Chapter 32 - Aronia

11.4K 255 9
                                    

After namin na magboating, pumunta nga kami sa isang street na napaka dami na food stalls. Hindi pa nakontento si Harvey, dahil umikot pa kami sa ilang park. Akala ko maiilang siya sa sinabi ko pero parang wala naman nagbago. Minsan sweet siya, minsan mang-aasar. Minsan nanakawan niya ko ng halik, minsan naman sinusungitan ako.

"Saan tayo magdidinner?" tanong ko kay Harvey habang naglalakad kami. Wala naman food stall or restaurant sa paligid.

"Excited ka na ba? Excited na ko," sabi ni Harvey sabay hila sa akin sa isang maliit na pintuan na may stairs pataas. 

Makipot ang hagdan pero it looks stylish. Pag akyat namin, isang maliit na restaurant ang tumambad sa akin. Five tables lang ata ang kasya sa loob. Sa bandang unahan ng restaurant ay may isang dark brown counter kung saan nagpreprepare ang chef ng food real time with his personal touch.

May kasabay kami na three couples and they all look sophisticated, naka semi formal wear. Kami lang ata ni Harvey ang nakapants.

"Harvey, mukhang mahal ata dito. Bakit konti lang ang tao?" tanong ko habang tinitignan ang mala work of art na Vegetable tempura.

"Konti lang ang tao kayang accommodate ng chef. Gusto kasi niya personal niya maassist lahat ng customers."

"Parang ayoko kainin, sayang yung design, ang ganda."

"Kumain ka na, mamaya may dadating pa na ibang food," sabi ni Harvey sabay kain ng colorful Ratatouille.

After ng isang set ng food, may dumating na naman na next course at mga dessert. Though small ang servings, lahat ng food artistically prepared. Sa bilang ko, yung eleven-course menu ata yung inorder ni Harvey sa dami ng pagkain na dumating sa amin. Nabusog ako at nag-enjoy sa design ng food.

"Nagustuhan mo ba ang dinner natin Mrs. Sierra Weston?" tanong ni Harvey habang umiinom ng wine.

"Siyempre oo, isang unique dining experience with my husband," sabay dighay. Buti hindi gaanong kalakas at si Harvey lang ang nakarinig.

"Mukha naman na nabusog ka kaya sulit ang bayad ko."

"Magkano utang ko?"

"Roughly 15k yung isang eleven-course meal."

"Naka 30k ka sa dinner na to? Binaon mo naman ako sa utang. Alam mo naman na yung laman ng bank ko, galing sa salary ko sa resort at sa company ni lolo."

"Tumatanggap naman ako ng bank transfer or installment, pwede din naman na...."

"Stop! Alam ko na sasabihin mo. Tatawagan ko si mommy bukas, ipapaopen ko yung account ko. Bukas na ko magbabayad ah?" inis kong sabi sa kanya.

"KJ ka noh? Malamang dinala kita dito dahil gusto ko ma-experience mo to. Ano naman akala mo sa asawa mo, mahirap?"

"I bet mahal din itong wine na iniinom natin. Ayoko na malaman ang price, ikaw na magbayad niyan."

Gabi na pero hindi mo mararamdaman ang oras pag nasa Tokyo ka. Madami pa na tao sa labas at ang mga ilaw sa lansangan ay nonstop.

"Yung shoelace mo, ayusin mo. Baka madapa ka," turo ni Harvey sa rubbershoes ko habang naglalakad kami pauwi.

"Wait lang, natanggal. Buhol ko lang," sabi ko sa kanya. Umupo muna ko sa isang bench para itali ang shoelace ng sapatos ko. Pero habang nakatungo ako, isang nakakaasar na boses ang narinig ko.

"Harvey honey, akala ko next month ka pa babalik? Did you already miss me?"

Pagtapos ko magtali ng sapatos, inangat ko ang tingin ko at nakita ko isang matangkad at chinita na babae na nakapulupot ang mga braso kay Harvey. Hinahalikan niya si Harvey sa labi na parang normal lang ang kissing scene sa sidewalk at madalas na nila ito ginagawa.

"I am just here for a vacation," maikling sabi ni Harvey.

"Gabi na, saan ka ba nagstay? Doon ka na sa apartment ko. I really missed you. We can spend the night together, like the usual."

"Donna, I am with someone," nakangiting sabi ni Harvey sabay tanggal ng kamay ng babae sa kanya.

"Sino? Saan?"

"Donna, this is Sierra my wife. Sierra, this is Donna, my manager."

Akala ata ni Donna, hindi kami magkasama ni Harvey dahil nakaupo ako sa bench samantalang si Harvey ay nakatayo.

"Seriously this is your wife? This girl looks like a student na nawawala sa gitna ng Tokyo. Umuwi ka lang ng isang buwan sa Pinas may asawa ka na?"

May point naman si Donna. Sa suot ko na white shirt, fitted pants at running shoes with my pony tail, mukha akong studyante. Sabagay, mas bata naman talaga ko kay Harvey ng apat na taon.

"This girl here is my beloved wife. Andito kami for our honeymoon. Di ba babe?" sabay hila ni Harvey ng kamay ko.

"Oh, congratulations. Let's keep in touch then," malambing na sabi ni Donna sabay flying kiss kay Harvey.

"Manager slash fuck buddy mo ba yun?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"May times na tinatawagan niya ko kung may modeling projects. Pag type ko, pumapayag ako. Professional ang relationship namin," natatawa niyang sabi.

"Professional sa kama ng apartment niya? Hoy, nakita ko na hinalikan ka niya. Ano akala mo hindi ko nakita yun dahil nakayuko ako?"

"Exactly, hinalikan niya ko. Siya may gusto nun, hindi ako. Possessive ka naman masyado."

"Wala naman nagbabawal sayo kung gusto mo chumukchak sa ibang babae dyan. Di naman kita pipigilan, choice mo yan."

"Bakit ko gagawin yun kung andyan ka naman?"

"Magsasawa ka din sa akin Harvey..." mahina kong sabi sabay mabilis na lakad papunta sa hotel.

Sinundan niya ko pero di na din siya kumibo. Siguro narealize niya na totoo ang sinasabi ko. Baka nga nagplaplano na siya kung kailan ang annulment ng kasal namin.

Kahit masakit sa akin, I have to face the fact na pwede mangyari yun.

May time limit kaya ang happiness ko with Harvey?

Yung two weeks lang katulad ng mga short time relationships niya?

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon