Chapter 33 - Club

11K 238 3
                                    

"Hindi na ko magmomodel kung gusto mo," sabi ni Harvey nung nasa hotel room na kami.

"Huh? Bakit naman? May nakita ko na billboard mo nung nasa train tayo, yung naka suit ka, mukhang maayos naman yung mga projects mo sa manager mo."

"Eh nagseselos ka kay Donna."

"Alam mo, matagal mo na siyang friend at fuck buddy dito sa Tokyo. Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman ang standing natin nung nagpakasal tayo."

"Akala ko ba mahal mo ko?"

"Ang sabi ko I think I'm falling for you but what if hindi naman pala? Pogi ka lang at naattract lang ako sa kagwapuhan mo? Yung ganun?"

"Asawa mo na ko, Sierra."

"And so? Kung gusto mo makipaglaplapan sa mga babae dyan gawin mo. I don't care."

"Really? Hindi ka magseselos?" natatawa niyang tanong sa akin as if hindi naniniwala.

"Oo nga. You're free. Wag ka lang papahuli kay lolo."

"Sure, sinabi mo yan ah?"

"Checheer pa kita sa mga chicks mo. Go Harvey! Chukchak pa more!" sigaw ko sa kanya na may halong inis.

Aba ang walanghiya. May balak nga na mambabae!

Pota, hindi marunong makiramdam! Spell Sarcasm Harvey? Banobo na engineer, manhid!

"Since it's still early, let's go the club. Do you have anything sexy that you can wear?"

"Wala eh, ikaw na lang. Matutulog na ko."

"Nope nope. Sabi mo checheer mo ko sa mga chicks di ba?"

Hinila ni Harvey ang kamay ko palabas ng hotel room. Dumaan kami sa isang high-end na store at binili niya ko ng simple revealing dress para sa club. Pumasok kami sa isang club na puno ng mga elegant looking people, mostly foreigners.

"Bakit kasi pumunta pa tayo dito?" tanong ko habang umiinom ng cocktail sa aming table.

"You'll see..." sabi ni Harvey sabay alis sa table namin.

I can hear na may ibang mga babae na bumati sa kanya. He's famous pala talaga. Talented and smart, napaka sweet pa sa mga babae.

One lady started to pull Harvey sa dancefloor. Nagsasayaw sila sa mapusok na tugtog. The lady is touching his chest at dinikit pa niya ang kanyang dibdib kay Harvey. Ang impakto kong asawa mukhang nag-eenjoy naman. Tumingin siya sa akin at kumindat. Tinaas ko lang ang baso ko na parang sinasabi na - Cheers, pakasaya ka walanghiya ka!

Biglang nagbago ang music, nagbago din sila ng dance style. I saw Harvey touched her butt and pulled her closer towards him. Hindi ko na gusto to. It is as if they are making love while they have their clothes on.

Nagsimulang halikan nung babae si Harvey sa leeg papunta sa kanyang labi. Gusto ko pumunta sa dancefloor para hatakin ang babae palayo kay Harvey. Ang hinayupak kong asawa, patuloy ang paghalik sa babae as if bachelor siya. Wala pakialam kahit andun ako sa club. Alam ko sinasadya niya gawin to dahil tinitignan niya mabuti ang bawat reaction​ ko.

Hindi ako papatalo sayo, sabi ng isip ko. Pero ang puso ko nagdurugo sa mga oras na to. Gusto ko sabunutan ang babae palayo kay Harvey at ibaon ang matutulis kong takong sa ngala ngala niya.

Shit, napaka violent ko nga!

Two men tried to approach me pero I disregarded them quickly. Andito ko para bantayan ang animal kong asawa. Kung ano man ang gusto patuyan ni Harvey, I think nagtagumpay na siya dahil kanina ko pa siya gusto sapukin sa selos.

Pero mapride ako. Gusto mo yan di ba? Gora!

Dahil madilim ang dancefloor, walang masyado nakakapansin sa kanilang maiinit na sayaw. I can even see him touching her thighs habang pinapasok niya ang kamay niya sa dress ng babae pero biglang pinigilan siya ng babae. Hinila siya nung chicks palayo sa dancefloor.

Saan naman sila pupunta? Mag quiquickie ba sila?

Mabilis ako tumayo sa table at sinundan sila. Natagpuan ko si Harvey at ang kasama niyang harot sa isang madilim na parte sila ng club at naghahalikan.

"Umuwi na tayo. Natatae ko..." sabi ko sa kay Harvey out of nowhere. Wala akong pakialam kung marinig ako ng babaeng kalaplapan niya.

"I'm sorry?" inis na sabi ng babae na mukhang Brazilian model.

"Harvey, kumukulo na ang tiyan ko aba! Iiwan ba kita dito?"

"Who's this baby?"

"My wife," confident na sagot ni Harvey while flashing his gorgeous smile.

"What? You're married?"

"Yep."

"What the hell!" sabay alis ni Brazilian Keratin model at naiwan si Harvey na natatawa.

"Shall we? Anong part sa natatae na ko ang di mo magets?" inis kong tanong kay Harvey.

"Maagap pa. Dito muna tayo?" pakiusap ni Harvey sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"Ok fine pero tatae muna ko," sabi ko sabay kuha ng kamay ko.

Di naman talaga ko natatae. Ayoko lang kung saan pa mapunta ang halikan nila ni Brazilian blowout model. Imbes na pumunta ko CR, yung mga paa ko dinala ko sa labas ng club.

He won. I was fucking jealous. 

Pero ganto ba ang magiging buhay ko sa piling ni Harvey?

Araw araw ko ba dapat palagpasin ang pambabae niya? Kaya ko ba to knowing na mahal ko na siya?

Naalala ko tuloy ang kanta ng Moonstar88 na Migraine...

Oo nga pala, hindi nga pala tayo.
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo.
Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko.
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito.
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon