Pagkatapos ng dinner, pumwesto na ko sa living room para manuod ng Discovery or National Geographic channel.
"Maliligo lang ako sa pool," sabi ni Harvey sa akin.
"Eh di maligo ka. Pakalunod ka, wala akong pakialam. May pag-uutos ka pa ba Sir Harvey? Manunuod kasi ko."
"Wala naman. Tawagin na lang kita pag may kailangan ako."
Nagsimula akong manuod ng isang animal related documentary. After ng ilang minuto, narinig ko na tinatawag na ako ni Harvey.
"Sierra..."
Haist! Wala daw ipag-uutos! Istorbo!
Lumabas ako papunta sa garden at pinuntahan si Harvey sa pool. Sasagot sana ko ng pabalang kaso nakita ko siya na nag bubutterfly strokes. His muscles are flexing na para siyang kalahi ni Thor sa kaseksihan. Pero mas lalo ko natulala nang marealize ko na nagswiswimming siya ng walang kahit anong damit. I can clearly see the nakedness of his back habang lumalangoy siya.
Madalas na ko makakita ng magagandang katawan ng mga lalaki. Yung mga barkada ni Kuya Matthew at Kuya Elijah, ang gaganda ng abs. Kapag kasama namin sila sa beach sa ancestral house ng mga Zamora, they are flaunting their well toned muscles.
Pero wala ko pakialam. Para sa akin, normal lang na may ganung kagandang katawan. Pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako natulala sa isang lalaki.
"Anong ipag-uutos mo?" tanong ko kay Harvey habang lumalangoy papalapit sa akin. Ayokong mabuking niya na tulo laway ako sa kanyang sexiness.
"Gusto ko ng malamig na orange juice please?" malambing na sabi niya pag dating niya sa edge ng pool. Yung shoulder-length niyang buhok nakatakip partly sa mukha niya at natetempt akong haplusin ang mukha niya para ayusin ang buhok niya.
"Meron ka pa ba idadagdag?"
Umiling lang siya at ngumiti na sobrang tamis. Pero somehow kilala ko na si Harvey at alam ko may binabalak siyang di ko magugustuhan. Mabilis akong kumuha ng juice at iniwan sa tabi ng pool.
"Ano pa gusto mo?"
"Yun lang. Thank you Sierra," sabay ngiti niya sa akin at inom ng juice. Anong trip nito?
Pinagpatuloy ko ang pinapanuod ko. Ang dami ko nang namissed na parts. Di ko na tuloy alam kung ano na ang nangyari. Wala pang limang minuto akong nanunuod, tinawag na naman ako ng hudas barabas.
"Sierra..."
"Ano pa po ipag-uutos mo?" tanong ko habang kinakalma ang sarili ko. Alam ko sinasadya niya na utusan ako ng paulit-ulit.
"Gusto ko ng apple, yung green. Slice mo into eight parts," malambing na sabi niya na parang bata.
"Ok fine. Anything else? Would you like to add some dessert? Would you like to upgrade your drinks?" inis kong tanong sa kanya.
"Yun lang, Sierra. Thank you," sabi na naman niya sa malambing at nakakainis na boses.
Pagbalik ko sa pool, dala dala ko na yung green apple niya. Nilapag ko sa tabi ng pool sabay alis, baka may iutos pa.
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...