Chloe's Point of View
"Chloe, marami ka na bang information na nakuha?.." Si Lucas. Nasa library kami para magresearch para sa gagawing project. Halos dalawang oras na kami dito pero nakukulangan pa din kami sa mga nakuha naming information.
"Hindi pa e. Nakukulangan pa din ako. Hahanap pa ko ng ibang libro.." Pinagpatuloy ko yung paghahanap ng libro na makakatulong samin para sa assignment namin.
"Hays. Ano pa kaya pwede namin mapagkunan ng data dito?.." Iniisa isa ko yung mga libro sa bookshelf, nagbabaka-sakali na may makita pang pwedeng magamit.
Napatingin naman ako sa dulo ng bookshelf na may narinig akong something. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung tunog na naririnig ko kaya lumapit ako.
Halos mapatalon ako ng makita si Andrew na may kahalikan na babae. Wagas kung maghalikan ang dalawa para wala ng bukas. Hays. Di ko na lang ito inistorbo baka kasi mabitin pa. Grabe talaga si Andrew. Walang pinipiling lugar.
Kumuha na lang ako isang libro para icheck kung may makukuha akong data. Bumalik na ko sa table namin ni Lucas para ipagpatuloy yung ginagawa namin. Mabuti na lang at hindi ko kagrupo si Andrew dito kung hindi, wala sana akong magagawa. Hays.
Natapos naman namin ni Lucas yung assignment. Sumulpot naman si Andrew.
"Tapos na kayo?.." Masaya ang dahumag dahil nakaisa na naman. Gravity. Kailan kaya ito magbabago?
"Oo. Tapos na kami.." Si Lucas. Nagligpit na ito ng mga gamit. "Kayo ba pre?.."
"Oo, tapos na din.." Napailing na lang talaga ako sa isipan ko. Kapartner kasi nito yung kahalikan nito kanina kaya napapaisip ako kung ano yung natapos nilang dalawa?
Sabay-sabay na kaming pumunta ng room. Aba talaga. Hindi man lang sinamahan ni Andrew yung partner nito. Iniwan na lang ng ganun-ganun na lang. Kaya hindi ako naiinlove sa mokong na ito e. Puro kalokohan kasi ang inaatupag pagdating sa babae.
Sht. Ramdam na ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko ng masalubong namin si Killua. Damn. Yung puso ko, lalabas na. Oy. Oy. Tugtug. Tugtug. Shocks.
Naramdaman ko naman yung pagsiko ni Andrew sakin at nakangisi ang mokong. Ito yung panakot nya sakin pag may hindi ako sinusunod sa gusto nito. Ito yung sikreto ko.
Crush na crush ko kasi si Killua Sullivan. Sobra. Pero nahihiya akong sabihin sa iba. Si Andrew lang pinagsabihan ko kasi best friend ko naman ito at kay Sophie. Tsaka may tiwala ako dito na itatago nito yung sikreto ko.
Famous din ito. Sya lang naman ang president ng University of Student Council. Matalino. Sobrang gwapo pa. Pero, alam ko naman na wala akong pag-asa dito kasi for sure, tulad ni Andrew, chix din ang gusto nito. Oo na bes. Alam ko talaga yun. Kaya di na ko mag-eexpect na mapapansin ako nito.
"Killua! Tol, musta na?.." Bati dito ni Andrew pero sakin nakatingin ito. Boset talaga to. Nang-aasar pa ang mokong.
"O, Andrew! Okay lang tol, ikaw ba? Madami pa din bang chix?.." Nagkakatawanan yung dalawa.
Hays. Killua, bakit ang taas mo. Bakit ang hirap mong abutin. Paano mo ba ko mapapansin? Paano mo mapapansin ang kapangitan ko? Char! Haha
"Oo. Madami pa din tol. Ikaw din naman tol. Mas marami ka kesa sakin.."
Yun nga lang. Babaero din ito. Suki ng bar. Puro chix din ang inaatupag. Pero crush ko pa din ito. Hindi ko nga alam kung bakit e. Hahaha.
Ang saya ng usapan ng dalawa. Nadedma kami ni Lucas. OP kami mga bes. Shocks!
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.