Sa isang exclusive restaurant tumuloy ang mga parents namin after our wedding. Kami naman ni Harvey ay umuwi muna sa mansion para kumuha ko ng gamit.
"Ilang araw ba tayo dun?" tanong ko habang naglalagay ng gamit sa maleta.
"Three days, pero depende sayo. We can extend it to three weeks or three months," sagot ni Harvey na nakahiga sa kama ko.
"Paano ang trabaho mo?"
"May branch ako sa Tokyo, walang problema ang trabaho. Yung manager ko na naghahandle ng mga modeling projects ko, nasa Tokyo din. Nakapunta ka na ba doon?"
"Hindi pa. Si Vienna ang madalas mag out of the country trip. Ako, bahay school at doon sa island province lang nila daddy. Boring ako, I already told you."
"I can make your life exciting, Sierra," biro niya sa akin pero di na ko kumibo.
I married this man because I want to. Hindi ako pinilit ng kahit sino. Wala ako pakialam sa yaman ng mga Weston and I don't care din sa yaman nila mommy. Wala naman ako balak maging tagapagmana ni lolo, kay Matt at Elijah na yun.
Ang gusto ko lang ay maging masaya. And I have to admit, being with Harvey makes me happy. Ang saya ko to the point na I'm looking forward sa bawat araw na dadating kasi alam ko tomorrow will be much better than today.
First time ko nafeel na buhay na buhay ako. And right now, kahit di ko lubusan naiitindihan ang nararamdaman ko kay Harvey, I'm very much thankful kay God dahil nakilala ko siya...
"Sierra? Sierra? Sierra! Are you okay?" tanong ni Harvey na di ko na namalayan na nakalapit na sa akin.
"Ha? Ano? Oo ok lang ako."
"Natulala ka na. Ano ba iniisip mo?" sabi niya as he cupped my face.
Ikaw ang iniisip ko...
"Wala wala. Iniisip ko kang kung saan ko nilagay yung passport ko."
"Akala ko naman ako iniisip mo," sabay halik niya sa noo ko.
Di ka nagkakamali pogi, ikaw nga ang iniisip ko.
"Bakit naman kita iisipin? Feelingero ka naman!" sagot ko sabay sarado ng maleta ko.
Paano mo naman nalaman na ikaw iniisip ko? Lakas naman ng radar nito.
"Alam mo na, honeymoon natin mamaya. Malay ko ba kung excited ka."
"Excited ka dyan!"
Excited talaga ko Harvey. Tinatago ko lang.
"I told you, I will make you happy," malambing niyang sabi habang hinahaplos yung mukha ko.
You already made me happy, Harvey. Wag mo nga hawakan yung mukha ko. Halikan mo ba lang ako pwede?
"I'm happy..." mahina kong sagot.
"Talaga?"
"Ha? Anong talaga?"
"Sabi mo you're happy," kunot noo na tanong ni Harvey.
"Sinabi ko ba yun? Erase erase."
Shit, lutang ako! Nasabi ko kung ano nasa utak ko.
"Nasabi mo na walang bawian," sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Bakit ayaw niya sa lips?
"Tapos na ko mag-impake. Pwede ba tayo dumaan sa mall? Bili lang ako jacket or sweater. Mabilis lang promise."
"Yes mam. Basta para sa misis ko," sabi niya sabay kuha ng luggage ko.
Misis? May asawa na nga pala ko!
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...