CHAPTER 14

22 6 1
                                    

Chloe's Point of View

"Anak, Chloe, anong nangyari sayo?.." Si Mama.

"Nakalimutan ko kasing magdala ng payong kaya ayun, nabasa ako ng ulan.."

"Sige, magbihis ka na. Nasan si Andrew?.."

"Umuwi na din siguro, Ma.." Pagsisinungaling ko.

"E, sino yung naghatid sayo? Hindi ba si Andrew yun?.."

"Hindi po, Ma. Si Killua yun. School mate ko.." Tama. Hinatid ako ni Killua hanggang bahay. Kahit sinabihan ko ito na kaya kong umuwi ng mag-isa ay hindi pa din ako nito iniwan. Pinilit pa din nito na ihatid ako at wala akong nagawa kung hindi ang pumayag. Pagkarating namin sa bahay ay niyaya ko itong pumasok sa bahay subalit tumanggi ito dahil may pupuntahan pa daw ito. Hindi ko naman pinilit ito.

Hindi na muling nagtanong si Mama.

Inabutan naman ako ni Kuya Khiel ng tuwalya. Agad ko naman pinunasan yung basa kong buhok. Hindi ko maiwasan isipin kung nakauwi na ba si Andrew o hindi pa. Mariing kong ipinikit yung mata ko para burahin yung iniisip ko. Ayoko munang isipin si Andrew.

"Ma, akyat na ko sa kwarto.."

"Sige, Anak. Bumaba ka dito agad pagkabihis mo para makakain ka.."

Tumango lang ako dito bago ako nagsimulang umakyat. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit. Pakiramdam ko ay parang lalagnatin ako. Kaya agad akong bumaba para uminom ng gamot.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko maiwasan magulat nang bumungad sakin ang mukha ni Andrew. Halatang hindi pa ito umuuwi sa bahay nito at dumerecho dito dahil basa pa din ito ng ulan.

"H-hi.." Bati nito na bakas din ang pagkagulat.

"Hello. Anong ginagawa mo dito?.."

"I'm just checking on you kung nakauwi ka ba ng maayos.."

"Yeah. Hinatid naman ako ni Killua.."

"I see.."

Nanaig naman yung katahimikan sa pagitan namin. Parang walang gustong magsalita. Alam kong nararamdaman ni Andrew na nasaktan niya ko dahil sa sinabi nya.

"Chloe.." Sa wakas binasag din nito yung katahimikan.

"Hmm.."

"I'm sorry for what I said.."

Tumitig naman ako sa mata nito. Pait. Yun ang nakikita ko sa mata ni Andrew ngayon.

"I didn't mean to hurt you.."

"It's okay. Let's put it in the past.." Walang ganang kong saad. "Excuse me.." Nilagpasan ko na ito ay agad na bumaba ng hagdan. Hindi ko na hinintay yung sagot nito sa sinabi ko.

"Anak, nakausap mo ba si Andrew?.." Si Papa. Kasalukuyan nanonood ang mga ito ng teleserye sa salas.

"Opo.."

"He looks pale.." Si Kuya Khiel.

Napakunot-noo naman ako. Hindi ko kasi napansin kung namumutla ito. Agad akong umakyat muli sa kwarto ko. Naabutan ko itong nakahiga na sa kama ko. Nilapitan ko ito. Ganoon na lamang yung pagkagulantang ko ng makita na may dugo sa bandang kanang hita nito.

Agad akong lumuhod upang suriin ang hita nito. May sugat ito na tinakpan ng panyo para hindi masyadong magdugo. Kaya pala hindi napansin ng magulang ko na may sugat si Andrew dahil natatakpan. Kung tama ang hinala ko ay mula ito sa saksak. Hindi ko maiwasan kilabutan. Hinawakan ko naman si Andrew upang alamin kung nilalagnat ito. Sht! He has fever. Kakagaling lang nito sa bugbugan, ngayon naman may saksak ito. Ano na ba pinagkakaabalahan ni Andrew? Tatayo na sana ako para humingi ng tulong sa pamilya ko. Ngunit agad akong nahawakan ni Andrew sa kamay.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon