Napatunganga naman ako dito. What?
"Ano? Para ka pang tanga dyan. Didn't you hear me?.."
"Saan mo naman yan nakuha?.."
"School announcement.."
Lumapit ako sa bintana. Malakas nga ang ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin kaya walang duda na wala talagang pasok ngayon.
Bigla akong nakaramdam ng gutom. Napatingin ako kay Andrew na kasalukuyan nakayuko habang hawak-hawak ang cellphone. Lumapit ako dito at tinabihan ito sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
Tumingin naman ito sakin.
"Kumain ka na ba?.." Tanong ko dito.
Umiling ito at muling ibinalik yung tingin sa cellphone.
"Tara, kain tayo.."
"Wait for a minute.."
Hindi ko maiwasan tumingin kung ano yung ginagawa nito sa cellphone. Nag-FFB ang wala.
"Mas uunahin mo pa yang pag-FFB mo kesa kumain.."
"I'm searching for someone.." Seryosong saad nito.
"For what?.."
"To know who was the person behind this stab.." Tukoy nito sa saksak sa binti nito.
"Bakit sa fb?.."
"Maybe he knows me.."
"And?.."
"And he is pretending to be my friend.."
Nagets ko naman. Baka nga isa sa mga kaibigan ni Andrew ang gumawa nito. Hindi na ko magtataka kung maraming tao ang insecure kay Andrew. Masama pa naman ang dulot ng insecurities sa katawan. Hindi mo alam kung hanggang saan ka kayang dalhin ng bagay na yun.
Napansin ko na pinatay na nito yung cellphone at humarap sakin. Nagtaka ako ng bigla itong ngumisi.
"Bakit?.."
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.