CHAPTER 11

27 6 1
                                    

Chloe's Point of View

"Kaya mo ba?.." Tanong ko kay Andrew. Parang hinang-hina kasi ito. Parang hindi nito kayang buhatin yung kutsara para sumubo ng pagkain.

"Y-yeah.." Hays. Feeling malakas pa ang mokong. Ayan na nga, halos hindi na makapagsalita ng ayos.

"Gusto mo subuan na lang kita?.." Alok ko dito. Nakokonsensya akong tingnan to sa ganitong awra.

"N-no, I'm okay.." Pinipilit pa din nitong maging okay kahit hindi na nito kaya.

"Ayan na nga, Andrew. Halos hindi ka na nga makapagsalita ng ayos e. Ewan ko nga kung nakikilala mo ba ko.." Sita ko dito. Di ba sa palabas? Pag sa sobrang taas ng lagnat, yung parang kung ano-ano na nakikita o naiisip. Tama ba? Alam ko may tawag dun e. Wait isipin ko lang. Ahmm. Ayun, hallucination. Tama ba?

"Of course. I know you.."

"Sino ako, aber?.."

"The girl I like.."

Napataas naman ako ng kilay. Alam mo yun? Tama ako. Naghahallucinate na si mokong. Tinanong ko kung sino ako, ang sagot ba naman nito ay the girl I like? Pano ko naging pangalan yun? Hays.

"Malala ka na, Andrew. Kumain ka na nga para gumaling ka na.." Sinubuan ko na ito.

Mabilis naman nito naubos yung pagkain dahil hindi naman ito nag-inarte pa. Pagkatapos kumain ay inalalayan ko ito makahiga ng maayos para makapagpahinga. Hays. Kailangan talaga nito yung matinding pahinga. Tch.

Mahinahon naman akong lumabas ng kwarto nito para hindi maistorbo ito sa pagpapahinga. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Manang na nakaabang sa may pinto. Anong kailangan ni Manang?

"Chloe, hija. Ayos na ba si Sir Andrew?.." Alam ko naman na sobrang nag-aalala si Manang para kay Andrew.

"Medyo tumaas po ang lagnat pero wag po kayong mag-alala, napainom ko na sya ng gamot.."

"Salamat naman sa Diyos.." Halata naman narelief si Manang.

"Alam na po ba ng mga magulang ni Andrew yung nangyari?.."

"Gusto ko man sabihin pero ayaw ni Sir Andrew ipaalam sa mga magulang nya.." Malungkot na saad ni Andrew. Matigas talaga ang ulo ng lalaking yun.

"Sige. Wag na po kayong mag-alala. Ako na po bahala kay Andrew..." Ngumiti naman ako dito para iparamdam na magiging ayos din ang lahat.

***

Masaya akong naglalakad sa isang garden na puno ng magagandang halaman at bulaklak. Tila ba wala ng mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko. Its a perfect sunny day. All the people around me wearing a beautiful smile. I saw my parents and brother. They look really happy.

"You look beautiful with your wedding gown.." Sabi ni Kuya Khiel.

Yes. This is my wedding day. Kasal namin ni Killua. Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay imbitado. Napakasaya. Dahil sa pinakaimportante araw ko bilang isang babae ay kasama ko ang mga mahahalagang tao para sakin.

Bigla kong naalala si Andrew. Nasan kaya ang lalaking yun? Hindi man lang talaga agahan ngayong araw. Lagi na lang syang late. Kainis.

"Ma'am, any time, we will start the ceremony.." Sabi ni Wedding coordinator. Tumango naman ako doon at inihanda ang aking sarili.

"Anak, kay ganda mo sa iyong suot na wedding gown.." Teary-eyed na si Mother. Hindi ko tuloy maiwasan na maluha din.

"Ma naman e. Pinapaiyak mo ko e.."

Sabay-sabay naman kaming nagkatawanan.

"Tara na hija, ihahatid ka na namin sa groom mo.." Nakangiting inilahad ni Papa at Mama yung kamay nito sa akin. Hindi ko akalain na darating ang oras na ito na ikakasal ako sa taong mahal ko. Napakasaya sa pakiramdam.

Habang naglalakad ako sa aisle, lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sakin at nakangiti. Yung mga kaibigan ko naman na sila Lucas at Sophie ay masayang kumakaway sakin. Hindi ko napigilan mainis kay Andrew dahil kahit sa mismong araw ng kasal ko ay late pa din ito.

Tumanaw naman ako sa may altar upang tingnan si Killua, subalit nakatungo ito. Hindi ko maiwasan mapangisi dahil panigurado, katulad ko ay naiiyak ito dahil sa labis na kasiyahan.

Nasa tapat na kami ni Killua subalit hindi pa din ito lumilingon sakin. Nagtataka na ko.

"Congratulations for both of you.." Sabi ng mga magulang ko. Doon lamang tumingin si Kill--- no, Andrew. What the fcuk! Nasan si Killua? Narinig ko naman nagsigawan yung mga tao sa paligid ko. Naguguluhan ako. Bakit si Andrew?

"Oy. Nasan si Killua?.." Tanong ko kay Andrew. Ngumisi ito.

Bigla naman ako natakot. Alam kong maloko si Andrew kaya natatakot ako kung ano yung ginawa nito kay Killua.

"Damn, Andrew! Nasan si Killua.." Hysterical kong saad. Hinawakan ko na ito sa magkabilang braso at inalog. "Andrew! Magsalita ka.."

Ngumisi muna ito bago nagsalita. "Si Killua? Ayun, patay na. Pinatay ko na sya!.." Tumawa ito ng mala-demonyo.

Parang huminto naman yung mundo ko.

"NOOOOOOOOOO!.."

Pawis na pawis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Isang panaginip lang pala. Shocks! Nakakatrauma naman yun. Parang totoo kasi.

Napakunot-noo naman ako. Nasaan ako? Tapos ayun. Napahampas ako sa noo ko ng maalala ko na nandito nga pala ako sa kwarto ni Andrew.

Tumingin naman ako sa gilid ko para tingnan kung okay na si Andrew.

"ANAK KA NG BUTIKE NG KAPITBAHAY NAMIN!.." Sigaw ko dahil sa sobrang gulat.

Ang magaling na si Andrew, ayun, nakangalumbaba ito na nakatingin sakin na parang gulat na gulat na nandito ako sa loob ng kwarto nito.

"BADTRIP KA ANDREW. HALOS MAMATAY AKO SA SOBRANG GULAT SAYO. KANINA KA PA BA GISING? BAKIT HINDI KA NAGSASALITA DYAN?.." Asik ko dito.

"Parang ikaw lang ang nagulat. Nagulat din kaya ako na makita ka sa tabi ko.." Umayos ito ng upo. "Why are you here?.."

"Aba't ang mokong na ito. Hindi mo alam kung bakit nandito ako?.." Nakataas na yung kanang kilay ko.

"Nope.." Tila wala ngang alam yung loko.

"Binantayan kita kasi sobrang taas ng lagnat mo kagabi.."

"Really?.." Hindi naman ito makapaniwala.

"Yeah..." Tumayo na ko sa kama. "Okay ka na ba?.."

"Yep. Hindi na din masakit yung katawan ko.."

Tiningnan ko naman ito ng maigi. Medyo naglight na yung mga pasa nito. Hindi tulad kahapon na namamaga.

"Mabuti naman. Anong gustong mong ihanda ko para sa almusal?.."

"Kahit ano naman ng iluto mo, masarap.."

"Nambola ka pa. Ipagluluto na muna kita.." Nagsimula na kong maglakad nang tawagin ako nito kaya lumingon ako dito.

"Chloe.."

"Hmm. Bakit?.."

"Thank you so much for taking care of me.." He smiled.

"Sus, maliit na bagay para sa pagkakaibigan natin.."

"Still, salamat pa din.."

Ngumiti lang ako dito bago nagpatuloy sa paglabas ng kwarto. Kahit ano naman, gagawin ko para sa bestfriend ko e. Wala akong kayang gawin para sa ikakabuti ni Andrew.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon