Chapter 11

2.5K 62 0
                                    

Hellyumi's POV

Andito kame ngayon sa classroom. Nakikinig sa walang kwentang guro na to. Psh! Habang nagtuturo tong guro na to, biglang my kumatok sa pinto. Napatigil naman yung guro tsaka binuksan yung pintuan. Kinausap nung guro na yun yung mga taong kumatok sa labas. Maya maya lang, biglang pumasok yung guro kasama yung apat na lalake? teka, sya yung nabangga ko dati ah?! Aish. Ano namang pake ko kung sya yan?! Tsk.

"Okay class. Magiging kaklase nyo na sila starting today." Sabe nung pesteng guro.

"Introduce yourself." Sabe nya ulit.

"Gray Asher DelValle, 18." Malamig na tugon nung Gray daw. Sya yung lagi kong nababangga. Psh!

"I'm Ryu Monteverde, 18 years old." Sabe nung Ryu.

"Xander Lance Sy is the name. 18 years old." Masiglang wika nung Xander.

"Kenneth Morisson, 18." Simpleng saad nung Kenneth.

"Okay. You may take your sit." Sabe nung guro.

Sumunod naman agad sila. Habang naghahanap sila ng bakanteng upuan, nagtitilian naman yung mga bruha kong kaklase. Tsk!

"Emeged! King Gray, marry me!"

"Be my boyfriend King Kenneth!"

"King Ryuuuu! Be mineee!"

"Anakan mo ko, King Xander! Kahit mga lima laaaang!"

At kung ano ano pa. Psh! Their voice is so fucking annoying! Ugh! Okay yumi, easy ka lang. Wag kang sisigaw! Malalande lang talaga yang mga yan. Just relax, yumi. Magpigil ka! Wag na wag kang sisigaw. Inhale, exhale. Inhale, exhale.

"SHUT UP YOUR FUCKING MOUTH OR ELSE I WILL REAP THAT OFF IN YOUR FUCKING FACE!" Inis na sigaw ko. Di ko na natiis eh.

Natahimik naman silang lahat at tumingin saken. Tsk!

"WHAT?!" Inis na sigaw kong muli sakanila. Nagiwas naman agad silang lahat ng tingin. Good!

Nagpatuloy na sa pagtuturo yung pesteng guro. Tsk! Wala namang kwenta yung tinuturo. Makatulog na nga lang. Sinalpak ko yung earphone ko sa tenga ko at umubob sa lamesa.

Gray's POV

Ugh! Naiinis ako! Class A to Class E? Watdapak! Kasalanan to ng DSG. Ugh! Gusto nyong malaman kung anong nangyare? Ganto lang naman...

= flashback... =

Andito kame ngayon sa classroom. Wala pa yung teacher namen. Asan na ba yung gurang na guro na yun?! Anong oras na! Tsk. Sa sobrang pagkabored ko, lumabas na lang ako ng classroom. Narinig ko pang tinatawag ako ng mga kaibigan. Di ko sila nilingon. Alam ko namang susunod din sila saken. Psh!

Pupunta na lang ako sa cafeteria. Nagugutom na ko! Onting oras na lang din naman bago maglunch. Umupo muna ako sa pwesto namen dito. Walang pwedeng umupo dito maliban samen. Pagnahuli ka namen na nakaupo dito, then GOODBYE! Sisiguraduhin naming aalis ka dito sa paaralan na to.

So yun nga. Umupo muna ako dito. Inaantay ko sila Ryu. Sila pabibilhin ko, tinatamad ako eh. Ilang sandali lang nakarating na din sila dito. Psh! Tagal. Gutom na ko.

"Tagal nyo." Sabe ko.

"Hinanap ka kase namen. Dito ka lang pala pumunta! Psh." Saad ni Xander.

"Tsk. Osya! Bumili na kayo ng pwedeng kainin." Sabe ko.

"Ano ba sayo?" Tanong saken ni Ryu.

"Yung gaya parin ng dati." Sagot ko. Umalis na agad sila ni Xander. Kaming dalawa lang ni Kenneth ngayon ang naiwan dito. Kinuha ko ang cp ko. Magoonline muna ako sandali. Habang tutok na tutok ako dito sa cp ko bigla na lang may nagsalita.

"Hi Dark King." Napatingin naman agad ako sa nagsalita. Pagkatingin ko sakanya, bigla na lang kumulo yung dugo ko. Ano nanaman kailangan neto?! Psh.

"What do you want?" Tanong ko na may halong pagkainis.

"Fight." Sabe nya ng nakangisi. Napangisi na lang din ako sa sinabe nya. Nagtititigan lang kame ng biglang dumating sila Ryu.

"Oh guys, eto n--" Naputol yung sinasabe ni Ryu ng makita nya yung grupo ni Mike.

"Bat nandito ka, Mike?" Seryosong tanong ni Xander.

"Gusto ko lang naman makipaglaban sainyo. Gusto kase naming makita kung gano ba talaga kayo kalakas." Sabe nya sabay ngisi.

"GW 12:00 mid--" Di kona natuloy yung sasabihin ko ng bigla akong putulin ni Mike.

"No! Yoko dun! Dito na lang. Para makita na rin ng mga fans 'kuno' nyo kung gaano kayo kahina." Sabe nya.

"Okay." Sabe ko tsaka umayos.

Third person's POV

Nagsimula nang maglaban ang dalawang grupo. Unahin na natin kay Ryu.

Kasalukuyang nakikipaglaban si Ryu. Iwas lang sya ng iwas sa mga atake ng kanyang kalaban.

"Kala ko ba malakas ka, bat puro ka iwas?" Sabe nung kalaban nya sakanya.

"Malakas talaga ako. Umiiwas ako kase ayokong mabangasan yung gwapo kong mukha." Wika ni Ryu.

"Nagpapatawa kaba? Ikaw gwapo? Oh common, wake up dude." Saad nung kalaban nya. Di na sumagot sakanya si Ryu. Patuloy parin sya sa pagiwas. Nang mapagod yung kalaban nya, sya naman yung umatake. Pinaulanan nya ng suntok yung kalaban nya hanggang sa napahiga na ito sa sahig. Patuloy lang sa pagsuntok si Ryu. Nang mapagod sya tinigilan na nya agad ito.

"Tsk. Wala ka naman pala!" Bulong ni Ryu.

Kela Xander naman, salitan lang sila ng suntok ng kanyang kalaban. Aambahan na nya sana ng suntok si Xander ngunit mabilis na sinipa ni Xander ang tyan neto dahilan ng pagkaatras ng kalaban nya. Sumugod ulit si Xander binigyan nya ito ng isang pagkalakas lakas na upper cut kaya natumba agad yung kalaban nya.

Banda naman kay Kenneth, iwas suntok lang yung ginagawa nya. Ilang minuto pa ang lumipas, ganun parin yung ginagawa nya. Nang nakakita sya ng tyempo, agad nyang sinuntok sa mukha yung kalaban nya. Napahiga naman agad ito. Sinipa naman agad ni Kenneth ang tyan neto kaya namilipit sya sa sakit.

Sa lugar naman nila Gray, wala pang nagaganap sakanilang dalawa.

"Dark King, malakas kaba talaga?" Tanong sakanya ni Mike o Dark Shadow.

"Bat di mo ko subukan ng malaman mo!" Mapanghamon na saad ni Gray kay Mike. Dina umimik si Mike. Sumugod na agad si Mike kay Gray. Palitan lang sila ng suntok. Tumigil agad sila ng makaramdam sila ng pagod. Ilang sandali lang, sumugod ulit si Mike. Iwas na lang ng iwas si Gray sa ginagawa ni Mike. Susuntok na ulit sana si Mike ng bigla syang sipain ni Gray sakanyang tuhod. Napaluhod naman agad si Mike. Tinadtad na sya ng suntok ni Gray. Nang magsawa sya, tinigilan na nya si Mike.

"Lalakas ng loob nyong maghamon, mga wala naman pala kayong binatbat!" Sabe ni Gray.

Gray's POV

Matapos kong sabihin yun, inikot ko yung paningin ko. Halos lahat ng studyante nanonood na samen. Psh! Aalis na sana kame ng biglang dumating yung dean! Shit!

"Where do you think you're going?" Taas kilay nyang tanong. Lagot!

End of flashback...

Ganun yung nangyare. Saya diba? Kainis! Tsk.

------------

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now