Chapter 31

2K 53 0
                                    

Ryu's POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Nasobrahan nanaman ako kagabe. psh!

Bumangon na ko tsaka pumunta sa banyo. Naghilamos ako atsaka nagtoothbrush. Sinuot ko yung tshirt ko tsaka ako bumaba.

Naabutan kong kumakain na sila Gray. Ang daya! Di man lang ako ginising para sabay-sabay kame. T_T

"Hindi nyo man lang ako ginising." Agad na maktol ng makalapit ako sakanila.

"Ginising kita. Tulog mantika ka lang talaga." Sagot ni Xander.

Ay? Ginising pala nila ako? ediwow.

Umupo na ko sa tabi ni Gray. Nagsandok na ko ng kakainin ko. Nagumpisa na kong kumain ng malagyan ko na ng pagkain yung pinggan ko.

Tahimik lang kaming kumakain. Di ako sanay! Hmm. Mang-asar na nga lang ako para naman umingay-ingay kahit papano. Oo, tama!

"Xander?" Pagtawag ko rito.

Tumingin naman agad ito saken.

"Bat?" Tanong nya.

"Panget mo!" Saad ko.

"Mas panget ka men, alam mo yan!" Sabe nito.

Aba! Mas panget daw ako?! Malabo na ata talaga mata nitong kaibigan ko. Itong mukhang 'to, panget? Gago eh no.

"Ulul!" Wika ko.

Natawa naman ang loko. psh! Kung hindi ko lang kaibigan 'to, binugbog ko na 'to.

"Papasok ba tayo?" Tanong ko sakanila.

Yoko na muna mang-asar. Baka imbis na ako yung nang-aasar, ako pa yung maasar.

"Yeah/Of course/Oo." Sabay sabay nilang sagot.

"Ahh." Ako.

Kailangan sabay sabay talaga sila? -_-

"Bilisan nyo na. Anong oras na! Malalate na tayo." Saad ni Gray. Tumayo na sya tsaka umakyat sa taas.

"Late? Anong oras na ba?" Tanong ko kela Xander.

"6:29." Sagot ni Kenneth.

Magsi-six thirty na pala? Parang ambilis?! Binilisan ko na lang yung kain ko para makapagayos na ko.

***

Xander's POV

Naglalakad na kame ngayon sa corrider papunta sa classroom. Wala na kaming masyadong nakakasalubong na studyante. Class hour na kase.

Pagkadating namen sa tapat ng classroom ay agad ko itong binuksan. Napatingin naman agad samen yung mga tao rito sa loob.

"You're late." Saad nung teacher.

"We're sorry." Sabay na saad namen ni Ryu.

"Next time, if you're late again in my class, i won't accept you. Understand?"

"Yes ma'am."

"Take your sit."

Dumeretso na kame sa upuan namen. Nagtaka kame ng mapansing may nakaupo na rito.

Tatlong lalake, isang babae.

"Uhh excuse me, that's our seat." Saad ko sa babae.

"Sorry. We're the one who sits here first." Sagot nung babae.

"Even if you were the first to sit there, that's still our seat." Ryu.

"Wala namang pangalan na nakalagay dito. Pano nyo na sabe na sainyo 'to?" Saad naman nung isang lalake.

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now