Umikot muna kami sa buong Nara Park bago bumalik sa hotel namin. Bawat oras na kasama ko siya, sana di na magtapos. Kung mauulit uli ang lahat, siya pa din ang papakasalan ko.
The next day, nagtravel kami north to Ibaraki Prefecture. Pareho kami tulog ni Harvey dahil sa pagod namin. Sinisimulan na niya ko singilin sa utang ko gabi gabi. Sabagay, honeymoon period naman talaga namin.
Pumasyal kami sa isang Seaside Flower Park. Yung hillside parang isang sea of flowers. Punong puno ng blue flowers. Eto siguro yung sinasabi ni Harvey na nagmemeet ang langit at lupa kasi may view na magkadikit ang blue fields at blue sky as one.
"Sierra, put your arms around me, then kiss me," utos ni Harvey out of nowhere habang naglalakad kami sa gitna ng blue flower fields.
"Ha? Anong trip mo? Ang daming tao eh."
"Gawin mo na lang yung sinasabi ko. Then, kiss me. Gusto ko yung parang you can't get enough of me."
Tinaasan ko lang siya ng kilay pero he really looks serious kaya niyakap ko siya and I kissed him. He kissed me back kahit may ilang tao na napapatingin sa amin.
"Good girl!" nakangiti na sabi niya after ng ilang seconds.
"Good girl? Ano ko si Blackness? Good dog? Roll over?" tanong ko pero di pa rin ako bumibitaw sa kanya.
"May isang photographer na kanina pa sumusunod at kumukuha ng picture natin. Binigyan ko lang siya ng magandang shot para di na siya mahirapan."
"Seryoso? Di naman ako artista. Teka, kilala ka ba dito?"
"Ayoko magyabang pero since misis na kita, dapat malaman mo na your husband is kinda famous here. I am quite a celebrity in the modeling industry here."
"Oh, is that so?"
Di na naman ako magugulat dahil may ilang babae na nagpapicture sa kanya nung pumunta kami sa Nara Deer Park. Akala ko kasi pogi lang siya, pero tinawag siya sa pangalan niya, so it means na madami nakakakilala sa kanya. Kaya pala madalas nakashades at cap si gago.
"Ikaw lang ang hindi bilib sa akin eh. Ano sabi mo noon? Hindi ako kagwapuhan?" tanong niya habang mas lalo hinihigpitan ang yakap sa akin.
"Hindi ka naman talaga kagwapuhan Harvey," nakakalokong sagot ko sa kanya.
Di ka kagwapuhan, dahil ikaw ang pinaka pogi sa mata ko.
"Maglolokohan pa ba tayo Sierra? Tandaan mo, ikaw ang umakit sa akin nung isang araw. Ikaw ang naghubad sa harap ko. Ikaw ang nagtanggal ng damit ko."
"Bayad ko lang yun sa utang ko sayo!" namumula kong sagot.
Bakit kailangan pa niya ipaalala na ako ang gumawa ng first move para may mangyari sa amin?
"Madami ka pa utang na pagbabayaran, my dear wife," sabi niya sabay hila sa mga kamay ko at pumunta kami sa ibang section ng flower park.
The whole day, umikot lang kami sa park. Sumakay kami sa ferris wheel kung saan tanaw ang buong flower park. Sa buong araw na magkasama kami, feeling ko mahal ako ni Harvey, pero ayoko maging feelingera. I need to know if he loves me or he is just being a nice husband.
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...