Babaeng WALANG KINAKATAKUTAN.
Babaeng WALANG SINASANTO.
Babaeng WALANG AWA.
Sya yung tipo ng babae na hindi mo gugustuhing banggain/kalabanin.
"Don't you dare cross my path. Cause if you do, I will surely make your life like a living hell." - Queen...
"Tsk." Yan lang sinabe ko. Wala naman kwentang kausap to eh.
"Di ka ba magso-sorry, miss?"
Tinaasan ko lang sya ng kilay at nagpatuloy na sa pagtakbo. Naririnig ko pang nagsisisigaw sya dun. Psh!
"Oy miss, pangalawang beses na to! Ano? di ka pa rin magsosorry?" Sigaw nya.
Nilagay ko na lang yung earphone ko tsaka tumakbo ng tumakbo.
------
After 2 hours...
Umuwi na ko nung napagod ako. Dalawang oras din akong nagtatatakbo.
Pag uwi ko nakita ko si kuya pababa sa hagdan, habang nagkukusot ng mata. Kakagising lang. Psh!
Naglakad ako papunta sa kusina. Uhaw na uhaw na ko eh.
Pagdating ko, binuksan ko agad yung ref. nakita ko naman si kuya na papunta dito.
"Good morning, baby sis." Bati ni kuya saken.
"Morning." Tipid kong sabe sakanya.
"Aga mo nagising ah? Excited kana bang pumasok mamaya?" Tanong ni kuya habang taas-baba yung kilay nya. tsk!
"Nah, school is really pain in the ass." Sabe ko.
Nagkibit balikat lang siya. Kaya umakyat na ko.
Pagkaakyat ko, humiga muna ako sandali sa kama ko. 7 pa naman yung pasok ko. 5:46 pa lang.
Siguradong magkakaharap nanaman kame. Dun pa talaga nila napiling mag-aral huh?! Let's see. *smirk*
Titipunin ko muna lahat ng mga kakampi ko sa larong to. Pagkasama kona sila, we will start the game!
* Patricia Rodriguez Olivia Walker Julia Garcia Avalyn Perez... see yah soon, traitors.
Naputol ang pagiisip ko ng biglang sumulpot sa harap ko si kuya.
"Hoy baby sis, kanina pa kita tinatawag! 6:25 na, 7 pasok natin. Magayos kana!" Sigaw nya saken. Psh!
"Oona, ingay mo!" Sabe ko sabay pasok sa banyo.
After 30 minutes natapos na kong maligo. Nagpunas muna ako tsaka lumabas ng banyo. 6:50 na pala. First day of class late? Hmm, not bad.
Sinuot kona yung uniform na nakalagay sa closet ko. Pagkasuot ko tumingin ako sa salamin.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Matapos kong icheck yung sarili ko bumaba na ko. Kanina pa sigaw ng sigaw kuya ko sa baba! Kesyo malalate na kame kesyo chuchu! psh.
Pagkababa ko hinatak na agad ako ni kuya papasok sa kotse nya. tsk! masyadong excited. Pagkapasok nya pinaharurot nya na agad yung kotse nya!
After 10 minutes nakarating na agad kame sa school. Medyo onti na yung mga studyante dito. Class hour na kase! psh.
Dumeretso na agad kame sa dean's office. Pagkadating namen, sinalubong agad kame ng yakap ni kuya lance. Sya yung panganay samen, His name is Lance Oliver Yoon. tapos yung pangalawa naman ay si Shawn Joshua Yoon.
Si kuya shawn yung lagi kong kasama.
"H-hey, i c-can't breath." Utal kong sabe sakanya. Napabitaw naman agad sya!
"I'm sorry, princess! Namiss lang kita." Sabe nya. Nginitian ko na lang sya.
"Ahm kuya, yung shed. namen? Late na kame eh." Sabe ni kuya shawn kay kuya lance.
"Ay oo nga pala. Hehe! Eto oh. Ginawa ko na kayong magkaklase para mabantayan mo si princess." Sabe ni kuya lance. Srsly? Di na ko bata.
Napa 'tsk' na lang ako at lumabas na. Sumunod naman agad saken si kuya shawn.
"Kuya shawn, pinaiba ko yung apilido ko dun sa files. Ginawa kong Gomez! May lalaruin kase ako dito eh." Sabe ko habang nakangisi. Napalunok naman agad si kuya shawn. Tsk!
"A-ah ganun ba? Hehe. Sige! Ganun din ba yung aken?"
"Yup! Di nila pwedeng malaman na satin tong school. Makikipaglaro muna tayo!" Sabe ko sakanya. Tumango tango na lang sya.
Nang makarating kame sa tapat ng classroom, sinipa ko agad yung pinto. Lahat ng atensyon nila nasa amen. tsk!
"Kayo ba ang transferee dito?" Tanong nung mukhang maldita na teacher. Tinanguan na lang sya ni kuya.
Pumasok na agad kame sa loob.
"Introduce yourself." Sabe nung maldita na teacher. psh!
"Okay. You may now take your seat." Sabe nung maldita na teacher. err, di ko alam pangalan nya! -.-
Nakakita naman kame agad ni kuya ng bakanteng upuan. Ang ganda din ng pwesto dito, nasa gilid ko yung bintana!
Nagulat ako ng biglang magsisisigaw tong mga kaklase kong babae dito.
"Andyan na ang kiiiings!!" clown1
"whaaat? teh, peram blush on!" clown2
"sheeet! malalaglag nanaman panty ko netooo!" clown3
"iloveyou aaaalll!!" clown4
Parang mga tanga. -.- Akala mo artista, tsk! Ang lalandi.
"Baby sis, ang lalandi naman ng mga babae dito." Bulong ni kuya saken.
"I know right." Sabe ko.
Tinignan ko isa isa yung mga kings 'kuno' daw nila. psh! Naagaw ng pansin ko yung lalakeng kulay brown yung buhok, he looks familiar. San ko ba to nakita? Ah naalala kona. Sya yung nabangga ko. Wait, what? Siya?
Nung magtama yung mga mata namen, nagulat ako ng bigla syang sumigaw.