CHAPTER 15

26 4 0
                                    

Chloe's Point of View

Gabing-gabi na at hindi pa din ako makatulog. Hindi kasi ako mapakali. Katabi ko si Andrew sa higaan at kasalukuyan itong nakatopless lang. Nakakaawkward lang. Naiinitan ako. Hindi ko naman pwede buksan yung electric fan dahil baka lalong lamigin si Andrew.

Tiningnan ko ito. Nakahiga ito na patalikod sakin habang yakap-yakap yung sarili. Nilalamig ang kumag kahit nakakumot ito. Paano kasi hindi lalamigin, nakatopless. Tumayo ako para pumunta sana sa kwarto ni Kuya Khiel at humiram ng damit. Bakit ngayon ko lang naisip yun?

Dahan-dahan akong bumaba ng higaan ng biglang gumalaw si Andrew at lumingon sakin.

"Where are you going, Chloe?.." Mapungay na mapungay yung mata nito.

"Hihiram ako kay Kuya ng tshirt para sayo.."

"I'm okay. How many times I need to say that?.."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Okay? E, nanginginig ka na nga sa lamig dyan tapos okay ka pa din?.."

"I said, I'm okay.." Pamimilit nito.

Paano akong maniniwala? E nasaksak ito at medyo nilalagnat pa.

"No, hindi ka okay.."

"I said I'm okay as long I am with you.."

Napanganga naman ako dito. Kasi medyo magulo na si Andrew. Hindi ko na maintindihan. Nilagnat lang, bumabanat na sya? Wattamela!

"So, please. Just stay beside me.." Pagkasabi nun ay humiga na ulit ito.

Napipilitan na umupo ako sa kama. Minsan, naiinis na ko dahil sa katigasan ng ulo ni Andrew at wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito.

"Andrew.."

"Hmm.."

"Nilalamig ka pa ba?.."

"Hindi na masyado.."

"Masakit pa ba yung sugat mo?.."

"Medyo. Pero kaya kong tiisin.."

"Ang kulit mo kasi e. Ayaw mong magpadala sa hospital, tapos ayaw mong magsuot ng damit.."

"I don't like to wear tshirt for you to see how hot my body is.."

I rolled my eyes. Still, he is my super yabang best friend.

"Abnormal ka talaga.." Saad ko dito.

"Mas abnormal ka.."

"Tsk tsk!.."

"You sleep.."

"I can't sleep nga.."

Humarap ito sakin. "Why?.." With nagtatakang-eyes.

"Because, you're topless. Its awkward.." I rolled my eyes again.

Nag-grin naman si Andrew. "Why? You can look my body whenever you want. I give my permission, my best friend.."

Nag-goosebumps naman ako. Imagine, he's trying me to seduce ba? I'm ignorant with that thing. But, Sht!

"Gago ka, Andrew. As if naman gusto ko talagang tumingin.." Inismiran ko ito.

"Whatever, Chloe. Then, you sleep. You disturbed me.." Reklamo nito at muling tinalikuran ako.

The fudge. Sinabi ko nga yung dahilan ko dito kung bakit hindi ako makatulog pero dedma ang mokong. Ano na lang ba ang gagawin ko sa mokong na 'to? Naiinis na kasi ako.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon