Chapter 10 - The Unknown Wife

11.8K 251 4
                                    

Dahil may bisita si Harvey at feeling ko naman, puyat silang dalawa sa kanilang so-called slumber party, nagsimula akong magprepare ng maayos ng breakfast. Ayoko isipin niya na nagseselos ako kaya isa akong mabuting maid ngayon.


Nagsimula akong magluto ng walang kamatayan kong sunny side up eggs, bacon at sausages. Yung natira kong rice kagabi, ginawa kong sinangag at nilagyan ng longganisa flakes. May toasted bread na din at creme cheese. Nagprepare na din ako ng coffee at orange juice. Siguro naman acceptable yan kahit papaano.


"Nagluto ka na pala," sabi ni Harvey na mukhang kakagising lang.

"Kahiya naman po kasi sa inyong bisita, senyorito," sabi ko sa kanya sabay latag ng mga plates sa lamesa.

"Next time ganito gusto kong breakfast, hindi yung isang itlog lang," sabi niya sabay kuha ng sinangag.

"Masusunod po, kamahalan. Asan na po ang iyong bisita?" tanong ko habang sinasabayan na din si Harvey magbreakfast.

"Pababa na yun. In fairness masarap sinangag mo. May lason ba to? Babalaan na kita, kapag may nangyari na accidental death sa akin, sinabi ko na sa attorney ko na imbestigahan ka."

"Sir Harvey, hindi kita papatayin hanggang nandito ko sa bahay mo. Pag natapos na yung kontrata ko sayo, humanda ka. Papasalvage kita sa mga friends kong assassins."

"Can't wait. Siguraduhin mo na maayos yang mga assassins na ipapadala mo sa akin dahil sanay ako sa martial arts."

"Martial arts? Nagpapatawa ka ba? Tingin mo close combat gagawin ko sayo? Maghihire ako ng sniper at hulaan mo kung anong part ng katawan mo ang una ko papatamaan?"

"Kilala ko yung Kuya Matthew at Kuya Elijah mo, napaka bait at napaka cool na mga tao. Ikaw? Napaka morbid mo! Kaninong mangkukulam ka ba pinaglihi ng mommy mo?"


"Hey sweetheart. Breakfast time na ba?" isang malandi at pabebeng boses ang nagpatigil sa usapan namin.


Palapit sa amin ang chicks ni Harvey na nakasuot lang ng white long sleeves. Malamang damit ni Harvey. Walang traces ng bra as if pinagsisigawan niya na may hinaharap siya. I am sure fake naman ang boobs nito. Masyado perky at hindi natural looking.


"Hey sweetie, kumain ka na. Ako nagluto ng lahat ng yan. Try mo yung sinangag ko," sabi ni Harvey sabay kindat sa akin.


Bakit ata ang ganda ng mata ni Harvey pag bagong gising?


"Sino siya?" tanong ni fake boobs habang kumakain kami.

"Ate ko. Wag mo pansinin yan. Matandang dalaga na yan."


Ako ang ate niya? Eh apat na taon ang tanda ni Harvey sa akin? Walang hiya talaga tong kumag na to!


"She looks young. Ate mo ba talaga siya?" tanong ulit ni fake boobs.

"Sweetie, I am Harvey's wife. But don't worry, civil kami sa isa't isa hanggang di pa naaayos ang annulment case namin," matamis kong sagot kay fake boobs.

"Wife? Harvey, sabi mo single ka?" pabebeng tanong ni fake boobs kay Harvey na parang iiyak.


Pebebe talaga ampotah! Si Harvey naman ay inirapan lang ako.


"Sweetheart, single ako okay? Annulled na yung kasal namin ng wife ko."

"Annulled na pala eh bakit andito pa siya?"


Aba, bwiset tong babaeng to ah? Demanding, gusto ko paalisin? Sarap laslasan ng leeg ng bruha!


"Sweetie, my husband has this rare disease called nymphomania. He can't control his sexual desires. Kapag pagod na ko, I can't give him what he needs. So that's why you're here. Kailangan niya ng babae na makakafulfill ng desires niya kapag pagod ako, kapag wala ako sa mood or kapag tinatamad ako," mahinahon kong explanation kay booba habang kumakain.

"You just used me? You called me princess yesterday, tapos ginagamit mo lang ako? Akala ko there's chance for both of us! Sabi mo I look good in a wedding dress! I hate you!" pabebeng sigaw niya kay Harvey sabay akyat sa second floor.

"Look what you've done," mahinang sabi ni Harvey sa akin pagkaalis nung chicks niya.

"Next time naman, kung magdala ka ng chicks, hindi fake yung boobs. Nabobother ako sa boobs niya, hindi natural," sabi ko sabay kain ng sausages.

"Yung kasing natural nung sayo?"

"Yeah, exactly. Wait, what?"

"Sierra, may I remind you na maid lang kita, hindi ka dapat nakikialam sa sex life ko..."


Booooom! Sapul ako dun! 


"Ay sorry ha? Excuse me lang, dun na lang ako kakain sa labas. Hindi nga pala dapat sabay kumain ang maid at ang boss sa dining table," sabay tayo ko sa lamesa. Pero kumuha muna ko ng maraming sinangag, eggs at bacon.


Tama naman si Harvey, dapat di ako nangingialam sa kanya, lalo na sa sexlife niya. Katulong lang ang papel ko dito.


Eh nakakabwiset yung pabebeng boses eh! Ano magagawa ko kung lumabas ang pagkamaldita ko?


Lumabas ako sa garden at kumain sa tabi ng pool. Promise, next time, di na ko sasabay sa kanya kumain. 

Somehow namissed ko tuloy si Jason, palagi niya ko tinatrato na parang prinsesa. Samantalang si Harvey, basura ako sa kanya. Pero di ko matawagan si Jason. Mom told me not to call him. Masasaktan lang si Jason pag nalaman niya na nasa bahay ako ni Harvey Weston.

Habang kumakain, narinig ko na lang na biglang sumarado ang front door ng malakas. Malamang umuwi na si fake booby girl at ihahatid na ni Harvey. Mag-isa na naman ako dito. Good for me, walang ang presensiya ng demonyo kong amo.


"Tapos ka na ba kumain? Napaka heavy mo naman mag breakfast. PG ka ba?" tanong ni Harvey na tumabi sa akin sa may pool.

"Oh bakit andito ka? Akala ko hinatid mo yung chicks mo?"

"Malamang nagalit sa akin dahil sa sinabi mo. Nakakita ng taxi sa labas, magtataxi na lang daw."

"Aba sundan mo. Ganun ang mga babae, pabebe. Gusto nila hinahabol sila."

"Pssssh! Kaartehan. Madami naman dyan, hahanap na lang ako bago."

"Sabagay, sa gwapong mong yan, di ka naman mauubusan."

"So inaadmit mo na ba na gwapo talaga ko?"

"Aba oo naman. Di ba lahat ng fallen angel na naging demonyo gwapo?" sabi ko sa kanya sabay tayo at pasok sa loob.

"Hoy impakta. Magbihis ka aalis tayo," sigaw niya sa akin.

"Bakit kita sasamahan? Maglilinis ako ng kwarto mo, di ako makakasama!" sigaw ko sa kanya habang papasok sa bahay.

"May sinasabi ka ba? Wala ako naririnig! 10AM aalis tayo!" sigaw din niya sa akin.

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon