Di pa ko nakakalakad ng malayo nang biglang tinawag ako ni Harvey.
Ginagalit talaga ko nitong tarantandong to eh!
"Sierra. Umupo ka dito," utos ni Harvey sabay tapik sa side ng pool.
"Ano pa gusto mo?" tanong ko sabay upo sa tabi ng pool. Yung mga paa ko nakalublob na sa tubig.
"I would like to make a proposal. Gusto mo ba umuwi na sa inyo at matapos ang contract natin?" tanong niya habang kumakain ng apple.
Gusto ko nga ba matapos ang contract ng maaga?
Dapat oo sagot ko agad, pero bakit parang nag-eenjoy na ko sa pagstay ko dito sa bahay ni Harvey?
"Of course. What's your proposal?"
"A game, a race. If you can beat me, pwede ka na umuwi ngayong gabi. If you lose, another one month will be added to your contract."
"What kind of game?"
"Simple lang. Swimming. From here, back and forth lang. Within a few minutes, madedetermine natin ang winner," sabi niya sabay subo sa akin ng apple.
Swimming? Mali ka ng hinamon Harvey. I'm a champion swimmer nung high school. I will surely win.
"Deal! Game?" excited kong sagot habang kumakain ng apple.
"Jump in!"
Mabilis ko hinubad ang T-shirts and shorts ko. Wala ako pakialam kahit makita ni Harvey na nakablack panty at bra lang ako. Ito na ang huling gabi na magkikita kami dahil sigurado ako na mananalo ko. Tumalon ako sa pool at kitang kita ko sa mga mata niya na he wants to devour me alive.
"What? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakapanty at bra?" tanong ko sa kanya habang nag stretch ng kamay.
"Alam mo sagot diyan. Sigurado ka na ba sa decision mo?"
"Sigurado na ako sa pagkapanalo ko Harvey."
"Cocky ha?"
"Ikaw ang nagpropose ng game na to. It's my chance to get out of this contract."
"7:26 PM na sa relo ko. At exactly 7:30 PM, our game will start, " sabi ni Harvey habang nagseset ng alarm a phone niya ng 7:30PM. Tumango lang ako sa kanya. Mahaba at makipot ang infinity pool na parang dinesign for long swimming.
"Sierra, I know that you're na good swimmer," bulong niya sa akin.
"Alam mo pala. Alam mo na din siguro na matatalo ka sa akin."
"Do you think I'm stupid to propose a deal matatalo ko?"
"I am scared, Harvey. Nye Nye Nye! Kakainin mo lang ang sinabi mo!"
"That's my girl. Oozing with confidence. Thirty seconds. Any final words?"
"Goodbye loser. Ikaw ano last words mo?"
"Actually, I have none."
Yun ang huling sinabi ni Harvey before he cupped my face and kissed my lips. It's a provocative kiss as I can feel his tongue inside my mouth. Lahat ata ng cells ko sa katawan ay nagcelebrate dahil sa halik na yun. Pero he quickly released me nang tumunog ang timer.
Nasa kalagitnaan na ng pool si Harvey nang marealize ko ang plano niya. He kissed me para mawala ako sa concentration. Sinubukan ko humabol sa race but Harvey is also a good swimmer. Kung fair fight ang nangyari, malamang talo din ako. When I reached the edge of the pool, andun na si Harvey na nakangiti at nag-aabang sa akin.
"That concludes our race."
"Cheater ka eh!" sabay hampas ko sa dibdib niya.
"Eh ano tawag sayo ulit? Loser? Another four weeks Sierra, that's our deal."
"Napaka daya mong impakto ka!"
"You seemed to enjoy it naman di ba?" sabi ni Harvey sabay yakap sa bewang ko. Nanlaki na lang ang mata ko dahil alam ko na wala siyang kahit anong suot.
"Leche ka! Dapat ulitin natin yung game!" sigaw ko habang hinahampas pa din siya.
"Oh come on, Sierra. Alam mo naman na kahit di kita halikan, matatalo ka pa din. Admit it," sabi niya as he pulled me more closer to him.
"Matutulog na ko. Wag mo ko istorbohin!" inis kong sabi sabay tulak sa kanya at akyat sa hagdanan ng pool.
"Goodnight Sierra..." mapangasar niyang sabi sa akin.
"Goodnight mo mukha mo!"

BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...