Chloe's Point of View
Kanina pa ko nakatitig sa itsura ng taong pinag-alala ako ng sobra. Marami itong sugat sa mukha at katawan. Mahimbing naman itong natutulog na tila ba sobrang kapaguran ang nararamdam nito.
Naramdaman ko naman ang paghikbi ko. Kanina ko pa pinipigilan umiyak dahil ayokong magising si Andrew. Hindi ko maiwasan masaktan dahil sa nakikita ko. Alam kong ayaw nitong makita ko sya sa ganyang kalagayan dahil ayaw nitong pinag-aalala ako. Pero di ba? Nakakainis lang. Best friend niya ko e. Bakit kailangan nya kong paglihiman? Sino na lang mag-aalaga dito?
Napansin ko naman na gumalaw ito kaya umupo ako sa tabi nito. Bakas dito na nahihirapan itong kumilos. Sht. Makakatikim talaga sakin kung sino man gumawa nito sa best friend ko. Tch.
Dahan-dahan naman nitong idinilat yung mata nito.
"Andrew?.." Hinawakan ko ito sa pisngi para iparamdam dito na nasa tabi lang nya ako.
"Chloe?.." Sinusubukan pa din nitong idilat yung mata nito na yung kanan ay may black eye pa.
"Oo. Andrew, are you okay?.." Sobrang pag-aalala yung nararamdama ko para dito. Di ko matanggap na may nanakit dito at grabe pa yung ginawa.
"CHLOE!.." Pasigaw nitong saad at biglang bumalikwas ng tayo. Bakas dito ang labis na pagkagulat. "What are you doing here.." Pinilit nitong takpan yung mga sugat sa mukha nito.
"Hindi mo na kailangan na takpan yan. Kanina ko pa nakita yan.."
"How did you know?.." Hindi pa din ito mapakali.
"Manang texted me.."
Yeah, Manang Linda texted me. Sabi nito na nasa panganib ang buhay ni Andrew kaya ganun na lang yung kabang naramdaman ko nang mabasa ito.
"Si Manang talaga.." Naiiling na saad nito. Umayos na ito ng upo ng mapansin na wala na syang magagawa dahil nakita ko na ito na nasa ganoong sitwasyon.
"Ano? Andrew? Wala ka pala talagang planong sabihin sakin. Kung hindi pa ako tinext ni Manang, hindi ko pa ito malalaman.." Yung kanina na pinipigilan kong iyak ay biglang bumuhos. "Ano pa at naging best friend mo ko. Sino na lang mag-aalaga sayo?.." Iyak ako ng iyak dahil pakiramdam ko ay sasabog na ko sobrang sama ng loob dahil sa nangyari.
Tila naman nakonsensya si Andrew nang makita niya kong umiyak. Ayaw na ayaw pa naman ni Andrew na makita akong umiyak ng dahil sa kanya.
Hinawakan naman ako nito sa pisngi at iniharap dito. "Sorry na, Chloe. Ayoko lang na bigyan ka ng alalahanin.." Malungkot na saad ni Andrew.
"Andrew, best friend mo ko. Hindi pwede na pabayaan kita.." Himutok ko.
"I know. But, I hate seeing you crying because of me.."
Hinampas ko ito. Paano ako hindi iiyak sa sitwasyon ni Andrew, aber?
"I hate you, Andrew. Alam mo naman na ayokong nasasaktan ka e. Bakit pumayag ka na bugbugin ka nila?.."
"Kasi sabi mo, wag na wag akong makikipag-away di ba? Sinunod lang kita.." Nakangiti na ito sakin.
Sumimangot naman ako dito. Ang baliw talaga nito. Ang ibig sabihin ko naman doon ay wag syang maghahamon ng away. Noong bata pa kasi kami, madalas itong mapaaway. May isang kaganapan pa talaga na nakita ko ito makipagsuntukan at ganoon na lang yung takot ko ng masaksihan yun. Ilang araw din kaming hindi nagpansinan. Kaya sinabi ko dito na kailangan nyang mangako sakin na hindi na sya makikipag-away bago kami magkabati.
"Baliw ka talaga, Andew.."
Tumawa na ito. "Halika nga dito, Bibigyan kita ng yakapsule ni Andrew.." Hinila nga ako nito para yakapin. Gumanti naman ako ng yakap dito. Dahil sa ginawang pagyakap ni Andrew sakin, parang gumaan yung pakiramdam ko. Alam kong okay lang si Andrew.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.