Chapter 17

2.4K 69 4
                                        

Whoop! #834 in action sya. <3

--------

Hellyumi's POV

Andito ako ngayon sa bahay. Nagaayos lang ako ng sarili ko para pagpasok. it's 6:10 am already. Nang matapos ako, bumaba na agad ako. Nakita ko naman si kuya Shawn na kumakain.

"Good morning, baby sis." Bati saken ni kuya Shawn. tinanguan ko lang sya. Wala ako sa mood ngayon. tsaka isa pa, kanina pa ko may nararamdamang hindi maganda.

"Kuya shawn?" Pagtawag ko sakanya. Nakuha ko naman agad yung atensyon nya.

"Yes?" Sya. Alam kong may nararamdaman din toh.

"Bring me some extra shirts." Saad ko sakanya.

"For what?" Tanong nya. Napairap naman ako dahil sa tanong nya. Nagtatanong pa eh alam naman nya?! tsk.

"For you!" Ako.

"Huh? For me?" Sya.

"Oo! KASE HINDI KANA UUWI DITO MAMAYA!" Sigaw ko sakanya. Nagulat naman sya.

"Halaaa! Anong ginawa kooo?!" Sya.

Di ko sya sinagot bagkus kinuha ko yung baril ko sabay tutok sakanya. Namutla naman sya dahil sa ginawa ko.

"B-baby sis naman! Nagbibiro l-lang naman eh." Sya. tsk!

"I have no time for your stupid jokes." Malamig na saad ko.

"Sorry na ho madame." Sya. Inirapan ko na lang sya. tsk! Anong klaseng kuya toh? Kagago.

Kumain na lang ako. Nang matapos ako, lumabas na agad ako tsaka pumasok sa kotse ni kuya shawn. Sinalpak ko yung earphone sa tenga ko tsaka tingin sa bintana. Ang tagal naman nung lalakeng yun! Lalabas na sana ako ng kotse para pasukin sya sa loob ng bigla syang lumabas tas hinihingal. Nyare dito?

"Anong nangyare sayo?" Tanong ko.

"Inakyat ko kase yung kwarto mo para kumuha ng shirts mo!" Saad nya. Di ko na sya sinagot. Sumakay na lang ulit ako sa kotse. Umikot naman sya para makasakay din. Nang makasakay sya, pinaharurot na nya agad.

As always, tahimik lang kame sa byahe. Makaidlip na nga lang muna. Malayo layo pa naman.

Gray's POV

Here we are at the HQ. Nakahanda na ang lahat. Nakausap na rin namen yung mga fans namen. Hinihintay na lang talaga namen sya.

"Tagal naman nun!" Saad ni Xander. Di namen sya pinansin. Nakatutok lang kame sa t.v na nasa harap namen. T.v na konektado sa mga cctv, kaya makikita namen yung mangyayare.

Dapat susundan namen sya habang inaano sya ng mga studyante. Kaso naalala namen na malakas nga pala pakiramdam nung demonyong yun. Kaya eto kame ngayon. Nandito sa HQ, mga nakasitting pretty habang inaantay sya. Ilang sandali pang pagaantay, dumating na din sya. ugh! buti naman.

"Finally!" Saad ni Kenneth. Umayos na kame ng upo.

"Let's start." Saad ko sabay ngisi ng malademonyo.

Hellyumi's POV

Naglalakad na kame ni kuya papasok sa loob. Parang may kakaiba talaga dito.

"Baby sis." Pagtawag saken ni kuya shawn. Nilingon ko naman agad sya.

"Oh?" Ako.

"Parang may iba." Sya. Sus! Kanina mo pa nararamdaman yan eh. Inirapan ko lang sya.

"Mauna ka na." Ako. Nagulat naman sya.

"Huh?" Sya. Slow naman neto! psh.

"Mauna kana!" Ako. Kahit nagaalangan sya, sinunod nya na lang ako. Di naman sya mananalo saken eh!

Nakapasok na sa loob si kuya. Ako na lang andito ngayon. Nang malapit na ko sa gate, bigla akong napahinto. Mukhang alam kona kung anong mangyayare. *smirk* gusto nyo ng laro? pagbibigyan ko kayo.

Third person's POV

Naglakad na si Queen papasok sa loob. Nang tuluyan syang makapasok, huminto muna sya. Pinakiramdaman nya yung mga taong nagtatago sa paligid nya. Ilang sandali lang, nagpatuloy na ulit sya sa paglalakad nang biglang may bumato sakanya ng... lobo? gustong tumawa ni Queen dahil sa mga binabato sakanya, pero nanatili na lang syang tahimik. Tahimik nya ring iniiwasan yung mga lobong may laman sa loob na binabato sakanya.

'Balloons? tsk. Pathetic.' Saad ni Queen sakanyang isipan.

Natapos na sila sa pagbabato. Nagulat at may halong pagtataka sa mukha nila nung nakita nilang walang nangyare kay Queen. Ni hindi man lang sya nalagyan ng kahit onting dumi! Di nagreact si Queen bagkus dumeretso lang sya papasok. Pagkapasok ni Queen, alam nya agad na hindi sya agad agad makakadaan dahil sa mga laser na nakaharang sa daan. Di nila nakikita yung laser na yun. Walang kahirap hirap itong nadaanan kaya naman nagulat sila Gray. Napangisi naman agad si Queen sakanyang isipan. Naglakad na syang muli papunta sa locker nya. Nang makarating sya, di nya agad binuksan yung locker nya. Alam nyang may laman yun sa loob. Kaya ginawa nya, kinuha nya yung pinggan sa tray nung studyante tsaka nya tinapon yung laman. Lumayo sya ng onti tsaka nya binuksan yung locker nya. Pagkabukas nya, sinalo nya yung cake gamit ang pinggan. Nakaramdam sya ng konting tuwa nung makita nya yung cake na dapat tatama sa mukha nya. Kumuha sya ng kutsara tsaka nagumpisang kumain. Laglag panga naman sila Gray habang pinanonood kumain si Queen. Ilang sandali lang naubos na agad ni Queen yung isang buong mocha cake na nakuha nya. Naisip na nyang pumunta sa classroom nila. Habang naglalakad sya may naapakan syang madulas. Kaya napatingin sya dun. Naexcite naman si Queen dahil dun. Inayos nya yung sapatos nya tsaka nagsimulang magskate sa oil na nakakalat sa sahig. Nang malampasan na nya yun, dumeretso na sya sa classroom nila. Papasok na sana sya ng may maramdaman nanaman sya. Papasok na sana sya ng makita nya yung kuya nyang si Lance na naglalakad.

"Pst! Kuya Lance!" Tawag ni Queen sa kuya nya. Napalingon naman agad si Lance.

"Oh bat di ka pa pumapasok sa loob?" Tanong sakanya ni Lance.

"Ah. Papasok na sana ako kaso nakita kita." Saad ni Queen.

"Ah ganun ba? Osige. Pumasok kana!" Wika ni Lance tsaka hinalikan sa noo si Queen. Aalis na sana sya ng magsalita ulit si Queen.

"Kuya Lance! Pabukas naman yung pinto oh!" Sabe ni Queen.

"Hays. Dat di na lang ako umalis sa office eh." May pagsisisi sa boses ni Lance kaya napatawa ng mahina si Queen.

Hindi naman mapakali sila Gray dahil ang Dean ang magbubukas ng pinto. Wala na silang nagawa nung tuluyan ng nabuksan ni Lance ang pinto. Pagkabukas nya, bigla syang pinagbabato ng itlog, pintura, at harina. Pinipigilan na ni Queen yung tawa nya dahil sa itsura ng kuya nya.

"SINO ANG PASIMUNO DITO?!" Sigaw ni Lance sa lahat ng studyante. Walang gustong sumagot dahil ayaw nilang malagot sa nagutos sakanila.

"WALANG SASAGOT?!" Sigaw nyang muli. Pero wala pa ding sumagot.

"LAHAT KAYO, ISUSUSPEND KO!" Sigaw nya kaya naman naiyak yung iba dahil sa sinabe nya.

"Umamin na kase kayo. Wala namang mawawala eh." Mapaglarong saad ni Queen. Dahil sa sinabe ni Queen, may naglakas loob na magsalita kay Lance.

"Y-yung Kings p-po yung nagutos s-samen." Nauutal na saad nung isang babae.

"Sinong kings?!" Tanong ni Lance.

"S-sila G-gray po!" Saad nyang muli. Di na sumagot si Lance. Lumabas na agad sya pagkatapos umamin nung isang studyante sakanya.

Gray's POV

Ugh! Di nga nagtagumpay yung plano ko, malalagot pa ko sa dean! Putcha lang.

"Pano na yan ngayon, Gray?" Tanong saken ni Xander.

"I don't know." Sagot ko.

"Anong hi--" Nahinto sa pagsasalita si Xander ng biglang may kumatok. Si Kenneth yung nagbukas ng pinto. Nagulat naman kame nung makita namen kung sino yung tao.

"ALL OF YOU, GO TO MY FUCKING OFFICE. NOW!" Sigaw ni Dean. You read it right. Yung Dean nga yung kumatok! Ugh! -.-

-----------

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now