"I will marry your grand daughter."
Hinatid ko si lolo sa labas. Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Harvey. Alam ko napipilitan lang siya pakasalan ako.
Pero bakit 99% ng cells ko sa katawan ay gustong mangyari yun? Bakit ba tila gusto ko makasal sa gagong to?
"What the hell Harvey? Bakit di mo pinaliwanag na hindi kita boyfriend?" tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"Sierra, nakita ako ng lolo mo na nakaboxer shorts lang. Nasabi ko din na natutulog ka sa kwarto ko. Mas gusto ko isipin ng lolo mo na girlfriend kita kaysa naman malaman niya na wala tayo relationship pero nasa kwarto kita," casual niyang paliwanag na parang hindi nabobother sa mga nangyayari.
Gusto din kaya niya?
No, I doubt it. Ayaw nitong gagong to na maikasal sa tulad ko. Matatapos ang kanyang maliligayang araw.
"Sabi ko sayo problema to," sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.
"Nakakatakot lolo mo. Muntik na ko maihi sa salawal."
"Harvey, pasensiya ka na. Ako na bahala kumausap kay lolo. I will explain na hindi talaga tayong dalawa at walang kasalan na magaganap. Nagkwentuhan lang tayo at sa kwarto mo tayo natulog. Ganun lang yun."
"Hindi tanga lolo mo. Nagkwentuhan tayo magdamag sa kwarto ko?"
"Harvey wala na ko maisip na dahilan. He needs to know na wala tayo relationship."
"Baka nakakalimutan mo, our hot and steamy kiss was caught on camera."
"Harvey, makinig ka sa akin. Ipipilit ni lolo na pakasalan mo ko. Ayoko ko gawin sayo yun. Alam ko ayaw mo pa magpatali lalo na sa babaeng di mo mahal."
"Sino may sabi na ayaw ko magpakasal?"
"Hhhaaa?"
"They want a wedding. Let's give it to them."
"You're out of your mind."
"I'm serious. My dad wants me to get married. You're grandfather, gusto niya panagutan kita. Let's get this over with."
"At ano? Magfile na lang ng annulment pag nakita mo na ang babaeng para sayo?"
"Let's cross the bridge when we get there. Call your mom, tell her we fall in love quickly and we want to get married soon."
"At sino naman may sabi na gusto kita pakasalan?"
"Ayaw mo ba? It's a win win for us. Matutuwa lolo mo. Matutuwa daddy ko."
"How about us? Paano naman tayo? Ano to laro?"
"Come on, Sierra. Ang KJ mo, it would be fun. I promise to make you happy."
Harvey seems to be serious when it comes to our wedding. Ayoko magpakasal sa kanya dahil di naman niya ko mahal but part of me wants to be with him. Buong araw kami nagtalo sa kasal, pero decided na siya.
Aangal pa ba ko kung gusto ko din naman? Pero bakit ko gusto kahit alam ko iiwan din niya ko sa huli?
Am I falling in love with this monster?
No no no, I am too smart to fall in love with a heartbreaker...
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...