Ako na ata ang pinakamasayang babae sa mundo nung nagpropose sa akin si Harvey sa Wisteria Flower Park. As expected, willing ako nagbayad ng utang sa kanya buong gabi dahil natuwa ako sa charm bracelet na bigay niya.
"Gusto mo na ba kumain?" tanong ni Harvey na nakabathrobe at nag aayos ng damit pagmulat ng mata ko.
"Bakit ka nag-iimpake? Akala ko ba pupunta tayo sa Rabbit island? Anong oras na ba?" inaantok kong tanong dahil sa sakit ng ulo ko.
"2PM na."
"Fuck grabe tanghali na?"
"I hate to be the bearer of bad news but we need to go back," sabi ni Harvey sabay lapit sa akin. Seryoso mukha niya at puno ng lungkot.
"Bakit may problema ba?"
"Vienna was kidnapped the other night. But she's fine now. Everything is under control," sabi niya habang hawak ang kamay ko.
"What? Harvey, bakit wala nagsabi sa akin? Is she safe? Kamusta na siya? Anong nangyari?"
"Your parents do not want to tell you. Mag-aalala ka lang daw. Yung kidnapper, step sister daw ni mommy mo. Your dad called me this morning. Ok na ang lahat but you might want to go back for Vienna."
"Ilang araw ako masaya tapos yung kapatid ko nagsuffer lang pala."
"Hey hey. Hindi mo kasalanan. We can go back tonight. Vienna is in the hospital. She's still under sedation pero wala nangyari masama sa kanya. She's safe," sabi niya habang nakahawak sa mukha ko.
"Hindi ako mapapakali hanggang di ko nakikita ng kapatid ko."
"Come here. Relax. You know your dad, he's from the military. He knows everything is under control kaya di ka niya tinawagan. Pero nakabook na yung flight natin tonight. Alam ko na mag aalala ka talaga," Harvey said while hugging me touching my hair to comfort me.
"Dun muna tayo umuwi sa bahay namin. Is that alright?"
"Oo naman. Basta tabi tayo matulog," sagot niya as he kissed my lips to comfort me.
After ng late lunch namin, bumalik na kami agad ni Harvey sa Pilipinas. Kahit madami kami bagahe, tumuloy kami sa hospital kung saan nagpapahinga si Vienna. Andoon ang mommy at daddy pati si Elijah.
"Mommy bakit di mo sinabi sa akin agad?" nag-aalala kong tanong kay mommy habang yakap siya.
"Baby mas ginusto ni daddy mo na konti lang makaalam. Si Matthew at ang lolo mo ay kababalik lang sa ancestral house."
"Ano ba nangyayari?" tanong ko sabay upo sa sofa. Kinuha ko ang kamay ni Harvey at niyaya na umupo siya sa tabi ko.
"Umattend si Vienna ng wedding sa Laguna. Siya lang mag-isa pero ininsist ni lolo na isama niya si Migs.
"Si poging Migs?"
"Sino naman ang Migs na yan?" tanong ni Harvey sa akin.
Sinabi ko lang pogi nagseselos ba agad siya?
"Si Miguel or Migs ay kababata namin. Nagsasaka siya sa farm ng Lolo Franco. Yung daddy niya ng namamahala sa lahat ng magsasaka. Pinag-aral ng Lolo Franco si Miguel dito sa Manila ng Aeronautical Engineering. Tama ba mommy?"
"Oo ganun na nga. Yung bata sobra ang utang na loob kay Daddy Franco, gusto magsilbi sa pamilya namin kaysa magtrabaho sa iba. Siya ang chopper operator at minsan driver naman ng daddy ko, but Luke trained him as well."
"Lahat kasi ng driver at assistant ni lolo trained in case of emergency. Para silang driver slash security detail in one. May nagtangka kasi sa buhay ni mommy dati."
"Yeah I know that story. And your dad saved your mom?"
"Actually ang alam ko, tinanan na ni daddy si mommy noon. Nainlove daw agad kay mommy at pwersahan na kinasal. Tama ba daddy?" natatawa kong tanong, pero I am sure my mom was the one who fell in love with daddy first.
"I was just hired to protect her. Kaso inakit niya ko multiple times. Wala naman ako nagawa," natatawa sagot ni daddy.
"Grabe ka Luke. Nakakahiya kay Harvey. Anak wag ka maniwala diyan. Ako talaga ang pinwersa niya magpakasal sa kanya. Buntis ako noon kay Matthew at pinwersa niya ko magpakasal sa mga oras na yun. Wala ako nagawa." natatawang sagot naman ni mommy.
"Hindi na namin alam kung ano nangyari talaga kasi palagi dalawa version ng story nila pero one thing for sure, buntis na si mommy nung kinasal sila. And dad proposed and married her the same day," paliwanag ko kay Harvey.
"So this Migs saved Vienna? Where is he?" tanong niya sa amin.
"They were both taken. Hinarang yung sasakyan nila. Humihingi ng ransom money. The plan was perfect ang hindi lang nila na consider ay si Miguel. That man is willing to give his life for this family. He was shot but he's fine. Vienna was shot too and hysterical kaya under sedation siya," sabi ni Elijah.
"Baby umuwi muna kayo ni Harvey sa mansion, dun na kayo matulog. Kami ni daddy mo magstay na dito. Baka bukas pa daw magising si Vienna at Migs. Elijah umuwi ka muna wala ka pa tulog since kagabi."
Madaling araw na kami nakauwi sa bahay at kahit si Harvey mukhang pagod na pagod.
"What time tayo babalik sa hospital?" tanong ni Harvey habang inaayos ko ang mga stuffed toys na nabili ko.
"Kahit ako na lang. Magstay ka muna dito at magpahinga. Matulog ka na, anong oras na?"
"Pwede ba naman na ikaw lang. Family emergency to. I am already part of this family, sasamahan kita," sabi niya sabay yakap sa likod ko.
"You look tired. Maaga ko babalik dun para makatulog si mommy at daddy."
"Basta sasamahan kita. Ano akala mo sa akin weak?" sagot niya habang unti unting hinahalikan ang leeg ko at tinatanggal ang buttons ng pants ko.
"Sabi ni Elijah nakatakas daw yung step sister ni mommy kaya may ilang uniformed personnel sa labas."
"Kaya nga hindi kita iiwan. Elijah told me that she might be after you or anyone. I promised to him that you're safe with me. I already called Gabriel, he sent some men sa bahay natin to check if there's anything suspicious."
"Thanks Harvey. I love my sister at sobrang natatakot ako hanggang ngayon knowing na muntik na siyang mamatay," sabi ko sabay harap sa kanya.
"I'm your husband. You should not feel scared okay? Kung may kikidnap man sayo, I bet makakatikim sila ng kamao mo. My lips cracked because of your punch."
"Manyak ka kasi."
"Admit it, you liked it right?" tanong niya habang tinatanggal ang shirt ko.
"Overconfident ka eh no?"
"Overconfident talaga ko!" sabay buhat ni Harvey sa akin pahiga sa kama ko. His eyes were locked on mine.
"Harvey, I love you..." sabi ko sa kanya but he didn't answer me. He just kissed me and I found myself drowning with extreme bliss.
BINABASA MO ANG
The Last Heartbreaker
Romance[COMPLETED] Due to a grave misunderstanding, I ended up physically assaulting Harvey Michael Weston, a known heart breaker. But Harvey is not a merciful man. Gusto niya na magbayad ako sa kasalanan ko in a slow and agonizing way. He wants me to be...