SuhoMedyo maganda naging daloy nung tatlong araw. Wala naman masyadong nangyari na masama kay Yixing. Naiilabas na namin siya dito sa room at nagagala sa labas. Sabi kasi ng Doctor medyo lumakas raw si Yixing. Hindi naman siya nanghihina pero compare natin sa ibang cancer patients, may lakas si Yixing na wala raw sakanila.
Maski ako di ko gets mga pinagsasabi ko eh. Sinabi lang saakin ni Heechul yun or what so ever.
Ngayon, Nasa rooftop kami ng Hospital . Nakatayo kami ni Yixing at naka intertwined mga fingers namin. Kahit may sakit itong si Yixing, he never failed to be my boyfriend. Ako minsan ang inaalagaan niya. Minsan na sunakit yung ulo niya pero tulog ako nun kaya hindi niya sinabi. Nagising lang ako nung pinisil niya yung kamay ko. Ang great diba?
"Suho, Paano kung magpakasal na tayo this Coming July 10?" Tinignan ko siya kung seryoso ba talaga siya, Pero seryoso nga siya. "Hindi tayo handa Yixing... K-kung ano na lang. next month!"
"Paano pag Hindi ako umabot ng next month?" Nainis ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. Nakakainis kasi! Pinapatay niya sarili niya letche.
"Gago!? Magtatagal ka! Hindi ka mamamatay ng hindi ka naikakasal saakin okay? Umayos ka nga!"Tinarayan ko siya tapos binitawan ko yung kamay niya. Pero niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan yung Leeg ko.
Weakness ko yung mga kiss niya eh! Kainis. "Oo na! Basta ang sigurado ako, Hindi ako mamamatay ng Hindi pa 'Zhang' Surname mo, Okay!?" Tumango ako sa mga sinabi niya. Hindi ka pwede mamatay Yixing!
Pagpatak ng Hapon, Pumasok na kami sa Loob ng Hospital dahiil maiinit na masyado sa rooftop at bawal kay Yixing yun. Pagpasok namin sa Room niya, Naandun yung lahat. Si Kris, Taehyung, yung magasawang Park, Minseok at Jongdae. Pati rin si Yuri.
"Ano Meron bakit sama sama kayo? Bibitaying niyo ba ako?" Pabirong sinabi ni Yixing. Para kasing may lamay sa Kwarto niya. May paflowers pa sila tapos may Confetti tapos may Baloons tapos, CAKE!? ABA GAGO NU TRIP NILA!?
"Hindi ka kakatayin, Isasakal ka lang namin kay Suho." Nanlaki mata ko. Aba sasakalin?
"Bobo Taehyung! Ikakasal hindi isasakal!" Binatukan ni Jongdae si Taehyung. Sandali nag di-digest. Ikakasal!? SINO!?
"Ganito kasi yan. Diba may Wedding preparation na sila JongDae at Minseok? Yung hinanda nila for them is Ibibigay na lang sainyong dalawa since you deserve naman. Hindi kasi natin alam kung kailan balak buksan ni San Pedro yung gate para kay Yixing." Napangiti si Yixing ng Sobrang lapad sa Sinabi ni Chanyeol. Lumapit si Yixing kay Yeol at Niyakap siya. Tumingin ako kanila Minseok na naka Thumbs up. Mahal na mahal ko talaga itong mga ito
"Kanina Pinaplano lang namin makasal ah?"
"Advance kami magisip." Tinaasan ko lang ng Kilay si Yuri dahil sa sinabi niya.
"CHARAN!! ETO NA RINGS NIYO KAYA ANG KASAL NIYO SA JULY 9 NA!!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Baekhyun. Hindi pa sa July 10 ano?
"BUKAS NA!?"
"Oo. Magayos kayo at May party para sainyong dalawa. Pwede siya lumabas ng Hospital mamaya hanggang July 10 kaya Gora na!" Hinila ako ni Baekhyun at Yuri palabas pagkasabi ni Minseok.
"Oy San Niyo naman akonh Dadalhin?"
"Pagmumukain kang Malandi." Hindi na ako nakapagreact dahil tatlo sila, Isa lang ako.
BINABASA MO ANG
[SuLay ff] Stairway to Heaven
Fanfiction[TAGALOG] Where in two lovers destined to be together and also destined to tear apart. Date Started: 17-05-05 Date Ended: 18-07-10