Chloe's Point of View
"Ang bilis mo naman pumayag sa invitation ni Killua.." Kanina pa nagrereklamo si Andrew. Kasalukuyan kaming nasa library dahil nagpasama itong manghiram ng libro. Nakakainis lang kasi alam nito na magkikita kami ni Killua pero ayaw pa kong paalisin nito.
Gusto ko ng magpapadyak dito sa library dahil sa inis na nararamdaman ko para kay Andrew. Kaso, hindi ko naman matanggihan yung alok nito na sya na yung gagastos sa project namin. Malaking tipid din yun.
"Hindi mo pa nga masyadong kilala si Killua, sasama ka na agad.." Patuloy na sentimiyento ni Andrew.
"Please, Andrew. Just shut up.." Nakakainis na kasi e.
"Nah-nah-nah.." Pang-asar pa ni Andrew.
Napabuntong-hininga na lang ako para irelease yung inis ko.
"Ikaw na lang maghanap ng libro. Uupo muna ako dito.." Humila na nga ako ng isang upuan sa table para doon hintayin si Andrew.
"Katamaran 10.1 attacks you again, Chloe.." Napailing na lang si Andrew. May kinuha naman ito sa bag saka ngumisi. Napataas naman yung isang kilay ko dahil sa inaasta ng hayup na best friend ko.
May itinaas ito. Picture ng babae. Anong meron dun?
"Chloe, maganda ba?.." Nakangisi pa ang wala habang winewave sakin ang picture.
Tinitigan ko yung picture. Oo, maganda. Chix talaga. Artistahin. E, anong ganap dun sa picture?
"And?.." Nakataas yung isang kilay ko bago nagdekwatro.
"I have a date with her this coming Sunday.." Pagbibida ng mokong.
"Anong meron? Bakit kailangan mong ipakita sakin yan?.."
"Look, gwapo ako, at maganda sya. Bagay kami.."
"And anong kaugnayan ko naman dyan?.."
"Parehas ng case nyo ni Killua. Gwapo sya at dapat sa maganda din sya mapartner.." He gave a devil-smile na halos nagpainit ng ulo ko. Nagets ko kasi yung punto nya. Kaya hindi ko maiwasan magsalubong yung kilay ko. Halos maging isang linya na yung kilay ko dahil sa galit ko kay Andrew. Pashnea talaga ang abnormal na 'to. Ipinapamukha pa sakin na napakapangit ko.
Kalma lang, Chloe. Masama ang killings. Wag kang papaapekto. Tumayo na ko.
"Andrew, pinipigilan ko yung sarili ko na gawing legal yung pagpatay sayo. Habang maaga pa, lumayo ka sakin baka kasi hindi ako makapagpigil.."
Nagsimula na kong maglakad palayo dito. Kinagat ko yung ibaba kong labi para pigilan yung luha na gustong tumulo. Nahihiya kasi ako na baka dito pa ko humagulgol sa loob ng library. Oo, inaamin ko. Nasaktan talaga ako sa sinabi ni Andrew. Imagine, best friend ko ito. Inaasahan ko na sya man lang susuporta sa love life ko. Pero sya pa nanakit sakin para ipamukha ang katotohanan na hindi talaga kami bagay ni Killua.
Nakalabas ako ng library na hindi man lang ako hinabol ni Andrew. Ang mokong, hindi man lang nagsisisi sa sinabi sakin. Tch. Nakakainis sya.
Umupo muna ako sa Gazebo dahil wala naman masyadong tao dito. Sumasakit na yung lalamunan ko dahil sa pinipigilan kong luha. Ayuuun! Iyak na si ako. Hindi ko napigilan e. Ang sakit sakit kasi e. Yung pinakamasakit kasi dun sa katotohanan na hindi kami bagay ni Killua, at yung best friend ko pa ang nagpamukha sakin nun. Ang saklap mga dre!
Kaasar. Pati yata kalangitan ay nararamdaman yung sama ng loob ko. Bigla kasing umulan ng malakas. Natatakot ako ngayon dahil medyo madilim yung kalangitan at mag-isa lang ako sa gazebo. Hindi ko maiwasan yakapin yung sarili ko. Shocks! I hate darkness. Natatakot ako sa ulan at kadiliman.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.