Chapter 7

2.9K 79 1
                                        

Hellyumi's POV

Ilang araw ng nakalipas simula nung nangyare ang gulong yon. Pero hanggang ngayon, usap usapan parin. Tsk! Bat hindi na lang sila mag move on? Psh.

Andito ako ngayon sa corridor, naglalakad. Pupuntahan ko na din sila ngayon. Nasa Class B1 yung isa tas yung isa naman nasa Class C1 tapos yung isa ulit nasa Class D1. Tsk! Low section? Ano nanaman kaya ginawa ng bruhang yon? Psh. Nagsimula na kong magtungo sa Building ng mga B1, nasa Class A1 kase ako. Nang makarating ako, nakita kong may pinagkukumpulan yung mga studyante. Dahil nga din sa kuryosidad, eh nilapitan kona.

Nakita ko agad yung lalakeng nakaluhod sa.... asin? Huh? Uso pa pala yung ganong parusa? Psh. The heck i care. Napatingin naman ako sa babaeng nakatalikod habang linalatayan yung mga studyanteng nakaluhod sa asin. Hubog palang ng katawan nya ay alam ko ng sya yun.

"Masarap ba, ha?! Di lang yan matitikman nyo sa susunod na sumuway ulit kayo sa rules!" Sigaw nya sabay hampas ng latigo. Napadaing naman yung mga lalakeng pinaparusahan nya. Tsk! Masyado na syang nakakahakot ng atensyon kaya linapitan ko na tsaka binulungan.

"Enough, Kay-anne."

Kay-anne's POV

"Masarap ba, hah?! Di lang yan matitikman nyo sa susunod na sumuway ulit kayo sa rules!" Sigaw ko sabay hampas ng latigo sa mga ungas na to. Ininis nila ako eh, yan tuloy. Tsk! Naramdaman ko naman na may nakatitig saken. Pinakiramdam ko muna mabuti!

Yung presensya nya! Sobrang pamilyar. Miss na miss ko na yung taong yun. Kaso wala sya dito! Hays. Sana okay lang sya. Umiling iling na lang ako sa mga naiisip ko. Nagulat ako ng biglang may bumulong saken.

"Enough, Kay-anne." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil dun. Y-yung boses nya! Lumingon ako, at nakita ko agad syang nakangiting nakatingin saken. Biglang tumulo yung luha ko. Mabilis ko syang niyakap halos matumba na kame pero wala akong pake. Ang importante ay nandito na ulit sya! I miss her. Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sakanya.

"H-hey, i c-can't breath!" Nahihirapan nyang sabe. Napabitaw naman agad ako sakanya. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sorry. Namiss lang talaga kita, Queen!" Sabe ko sabay yakap ulit sakanya. Niyakap naman nya ko pabalik kaya napaiyak ako lalo.

"I miss you too." Sabe nya habang nakayakap saken. Namiss ko talaga tong demonyang to! Huhu.

Hellyumi's POV

"I miss you too." Sabe ko habang nakayakap sakanya. I miss this girl so much! Natatawa ako sakanya kase umiiyak ang bruha. Haha!

Pagkatapos naming magyakapan, niyaya nya kong kumain sa cafeteria nila dito. Pumayag na lang din ako!

Nakaupo ako habang hinihintay si Anne. Sya kase yung umorder. Ilang sandali lamang ay nakabalik na agad sya. Umupo na sya sa katapat kong upuan.

"Queen, what brings you here?" Sabe nya sabay subo ng pagkain na binili nya.

"Namiss ko lang kayo." Sabe ko sabay inom ng mango juice.

"Namiss oh? Alam kong may gagawin ka, kaya ka napadpad dito." Sabe nya. Napangisi naman ako dahil sa sinabe nya.

"You really know me, huh?!" Nakangising sabe ko.

"Sabe na nga ba eh. Ano bang plano mo?" Tanong nya. Nginisian ko lang sya ng nakakaloko. Mukhang nakuha naman na nya yung ibig kong sabihin.

"Oh, how about the others?" Tanong  yang muli.

"Susunduin ko sila tapos nito." Sabe ko.

"Sama akoooo!" Hyper nyang sabe inirapan ko lang sya kaya napanguso sya. Ew!

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now