(POV Harvey)
Mabilis naman na nakabalik si Sierra, mukhang planado na niya kanina pa ang bibilin niya. Pagbalik niya may dala siya na dalawang cloth bag na may laman na mga Mickey at Minnie mouse stuffed toys, hats, toys, T-shirt at kung ano ano pa.
"Napaka dami niyan. Gagawin mo ko taga bitbit?" tanong ko habang kumakain ng pizza.
"Magaan lang naman. Ako na magbubuhat."
"Kumain ka na. Alam ko kanina ka pa gutom."
"Uy mukhang masarap! Itadakimasu!" sabay kain sa pizza. Walang pakialam kahit puno bibig, basta siya kain ng kain.
"Magdahan dahan ka naman. Parang di ka aabutan ng bukas."
"Harvey thank you ah?" sabi niya habang puno ang bibig.
"Para saan?" tanong ko sabay punas ko sa bibig niya na may dungis.
"Sa food. Sa Disneyland. Sa souvenirs."
"Ang kulit, utang nga yan. Bayaran mo ng isang gabi, masaya na ko."
"Basta thank you. Natuwa ako eh."
"Mababaw ka naman eh. Magtumbling lang ata ako sa harap mo, malamang matutuwa ka na."
"Hehehe sige nga, tumbling ka please?"
"Tutumbling lang ako pag nagsayaw ka sa harapan ko."
"Sorry pag lasing mo lang ako mapapasayaw."
After namin kumain nanuod kami ng parade. May mga Disney float na puno ng makukulay na ilaw. Tuwang tuwa talaga si Sierra. Palagi siya nakahawak sa braso ko, malamang takot mawala sa dami ng tao.
"Harvey, cute ba?" sabay bigay sa akin ni Sierra ng phone niya nung nasa hotel na kami. Ang wall paper niya ay yung picture namin sa Disneyland at pareho kami nakaheadband.
"Cute ako pero wag mo post yan kung saan saan," sabi ko habang nagpapalit ng damit.
"Gagawin ko to na Facebook cover ko, lagay ko Me And My Girlfriend in Disneyland. Tag ko si Vienna, si Chichi pati si Kuya Matthew para sigurado makita ng mga friends mo."
"Wag mong gagawin yan, alam mo naman na Minnie Mouse yung headband ko dyan!" sigaw ko sa kanya nung bigla siya tumahimik.
"Minnie Mouse hehe, gay!"
"Subukan mo lang, sisiguraduhin ko na di ka makakatayo bukas pag ginawa mo yan."
"Alam na ba ng best buddies mo na kasal ka na?" tanong niya habang tutok na tutok sa phone niya.
"After ng engagement dinner natin, tinawagan ko si Ross, Gabriel at Kyle na ikakasal na ko kinabukasan. Sinabi ko man sa kanila na ikakasal na ko pero hindi ko gusto na ipagsigawan sa buong mundo na naka Minnie mouse headband ako!" sigaw ko sa kanya nang makita ko ang ngiti sa mukha niya.
"Upload complete. Nice! Bilis Wi-Fi sa hotel."
"Anak ng tite, inupload mo na? Kakasabi ko lang di ba?" sabay kuha ko ng phone niya.
Ang impakta, ginawa nga na Facebook cover ang picture namin. Ok lang naman sa akin pero madalas gusto ko talaga salungatin lahat ng gusto ni Sierra para mainis aiya.
"Cute naman pagbigyan mo na ko. Para may remembrance ako ng honeymoon natin."
"Di ka pa nga bayad sa utang mo," sabi ko sabay higa sa kama.
"Pwede ba partial payment?" seryoso na tanong niya habang papalapit sa akin.
"Wala ka naman pera ah?"
"Sabi mo nga, I can pay you in a different way..." walang emosyon na sabi niya. Hindi ko na namalayan na nakaupo na siya sa kama malapit sa akin.
"What the hell are you thinking?" mahina kong tanong sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Pero imbes na sumagot, lumapit pa siya sa akin at biglang pumatong sa ibabaw ko.
"Make love to me," mahinang sabi niya habang nag tatanggal ng shirt.
Shit totoo ba to?
If Sierra is like other girls, I won't hesitate to take her right here right now. But I respect her kaya hindi ko siya pinipilit kung hindi niya gusto.
"Are you for real or are you kidding me?" tanong ko sa kanya habang tinatanggal niya ang shirt ko.
Ano pumasok sa utak nitong babaeng to? Pumunta lang kami ng Disneyland naging mapusok na.
"Ayaw mo ba?" tanong niya na parang nagmamakaawa.
"Of course gusto ko pero..."
She kissed my lips before I can even say a thing. Within seconds, all my self control vanished. She quickly removed all of our clothes and we were both dancing with madness in no time. A different kind of happiness filled me when I discovered that I'm his first man.
Di na din ako magtataka dahil alam ko na pinalaki siya na pinapahalagahan ang sarili. My first night with my wife feels like I want to be with her forever.
Now I'm sure walang annulment na magaganap in the near far future...
![](https://img.wattpad.com/cover/111962829-288-k845650.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...