Chapter 27 - Tiffany & Co

10.9K 271 2
                                    

Sa dami ng kinain ko, nakatulog ako sa byahe. Sobrang kaba ko kasi during the engagement dinner kaya minabuti ko kumain ng madami. Nagising na lang ako nang dumating na kami sa bahay ni Harvey.

"Sa labas na lang tayo magbreakfast bago pumunta kay Judge Puno," sabi ni Harvey pagkapasok namin sa bahay. Andun na si Blackness na nag-aabang sa amin.

"Sige ikaw bahala. Matutulog na ko, goodnight," inaantok ko ng sabi sabay pasok sa maid's quarters. Di na ko nagpalit ng dress sa sobrang antok ko.

"Babaeng matakaw, wag ka muna matulog, may bibigay ako sayo," sabi niya sa akin sabay hila ng kamay ko patayo ng kama. Hinila niya ko papunta sa garden kahit ako ay nakapikit na.

"Ano ba yun? Bakit kailangan ko pa bumangon? Antok na ko."

Biglang may kinuha si Harvey na isang velvet box sa bulsa niya at binigay sa akin.

"Sayo yan, wag mo titigan, buksan mo."

Engagement ring ba to? Bakit bigla ata ako nagising?

"Ano ba to? Bakit kailangan pa natin nito eh kasal na natin bukas?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang box. Isang diamond ring ang laman at based sa brand ng ring, this is expensive.

"Ayaw mo ba? Di wag, akin na nga yan! Para may spare ako pag nag-asawa ko ulit," galit niyang sabi sabay kuha niya sa akin box.

Pumunta siya sa may tabi ng swimming pool at doon nag stay. Tinaas niya ang black slacks niya at binabad ang paa sa pool.

Nagtatampo ba siya? Bakit nakapout pa yung lips niya?

Peste kasi tong si Harvey, walang katiting na sweetness sa pagbibigay ng engagement ring! Wala man lang - Will You Marry Me?

"Sinabi ko ba na ayaw ko? Akala ko akin na yan?" sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.

"Wag na. Di na naman kailangan eh..."

"Sabi mo akin na yan eh, bakit mo ba binabawi?" tanong ko sabay hablot ng box.

Sakin na to! Baka ibigay pa niya sa iba!

"Wag ka makulit Sierra, akin na yan!"

"Akin na to ngayon, walang ng bawian!"

Pagkakuha ng box sa akin ni Harvey, biglang humagis yung velvet box sa pool at lumubog sa ilalim.

*Plok Plok Plok*

"Tignan mo ginawa mo. Napaka kulit mo!" sigaw niya sa akin habang naghuhubad ng long sleeves.

"Sabi mo kasi para sa akin tapos babawiin mo naman..." mahina kong sagot. Bakit ba siya galit?

Mabilis na hinubad ni Harvey yung slacks at sapatos niya saka sumisid sa ilalim ng pool para makuha yung box.

"Hoy babae, eto na yung engagement ring mo. Para kang iiyak diyan," sabi niya sabay bigay sa akin ng box.

Ako naman si gaga inabot ko yung box, pero tong si gago, biglang hinila ang braso ko at mabilis ako na out of balance at bumagsak ako sa pool.

"Alam mo na nakadress pa ko, saka mo ko babasain," inis kong sabi sa kanya.

"Eh di tanggalin natin yung damit mo," natatawa niyang sagot.

"Masaya kapag nagsusuffer ako no?"

"Hindi naman masyado. Gusto mo race tayo ulit?"

"Ano na naman ang price?" sabay tanggal ng shoes ko at lagay sa gilid ng pool.

"Pag nanalo ko, may kiss ako sayo. Pag nanalo ka, may kiss ka sa akin," sabi niya sa malambing na boses sabay yakap sa akin.

"Hindi ba pabor pareho sayo yun?"

"Pabor sa akin? Hindi ba nag-eenjoy ka din naman sa bawat kiss ko sayo?"

"At sino may sabi sayo na nag-eenjoy..."

Di na ko pinatapos ni Harvey at hinalikan na naman niya ko. 

Ilang beses na ba ko hinalikan nitong gagong to?

At feeling ko, nag-eenjoy na nga ko. Feeling ko nga sanay na ako at hinahanap hanap ko pa.

"Marry me, Sierra," bulong niya sa akin habang nakadikit ang noo niya sa noo ko. Kinuha niya ang engagement ring at nilagay sa mga kamay ko. Sigurado ako na kung yayain ako ni Harvey sumama sa kwarto niya sa mga oras na to, sasama ako ng walang kalaban laban.

Tumango lang ako sa kanya. Ayoko magsalita kasi feeling ko masisira yung moment namin. Minsan kasi wala din preno ang bibig ko. Pasira ng moment.

"Marunong ka ba magfloat?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Bakit?"

"Tara, dun tayo sa gitna. Higa tayo sa pool. At saka tanggalin mo yung damit mo, naiirita ko," sabi niya sabay punta sa likod ko at baba ng zipper. Ayoko na mag-away kami kaya sinunod ko lang siya. Hindi rin ako comfortable na nakadress sa pool.

Hinila niya ang kamay ko papunta sa gitna ng pool at pareho kami nakafloat habang nakatingin sa mga stars. Di niya binibitawan ang kamay ko. Holding hands habang nakafloat sa pool. Ang peaceful.

Di ko alam kung dahil sa mga stars o dahil kasama ko si Harvey sa mga oras na to...

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon