Chapter 26 - Engagement Dinner

11.2K 269 2
                                    

Tahimik kami sa sasakyan ni Harvey papunta sa hotel. Si Elijah naman ay nasa kabilang sasakyan na nakasunod sa amin kasama ang kanyang bestfriend na si Kim na para na namin nakababatang kapatid.

Yes, may story din sila - I Ruined My Bestfriend's Wedding

Pagdating namin sa isang hotel restaurant, andun na si mommy at daddy, kasama si Vienna. Andun na din si Mia Weston and Harrison Weston, ang parents ni Harvey kasama si Chichi Weston. Nang dumating si lolo, nagsimula kaming magdinner.

"As you all know, we are here for the upcoming wedding of my grand daughter Sierra and Engineer Harvey Weston. Mga apo, do you already have a date for the wedding?"

"Next year..."

"Next week..."

Sabay namin sagot at natawa lang ang lahat sa amin. Kinurot ko sa binti si Harvey dahil siya ang sumagot ng Next Week.

"Matanda na ko. If you will ask me, as soon as possible sana," dagdag ni lolo.

"No problem in my end. I will be the happiest father if that will happen," natatawang sagot ni Harrison Weston.

"Mahaba po ang preparation ng kasal, it will take months or even a year," sabi ni daddy na hindi natutuwa sa mga nangyayari.

"Luke, mas maaga mas okay. They are not kids anymore," sabi ni mommy.

"Oo nga dad. Di na naman baby si Sierra," dagdag pa ni Vienna na halatang double team sila ni mommy kay daddy.

"But daddy is right. Masyado pa maaga. Dadating tayo dun," sabi ko sa kanila.

"If you will ask me, kahit bukas pakakasalan ko si Sierra. What if she gets pregnant? It will be difficult to explain to other people. Both of our families have a reputation that they need to take care of. I think the earlier, the better," sabi ni Harvey sabay kindat sa akin.

"Ano ka ba? Ano bang sinasabi mo na pregnant pregnant? Hindi naman nakakabuntis ang halik?" bulong ko kay Harvey.

"Relax, di ba sabi ko umayos ka?" bulong niya sa akin using his sweetest voice.

Nagkaroon ng discussion kung kailan ang kasal. Si mommy at si Vienna, maging ang daddy ni Harvey, gusto makasal kami as soon as possible. Samantalang si daddy at si Elijah, gusto ng mahabang preparasyon.

"Tomorrow it is.." seryosong sabi ni lolo na nagpatahimik sa kanilang lahat.

"Po?" gulat kong tanong kay lolo.

"Magpakasal na kayo bukas. I will call Judge Puno for your civil wedding tomorrow. If you want a church wedding with long preparation, gawin niyo yan after."

"Sounds good to me," nakangiting sabi ni Harvey.

"Then let us end this night with a toast!" masayang sabi ni lolo.

I can sense that daddy is not really happy. Sabagay, a few weeks ago, kitang kita niya kung paano ko gusto sapakin si Harvey at ngayon naman, ikakasal na agad ako. On the other hand, I can see that mommy is so excited with the decision.

"Sis, natawagan ko na si Tito Ashton. Daanan mo sa shop niya yung wedding dress mo for tomorrow. Simple white dress pero elegant," sabi ni Vienna sa akin.

"At bakit ako may wedding dress na?"

"Nag-usap na kami ni mommy few days ago. Alam namin na posibleng mag-insist si lolo ng civil wedding so we called Tito Ashton right away. Kaso umalis na siya papunta sa New York, daanan mo na lang sa shop niya yung dress mo."

"Vienna, do you think this is a good idea? Marrying this handsome heartbreaker?"

"I think this is the best decision ever. Sis, I can see in your eyes that you love Harvey, pero wag mo na ko kontrahin, alam ko matigas ang ulo mo at dedeny mo lang yan."

"Hindi ko naman dinedeny, hindi lang ako sure..."

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon