Chapter 45 - Always and Forever

15.4K 347 36
                                    

The next morning, I found him preparing our breakfast. Nakabihis na siya at may luggage na sa living room.

Teka, ako ba ang iiwan ni Harvey?

Tahimik na naman si Harvey at wala kami kibuan na nagbrebreakfast. Wala na naman sa mood? Anebeyen!

"Sierra, I am really sorry. Baka hindi ako makauwi mamaya, I need to go to Tokyo. Importante lang talaga at kailangan ako doon. Baka bukas ng hapon pa ko makauwi."


Awww. Tokyo? Magkikita na naman ba sila ni Donna?


"Sure..." mahina kong sagot.

"May papabili ka ba? Ramen? Stuffed toys?"

"Dark chocolate. Bayaran ko pag-uwi mo."

"Di mo pa nga binabayaran yung utang mo nung honeymoon natin."

"Let me know the price. I can transfer some money in your account," mahina kong sagot.


Pupunta siya Tokyo, sino kasama niya? Magkikita ba sila ni Donna?


"Ayoko ng pera. Iba ang gusto ko bayad."

"Like sex? Sure," matabang kong sagot sa kanya.

"Sierra..."

"What?" I snapped at him. 

Iniisip ko pa lang na may mangyayari sa kanila ni Donna, nagagalit na ko. Kulang na lang madurog yung pancake sa plate ko.

"Nothing..."

"I'm done Harvey. Iwan mo na lang yung plates mo. Linisin ko later. Ingat ka sa biyahe."


Harvey left without even saying anything​. Mas mabuti na to kaysa naman patuloy ako umasa na mamahalin niya ko. At least civil kami.

Gusto ko man umalis at magpakalayo, parang di ko ata kaya. Kahit nasasaktan ako, at least sa akin umuuwi ang asawa ko.

Ganun ba talaga pag mahal mo? Di mo magawang lumayo kahit nasasaktan ka na?

Ayoko na tanungin si Mam Gia kung sino kasama niya. Malamang si Nadia or malamang magkita sila ni Donna. Ilang weeks na din wala nangyari sa amin.


Waaaah! Napaparanoid na ko!


Pagdating ng gabi, dinalaw ako ng lungkot. Di nga pala siya uuwi ngayon. Gusto ko na umuwi si Harvey. Gusto ko siya tawagan at sabihin na umuwi na agad. Missed ko na agad siya. Pero di din ako sure kasi feeling ko mas inaanticipate ko yung dark chocolates na pasalubong niya kaysa sa kanya.


For the last few days, para akong lalagnatin. Nanlalambot at walang gana. Madalas nagsusuka ko sa umaga and I also missed my period which never happened before. I'm quite​ sure I'm pregnant. 


Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Harvey...


The next day, wala ko gana magluto kaya nagpadeliver na lang ako ng hamburger for lunch, pero nagsisimula pa lang ako kumagat ng burger, umikot na sikmura ko and I felt totally sick. Pumunta ko sa bathroom​ para sumuka. I hate it when this happens. Yung mga gusto ko na food parang gusto isuka ng katawan ko.

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon