Pagmulat ng mga mata ko, madilim ang buong paligid. Tumingin ako sa glass window at wala pang kahit anong liwanag sa sky. Gabi or madaling araw pa lang siguro.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko na wala na ang unan na nagsisilbing Great Wall of China sa pagitan namin ni Harvey. Nakayakap siya sa akin at kahit ang mga braso ko ay nakayakap din sa kanya.
Bakit may yakapan portion?
Dapat itulak ko siya, pero mas minabuti ko matulog ulit na yakap siya. Minsan lang to mangyari, gragrab ko na ang opportunity. Bwahaha!
Dahil sa antok ko, nakatulog ulit ako pero pagkagising ko, medyo maliwanag na at wala na din si Harvey sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at naligo. Nagtext nga pala ko kay Jason na maaga kami magkikita ngayon.
"Kumain ka muna bago umalis," sabi ni Harvey na nasa dining room na at kumakain.
Mukhang bagong paligo din siya. Pag tingin ko sa lamesa, may Grilled Ham and Bacon, Hashbrowns, Blueberry Muffins, Cheese Omelette at Pancakes.
"May bisita ka ba at ang dami mong niluto?"
"Wala ko bisita pero alam ko na matakaw ka. Tikman mo tong Muffins, ako nagbake niyan," sabay abot niya sa akin ng muffin at subo sa bibig ko.
In fairness, ang sarap at ang lambot! Marunong palang magluto at magbake talaga si gago.
"May papabili ka ba or may ibibilin? Sa hapon pa kasi ako uuwi," tanong ko habang kumakain.
"Wala naman. Enjoy mo lang date mo sa panget mong ex-boyfriend. At pwede, dahan dahan sa pagkain, napaka siba mo kumain!"
"Excuse me, hindi ko ex si Jason. Boyfriend ko pa siya."
"Excuse me din, pero ex mo na siya simula mamaya dahil marerealize mo na panget pala siya."
"Kapal mo talaga eh no!"
"Ayaw mo ba na ihatid kita? Baka maligaw ka?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
"Ok na ko, may dinownload na ko navigational app. Makakauwi ako, di naman ako tatanga tanga."
"Nagboyfriend ka nga ng sobrang panget at gold digger. Hindi ba tanga tawag dun?"
"Ewan ko sayo! Ayoko na magbreakfast kasabay ka, pero salamat, masarap luto mo," sabi ko sabay tayo sa lamesa.
"Ayaw mo na magbreakfast eh ang dami mo na kinain at tatlong muffins yang hawak mo. May baon ka pa?"
"Wala ka pakialam! Goodbye!"
"Takaw!" sigaw ni Harvey sa akin bago ko lumabas ng pinto.
Mabilis naman ako nakabalik ng Manila dahil walang traffic. Sabi ko kay Jason, mag lunch date kami pero busog na busog ako sa dami ng kinain ko. Pagdating ko sa Chinese restaurant na meeting place namin ni Jason, andoon na siya at naghihintay.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Kadadating ko lang din. Kamusta trabaho mo sa resort?"
"Uhmmm okay lang. After ng lunch natin, saan mo gusto pumunta?" change topic ko agad.
Hindi ko pa nasasabi kay Jason na kay Harvey na ako nagtratrabaho.
Fuck! At katabi ko pa matulog si Harvey kagabi!
"Ikaw bahala. Alam mo naman ako, kahit saan mo gusto, doon ako. Akala ko ba gusto mo pumunta sa Ocean Park?"
"Ay oo nga pala! May penguin and seal show sila this month. Gusto ko dun!"
Konti lang ang inorder ko na pagkain kasi busog po ko sa dami ng kinain ko. Ang sarap kasi ng luto ni Harvey. Medyo tahimik ang lunch namin dahil hindi rin masyado nagsasalita si Jason. Sabagay, tahimik lang naman talaga siya noon pa.
"Sabi ko naman sayo, open ang pinto ng kwarto ko para sayo."
"Do you think pag nabuntis kita, automatic twins anak natin?"
"Eh kung ako na lang ginagawa mong boyfriend, eh di papaligayahin kita gabi gabi."
"Sierra, are you okay? Natutulala ka na, may problema ba?" tanong ni Jason sa akin sabay hawak sa mga kamay ko.
"Ha? Wala wala. Antok lang siguro ko byahe," ngiti ko sa kanya.
"Akala ko, you're not feeling well."
"I am okay. Kumain ka na. Pagtapos natin kumain, punta na tayo sa Ocean Park."
Pota, bakit ba si Harvey naiisip ko?
Boyfriend ko kasama ko ngayon! Ponyetang utak to, si Harvey ang laman, kamote naman!

BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...