Chapter 16 - Jason

11.5K 272 1
                                    

Matutulog na sana ko nang biglang pumasok si Harvey sa maid's quarter at walang kahit anong pasabi, binuhat ako sa kama na parang isang sanggol. Wala tuloy akong choice kundi humawak sa kanya.


"Hoy gago, saan mo ko dadalin?"

"Humawak ka mabuti sa akin. Ihuhulog talaga kita," natatawa niyang sabi habang umaakyat kami ng hagdan.

"Saan ba tayo pupunta at bakit buhat mo pa ko?"

"Ang bigat mo. Napaka takaw mo kasi. Magpapayat ka nga."

"Aba walanghiya ka. Sinabi ko ba buhatin mo ko?"


Narating namin ang third floor at pinasok niya ako sa masters bedroom at hinagis niya ko sa kama niya.


"O ayan, ikaw pa lang ang babaeng pinapasok ko dito. Nasagot ko na ba tanong mo?" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Ha? Eh saan mo dinadala mga nakakachuchu mo?"

"Ang daming guest room sa second floor di ba?"

"Well exclude me. Wala ako balak makipag chuchu sayo," sabay tayo ko sa kama at labas ng pinto.

"I will reduce your stay to six weeks," sabi niya bago ko lumabas ng pinto. Napalingon ako sa kanya dahil attractive ang kanyang offer.

"Ano kapalit?"

"Just stay here. Kwentuhan mo ko. Promise good boy ako."

"Six weeks? Deal. Ano gusto mo pag kwentuhan natin?" sabay talon ko pabalik sa kama niya.

"Let us talk about your ugly boyfriend. Si Jason. Saan mo siya nakilala?" tanong niya habang nakahiga sa kama niya.

"Alam mo naman siguro na chains of pharmaceutical companies ang hawak ng lolo ko. I am an account manager ng isa sa mga health products niya. Minsan na nag-aabang ako ng taxi pauwi from work, biglang may lalake na humablot ng bag ko. Hahabulin ko sana yung snatcher pero hinabol ni Jason. Sinapak niya yung snatcher at kinuha yung bag ko."

"Let me guess. Nakatakas yung snatcher?"

"Oo, pero di na importante yun kasi nasa akin na yung bag ko. I found out that Jason is working in the accounting department ng company namin. Sobrang pasasalamat ko sa kanya at niyaya ko siya na magdinner. Sobrang compatible namin ni Jason dahil pareho kami ng gusto."

"Let me guess. Same taste sa music, preferred books, favorite movies and TV series, mga ganun?"

"Uhmm yeah. I felt at ease with him."

"Those details are available in your social media account right? Akala ko ba mataas IQ mo?"

"Hoy Harvey, soul mate lang talaga kami Jason. Ano akala mo, sinadya niya na magkakilala kami at kasabwat niya yung snatcher?"

"Wala ako sinasabi. Ikaw ang nagconclude niyan. Ilang taon na kayo?"

"Six months pa lang. Niyaya niya ko maglunch date a few times at humingi pa siya ng permission na ligawan ako. Di ba complete gentleman?"

"Did you fuck already?"

"Wwwhat? Napaka private niyang tanong na yan! Nakakainis ka!" sagot ko sabay hampas sa braso niya.

"Dito ka na matulog, tabi tayo," mahina niyang sabi sa akin.

"Ayoko nga! Ayoko kita katabi baka manyakin mo ko."

"Good boy nga ako, nagpromise na ko di ba? From six weeks, let us make it three weeks, please?"

"Ok fine, pero wag ka lalapit sa akin? Saka gusto ko may unan sa gitna."

"Sure sure. Kwentuhan mo pa ko," utos niya na parang bata.

"Ano pa gusto mong kwento? Boring buhay ko," sabay lagay ko ng pillow sa gitna namin at higa sa kama niya.

"Hindi ka sa Demetrius Academy nag-aral di ba? Lahat ng kapatid mo doon pati si Vienna, bakit ikaw sa iba?"

"Kabatch mo si Kuya Matthew di ba? Noong nag-aral sila sa academy, hindi pinapaalam sa ibang estudyante na apo sila ni lolo. Bago ko pumasok ng high school, may idea na siguro si lolo at si daddy na madalas ako mapapatawag sa principal's office kaya pinasok nila ko sa isang kilalang exclusive science high school for gifted children, kaso nga tamad ako kaya pasang awa lang mga grades ko."

"Paborito kang apo, alam ba ng lolo mo na andito ka ngayon sa kwarto ko?"

"Actually, kahit paborito niya ko, napaka strict niya sa akin. When mommy called me a few days ago, dapat pa nga daw maextend ako ng few months as your maid sabi ni lolo. Malaki na ko pero parang bata pa rin turing nila sa akin. Kung gaano kaluwag ang lolo kay mommy, baligtad naman sa mga apo. Gusto ni lolo na masanay kami sa hirap. Kulang na lang magtanim kami ng palay."

"Pwede ko pala sabihin kay lolo mo kung gaano ka pasaway para tumagal ang stay mo sa akin."

"Pinagalitan nga niya ko talaga nung sinapok ko yung Chinoy na businessman. Pinisil ba naman kasi yung pwet ko! Bwiset talaga!"

"Kapal ng mukha nung gagong yun! Dapat ako lang ang gagawa sayo nun!"

"Leche ka! Naalala ko tuloy yung ginawa mo sa akin sa resort! Walang hiya ka talaga!" sabay hampas ko ng unan sa kanya.

"Wag ka na magalit, sorry na. Di ko naman sinasadya yun," malambing na sabi niya saka lang ako tumigil kakahampas sa kanya.

"Matulog na tayo. Three weeks Harvey ah? Deal yan. Maaga ko aalis bukas, goodnight!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

The Last HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon