Hellyumi's POV
Nakarating na ko sa lugar kung saan ko nadetect yung location nila through Kirsten's phone.
Before I get off the car, I scan the place first. Based on the place, its obvious that they've planned this.
Planado ang lahat.
Bumaba na ko ng kotse at nagsimulang maglakad. Papasok ako ngayon sa abandonadong building na 'to.
Ewan ko pero nandito pa lang ako sa labas, ramdam ko ng maraming mata ang nakatingin saken. Hindi lang nakatingin kase may tao rin sa likod.
Hindi ko 'yon pinansin. Habang naglalakad ako, naramdaman ko na lang na may tatama saken kaya mabilis akong yumuko. Mabilis rin akong lumingon sa kanya saka sya sinipa sa sikmura.
Napaatras sya at napahawak sa kanyang tiyan. Sumama tingin saken nito. Ginantihan ko rin sya ng tingin pero di tulad ng sa kanya. Cold stare lang ang binibigay ko sa kanya.
"Where are they?" I asked with a cold tone.
Instead of answering my question, he just smirk.
This jerk!
Naglabas sya ng baril. Gun with a silencer. Nagumpisa na nya kong paputukan. Mabilis ko ring iniiwasan yung mga balang niluluwa ng baril nya. Naubos ang bala nito kaya kailangan nya itong ireload. Habang nare-refillan nya ng bala yung baril nya, ginamit ko na 'yong pagkakataon para makapagtago.
Nang matapos sya ay agad nyang inilibot ang mata nya para tignan ako. Nakita ko pa ang pagkakunot ng noo nya nung hindi nya ko mahanap. Napangisi naman ako dahil don.
Kinuha ko yung kunai na nakatago sa bewang ko. Nung nakatalikod na sya saken, mabilis ko syang nilapitan at saka ginilitan sa leeg. Mabilis ko syang binitawan, kasabay non ay ang pagsirit ng dugo nya.
I get his gun. Nagpalinga-linga muna ako bago ako pumasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob, biglang nanlamig ang katawan ko.
"Y'all will pay for this,"
Klein's POV
"Saan tayo punta bossing?" Tanong ni Hero sa kanya.
Gusto kong tumawa ng walang nakuhang sagot si Climente.
Parang gago kase 'to, tanong tanong pa eh obvious naman na sinusundan namen si Ms. Hellyumi.
Naramdaman kong huminto yung sasakyan kaya napatingin ako sa bintana.
San 'to?
Magtatanong na sana ako kaso napansin kong nakatingin silang lahat sa unahan. Nakitingin na lang din ako.
Nakahinto sa di kalayuan sa sasakyan namen yung kotse ni bossing. Ilang minutes pa ang lumipas bago bumaba ng kotse si Ms. Hellyumi. Pagkababa nya, bumaba rin si bossing kaya sumunod kame.
Sinundan muna namen ng tingin si Ms. Hellyumi.
"Dito sya nakatira bossing?" Tanong ni Bliss.
Imbis na sagot ay sinamaan lang sya ng tingin ni bossing.
"Pfft," Pigil ko ng tawa.
Yan sige, magtanong pa kayo! Magmumukha lang kayong mga tanga.
Naglakad na si bossing papunta dun kay Ms. Hellyumi. Sumunod agad kame.
Napahinto kame ng mapansin naming huminto si bossing. Nakatago sya ngayon sa likod ng puno habang nakasilip. Ganun din yung ginawa namen.
Napatingin ako kay bossing. Nakakunot ang noo nya at halata sa itsura nya ang inis.
YOU ARE READING
Demon Inside Her (On-going)
ActionBabaeng WALANG KINAKATAKUTAN. Babaeng WALANG SINASANTO. Babaeng WALANG AWA. Sya yung tipo ng babae na hindi mo gugustuhing banggain/kalabanin. "Don't you dare cross my path. Cause if you do, I will surely make your life like a living hell." - Queen...
