Chapter 29

2.1K 57 2
                                    

Kenneth's POV

"Hi Yumiii!" Bati ni Ryu kay Hellyumi. Tumingin ito sakanya atsaka sya tinanguan.

"Ay? Di man lang ngumiti. O kaya nag 'hi poging Ryu'. O kaya 'hello cute'." Saad ni Ryu habang umiiling iling pa.

Napasigaw sya ng batukan sya ni Xander.

"Aray! Ano bang problema mo?" Sigaw nito.

"Pa-pogi pogi at pa-cute cute ka pang nalalaman dyan." Wika ni Xander.

"Eh ano naman?" Sigaw muli ni Ryu.

"Tinuturuan mo lang magsinungaling si Hellyumi pag ganun." Nakangiting saad ni Xander kay Ryu.

"Woi, ang kapal naman ng panget mong peslak!" Sigaw ulit ni Ryu.

"Etong mukhang 'to, panget? Patawa ka." Saad ni Xander.

"Yaan mo dude, dodonate-an kita ng kagwapuhan sa birthday mo." Wika ni Ryu sabay kindat kay Xander.

"Men, naaawa na ko sayo." Xander.

"Huh? Bat naman?" Ryu.

"Sobrang bait mo na eh. Akalain mo yun, di ka na kagwapuhan pero gusto mo pa ring magdonate? Hays. Itabi mo na lang yang katiting na pogi na nakuha mo. Confident na ko sa itsura ko. Kaya dude, thanks but no thanks."

"Tangina mo ah! Suntukan na lang ano?!" Sigaw ni Ryu sabay tayo.

Napatingin na lahat samen dahil sa kagaguhan ng dalawang 'toh. psh!

"Tumigil nga kayong dalawa! Pagu-untugin ko kayo pareho eh." Saway ni Gray sakanila.

"Eh kase itong kupal na 'to eh." Maktol ni Ryu sabay turo kay Xander.

"Oh bat ako?" Sagot naman ni Xander.

"Oh bat, ikaw naman talaga diba?!" Sigaw muli ni Ryu.

"Titigil kayo o matatapos na agad buhay nyong pareho dito?" Banta ni Gray sakanila. Natakot naman ang dalawa kaya bahagya silang natahimik.

Buti nga sakanila. Ingay eh!

"Wala nanaman sa mood si Queen."

"Oo nga eh. Gutom lang siguro yon. Damihan na lang natin yung bibilhin natin sakanya."

"Sigesige. Tara na!"

Napalingon agad kaming apat dun sa dalawang babaeng mag kausap sa gilid lang namen.

Sa pagkakaalam ko, si Kay-Anne yun tsaka yung Adrianna.

"Kaya pala di ako nginitian ni Yumi eh. Wala sa mood." Saad ni Ryu habang tumatango tango pa na tila ba'y may napagtanto.

"Nakita ka kase nya kaya nawala sya sa mood." Pangaasar ni Xander kay Ryu.

Nagsimula nanamang magbangayan ang dalawa. Napahawak na lang kame ni Gray sa sentido namen. Hays!

Ang sarap palamunin ng isang buong mamon ang bunganga ng dalawang 'to eh. psh!

Natigil ang dalawa ng makitang pabalik na yung dalawang babae sa pwesto nila.

"Pare, sino type mo dyan sa dalawa?" Tanong ni Ryu kay Xander.

"Hmm. Kung dyan lang sa dalawang yan, si Kay-Anne na lang. Ayoko dun sa isa. Ang sungit sungit, kala mo laging may dalaw." Sagot ni Xander.

"Mas maganda nga pag masungit eh. Mas nakakainlab." Saad ni Ryu.

"Edi yun yung sayo." Xander.

"Talaga!" Ryu.

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now