Lucas' POV
Ilang araw na hindi pumapasok yung dalawa. Hindi man lang nagrereply ang mga ito sa mga text, at chats ko. Hindi ba nila na nandito pa ko. Parang hindi naman nila ako kaibigan para hindi maisip na nag-aalala ako.
"Bakit absent yung dalawa, Lucas?.." Si Angel. Hindi ko ito pinansin. Inaaway kasi nito palagi si Chloe ay kahit maganda ito kung masama naman ugali nito, wala din. Loyal din ako sa babaeng gusto ko.
"Oy Lucas?.." Ulit nito.
"I don't know.."
"Ow? That's impossible. They arey your friends.."
Nabadtrip tuloy ako dito kasi ang kulit.
"I DON'T FCUKING DAMN CARE IF THEY'RE ABSENT.."
Natakot siguro si Angel kaya napaurong ito bigla. Nakakainis e. Pinamukha pa sakin na hindi ako kaibigan nila Andrew at Chloe dahil hindi ko alam kung bakit absent ang mga ito.
***
Chloe's Point of View
"The best ka talaga magluto, Chloe.." Sarap na sarap ang mokong sa paglamon. Pinaghanda ko ito ng tapsilog na favorite nito. Masaya ako dahil bumabalik na sa dati si Andrew. Nagiging masigla na din ulit ito. Ilang araw na kaming absent sa klase dahil kailangan kong bantayan si Andrew. Hindi naman nagreklamo yung mga magulang ko dahil nag-aalala din ito para sa best friend ko. Alam din kasi ng mga ito na walang mag-aalaga kay Andrew dahila ang mga magulang nito ay palaging busy sa business.
"Siguro naman, makakapasok na tayo bukas.." Sabi ko dito na nagpahinto sa pagsubo nito. Napansin ko naman na nalungkot ito.
"Bakit parang nalungkot ka dyan?.."
"Dahil kasi sakin, umabsent ka.." Si Andrew.
"Ano ka ba? Maliit na bagay lang yun.."
"Paano na scholarship mo?.."
"Mahahabol ko yun. Tiwala lang.."
"Are you sure?.."
"Yeah, very sure.." Nagsandok na ulit ako ng kanin.
Sa totoo lang, kinakabahan din ako. Ayoko lang ipahalata kay Andrew dahil ayoko na mag-alala pa ito para sakin. Pipilitin ko naman habulin yun e. Siguro naman kakayanin ko yun.
***
"Where have you been guys?.." Hindi pa nga kami nakakapasok ng room, inuusisa na kami agad ni Lucas. Nakasalubong namin ito sa gate ng school. Simula kanina, sinesermunan na kami nito. Bakit daw kami absent. Bakit hindi man lang kami nagparamdam. Nag-alala daw ito. Mga ganun.
"Paupuin mo naman muna kami Lucas.." Reklamo ko dito.
"Bakit? Naisip nyo man lang ba ko nung absent kayo? Nag-alala din naman ako para sa inyo.." Himutok nito.
"Pre, para kang bakla. Tumigil ka dyan.." Si Andrew.
"Tumahimik ka dyan pre. Badtrip ako ngayon. Baka hamunin kita ng suntukan kung hindi ka sasagot ng ayos.."
Napanguso na lang ako dahil sa kaartehan ni Lucas. Oo nga e. Mukha naman kasi talaga sya gay. Tch.
"Bakit nga kayo absent?.."
Wala na kong nagawa kundi ang sagutin ito.
"Si Andrew kasi, nagkasakit.."
"Tapos?.." Si Lucas.
"Inalagaan ko sya kasi walang magbabantay sa kanya.."
"WHAAAAT?.." OA mo Lucas a.
"Magkasama kayo sa buong araw na absent kayo?.." Parang hindi naman makapaniwala si Lucas.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
Roman d'amourBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.