CHAPTER 8

35 8 0
                                    

Chloe's Point of View.

"Lalayo pa ba sya ng ikacrush nya? Kung may best friend naman siyang gwapo.." Tumawa naman ito.

Ang galing mo dun Andrew. Ang saya-saya mo dyan.

"I see pre. Ayos din.." Si Killua. Nagpatuloy lang ito kumain ng spag.

Aww. Nahurt ka ba Killua? Wag kang maniwala dyan. Ikaw yung mahal ko at hindi yang abnormal na yan. Wag kang makikinig dyan.

Natapos yung pagmemerienda namin na buwisit na buwisit ako kay Andrew. Panira kasi ng momentum ko. Badtrip talaga.

***

"Chloe, sorry na.." Si Andrew.

Kakatapos lang ng class namin. Pagkabell na pagkabell, lumabas agad ako at hindi ito hinintay. Buong period, hindi ko ito kinausap. Kay Lucas lang din ako humaharap. Pag nagtatanong ito, hindi ko naman pinapansin at nagpapanggap ako na hindi ko alam yung sagot, o hindi ko 'to naririnig.

Hinawakan ako nito sa braso ng maabutan ako nito sa paglalakad. Halatang nagmadali din ito dahil hindi pa nakaayos yung gamit nito at nakabukas pa yung zipper ng bag nito.

"Sorry na nga e.."

Inismiran ko lang ito. Naiinis talaga ako dito.

"Ano? Dahil lang sa Killua na yun, itatapon mo na yung pagiging best friend natin?.." Mababakasan mo ito ng sama ng loob.

Hindi pa din ako nagsalita. Tiningnan ko lang ito. Pinilit kong wag magpakita ng emosyon dito. Oo, alam kong masyadong mababaw. Nakakatampo lang kasi. Sinira nito yung moment ko e. Ay nako. Paulit-ulit nalang ako. Basta, nakakainis talaga.

"Chloe, sorry na talaga. Please?.." Nag-puppy eyes naman ito.

Paano ko ba mahihindian ang lalaking ito. Tch. Tama ito. Kahit siguro amoy ng utot ko, alam na nito dahil matagal na kaming magkakilala nito. Lahat ng weakness at strength namin, alam namin parehas dahil ganun kami kaopen sa lahat ng bagay na tungkol samin.

Wala akong nagawa. Ako na lang laging mag-aadjust para dito. Tinitigan ko ito. Matagal na titig. Bago ako muling nagsalita.

"Oo na. Hindi na. Hindi ako galit.."

"You sure?.." Nakasmile na ito.

"Yeah.." Matabang kong sagot.

Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Ano ba, Andrew. Nakakahiya.." Nagpupumiglas ako dito.

"Akala ko kasi itatapon mo na yung friendship natin. Natakot ako.." May something sa tono nito. Pakiramdam ko na natakot talaga ito. Tch. Ilusyon mo lang yun, Chloe. Di ka masyadong espesyal, wag kang pabebe dyan.

"Arte mo, Drew. Hindi bagay sayo.."

Bumitiw ito sa pagkakayakap pero hinawakan naman ako nito sa magkabilang braso. Tumitig ito sa mata 'to na tila ba sinusukat ako.

"Mukha lang ako matapang. But, I'm scared to lose you, Chloe.." Seryoso ito. Sinabi nya ito na hindi man lang bumibitiw sa pagkakatitig sakin.

Bigla naman ako nakaramdam ng pangingilabot. Hindi kasi bagay dito.

"Oo na. Umayos ka na nga. At nakakahiya.."

Inunahan ko na 'to sa paglalakad. Kahit makagawa ng malaking kasalanan si Andrew, alam ko sa sarili ko na mapapatawad ko din ito agad. Mahal na mahal ko kaya ang bestfriend ko.

***

"Nakakainis ka na, Andrew. Sugapa ka a!.." Asik ko dito. Lagi na lang kasi natatalo ako sa nilalaro namin na video games. Nasa kwarto kami nito dahil niyaya ako nitong maglaro ng video games. Inatake na naman kasi ng pagkaboring si Andrew. Wala naman akong pasok sa karinderya ni Tita Sol kaya pumayag akong samahan ito.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon