Maaga kami gumising ni Harvey dahil kasal namin ngayon. Sobrang ganda ng gown na gawa ni Tito Ashton, ang bestfriend ni mommy. Simple white cocktail dress, pero ang daming crystals. Meron pang terno na white shoes na may kung ano anong crystals din.
"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Harvey nung nasa expressway. He looks handsome with his fitted white longsleeves.
"Daan ka na lang sa fastfood, bili tayo breakfast. Ayoko na kasi bumaba ng kotse, medyo agaw eksena yung dress ko."
"Hindi naman ah? Napaka simple lang naman."
"Kahit na, aga aga, may shining shimmering dress ako."
"Ikaw bahala, you're the boss."
Nag quick breakfast lang kami ni Harvey bago dumerecho sa Cavite. Andun kasi si Judge Puno sa kanyang resthouse. Very quick and very formal ang civil wedding namin ni Harvey. Present si lolo na tuwang tuwa dahil natapos na ang kasal. Andun din ang parents ko at parents ni Harvey.
Ang nagsilbing ninong at ninang namin ay si Antonio Villarosa at ang asawa niyang si Isabelle Villarosa na family friends ng mga Weston. Saka ang bestfriend ni daddy na si Stephen na isang foreigner at yung wife niya na Filipina.
"Mommy, asan si Vienna? Ang Kuya Matthew at si Elijah?" tanong ko nang matapos ang pirmahan ng documents.
"Ayaw ng lolo mo na kasama sila. Gusto ni daddy, matatanda lang daw."
"Corny naman ni lolo."
"Saan niyo balak mag honeymoon dalawa?" nakangiting tanong ni mommy.
Si daddy naman nakatingin lang sa amin ni Harvey, halatang bitter dahil may asawa na ang baby girl niya. Naunahan ko pa kasi si Elijah at si Vienna.
"Walang ganun. Di na uso yun."
"Anong walang ganun, pwede ba naman yun? We will be taking an evening flight to Tokyo tonight. Di ko ba nasabi sayo?" nakakalokong tanong ni Harvey sabay akbay sa akin.
"Wala kang sinasabi sa akin. Hello?"
"Well, ngayon alam mo na. Ok lang po ba na itakbo ko si Sierra papunta sa Japan ngayong gabi?" tanong ni Harvey kay mommy.
Japan Japan, anong gagawin namin sa Japan?
"Of course, she is Sierra Torres Weston now," kinikilig na sabi ni mommy.
"At bakit ngayon ko lang nalaman na pupunta tayo sa Tokyo?" bulong ko kay Harvey nang mabaling ang attention ni mommy sa aming mga ninong at ninang.
"Surprise ko sana sayo yun, pero since alam mo na, dumaan tayo sa bahay niyo at mag-impake ka ng ilang damit. Tinawagan ko na yung caretaker, siya muna bahala sa bahay at kay Blackness."
"You mean may gamit ka na sa kotse mo?"
"Hinanda ko na kagabi pa. Yung sayo na lang ang kulang. Daan muna tayo sa inyo. Kung gusto, doon na tayo mag honeymoon in advance," bulong niya sa tenga ko.
"Bakit tayo pupunta pa sa Tokyo?"
"Honeymoon nga di ba? Newlyweds tapos walang honeymoon? Ginagalit mo ko, Sierra eh!" bulong niya sabay pisil sa pwet ko.
"What the..."
"Magrereklamo ka? Ayan si Judge Puno, sampahan mo ko ng kaso. Go girl, kaya mo yan," natatawa niyang sabi sabay punta sa mga ninong at ninang para makipag-usap.
Di ko alam kung namumula ako sa hiya, sa inis, sa galit or all of the above...
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...