CHAPTER 9

40 7 0
                                    

Chloe's Point of view

"Ito na yung sandwich mo.." Abot sakin ni Andrew. Seryoso pa din ito.

Pumunta kami sa veranda para doon kumain ng merienda. Magmula kanina ay hindi pa din ito masyadong nagsasalita. Pakiramdam ko tuloy, kasalanan ko talaga ang lahat kaya nawala sa mood si Andrew. You're so pathetic, Chloe. Tama naman talaga si Andrew e. Mas kilala ko ito kaysa kay Killua.

Di ko maiwasan tingnan si Andrew na sa malayo nakatingin. Mukha talagang wala itong planong kausapin ako. Pero kasi, di ba? Si Andrew naman yung nagsimulang mang-asar at hindi ako. Kinancel nito yung friend request ni Killua. Tch.

Sumingit naman yung konsensya ko. Oo nga, mali si Andrew. Pero ganun lang? Dahil kay Killua, magagalit ka na sa kanya? Oo. Tama ka, ultimate crush mo si Killua. Pero ultimate best friend mo si Andrew.

Ewan ko sa inyo. Bahala na nga. Kumain na lang ako ng sandwich. Matagal na katahimikan ang pumagitna saming dalawa bago muling magsalita si Andrew.

"Sorry pala kanina.." Tumingin ito sakin. "Don't worry, ako na magsasabi kay Killua na iadd ka ulit.."

Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko, ang lungkot ni Andrew sa part na yun?

"No, okay lang.."

"Nope, its not okay. I know its my fault to take away your happiness from you. So, I'm the one who should fix this.." He gave me a weak smile.

"No, okay lang talaga. Makikita ko pa din naman sya sa loob ng school e.." Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Basta, I'll make it up to you.." Tumayo na ito. "I'll go first na, Chloe. Iwan mo na lang dyan yung pinagkainan mo. Bahala na si manang na magligpit yan.."

"Pe---.." Hindi na nito hinintay yung pagtutol ko. Iniwan na ko nito at pumasok na sa loob ng bahay. Sobrang sama na ba ng loob nito sakin?

***

Pabaling-baling ako ng higa. 12midnight na pero hindi pa din ako makatulog. Nakakainis e. Iniisip ko pa din yung kasalanan ko kay Andrew. Paano kaya ako makakabawi dito?

Hinanap ko yung phone ko para tawagan sana si Andrew. Pero nakalimutan ko na kakaexpired lang pala ng unlicalls ko kanina. Bad timing naman. Beri beri bad timing talaga. Tch. Wala akong nagawa kundi pilitin matulog.

***

Andrew's Point of View

"Sht. Kanina nyo pa ko kinakagat. I know, yummy ako pero isa isa lang. Mahina kalaban nyo.." Reklamo ko. Kanina pa kasi ako pinepeste ng mga lamok dito. Parang takam na takam sa dugo ko at hindi ako nilulubayan ng mga ito.

Tumingin ako sa relo ko. 12 midnight na pala. Ilang oras na din pala ako nakatambay sa tapat ng bahay ni Chloe. Sht kasi e. Nakokonsensya ako sa ginawa ko dito. Sumobra na yata yung biro ko. Alam ko na nasaktan ko si Chloe dahil binura ko yung friend request ni Killua dito. Oo, dahil sa lintek na friend request na yun, halos patayin na ko ni Chloe dahil doon. Alam kong galit na galit ito sakin dahil parang pinutol ko na yung maliit na chance na maging ito at si Killua. KJ na ko kung KJ. Pero natuwa kasi akong asarin si Chloe. Pero hindi ko naman intensyon na sumobra.

Tumayo na ko at ipinagpag yung dumi sa suot na pantalon ko. Sht. Namamanhid yung tuhod ko dahil kanina pa ko nakaupo dito. Tumalon-talon ako para muling dumaloy ng tama yung dugo ko at mawala yung pamamanhid na nararamdaman ko.

Tumambay ako dito para sana humingi ng sorry kay Chloe. Pero hindi ko alam kung paano. Nakakainis kasi na dahil lang sa Killua na yun, masisira yung pagkakaibigan namin ni Chloe na pinagtabay ng mahabang panahon.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon