Chapter 26

2.1K 55 1
                                    

Third person's POV

Di pa rin makapaniwala sila Gray sa nakita nila. Gusto nilang isipin na isa lamang itong panloloko ngunit mas tumatatak sa utak nila na sya lang ang gumagamit ng tatak na yun, walang iba kundi ang...

Demon Queen.

Di nila malaman ang nararamdaman nila ngayon. Sobrang kaba at hinahaluan narin ng takot.

Samantala, ang mga tao namang nakakakita sakanila ay nagtataka. Hindi nila malaman kung bat nagkakaganun ang tinatawag nilang 'King'. Gustuhin man nilang malaman kung anong nangyayare pero hindi nila alam kung pano kakausapin ang Hari nila. Kaya mas pinili na lamang nilang manahimik.

Sa gawi naman ng isang grupo, di rin nila mawari kung anong nararamdaman nila. Kung kanina'y nakangisi at inip na inip na ang mga ito, ngayon naman ay parang gusto na lang nilang umalis.

"Uhh Shad, ano..." Wika sakanya nung isa sa mga kagrupo nya.

"What?" Sagot naman nung isa.

"W-wag na kaya natin tuloy?" Medyo mautal na sambit ni Mira.

"Andito na tayo. Wala ng atrasan toh!" Sagot nung lalaking nagngangalang 'Shad'.

"Gusto ko pang mabuhay, Shad!" Bulyaw sakanya ni Mira.

"Ano ba? Diba ikaw naman may gusto nito? Ikaw yung nagimbita sakanya diba? Ikaw ang pasimuno nito kaya panindigan mo!" Inis na saad sakanya ni Shad.

Bigla namang natahimik si Mira dahil dun. Ang buong akala nya kase ay kaya na nyang tapatan ang Reyna kaya nagawa nyang hamunin ito. Pero ngayon lang nya napatunayan na nagkakamali sya. Hindi pa nga nya nakikita si Queen eh gusto na nyang umurong, pano pa kaya kung nakaharap na nya ito?

"Sa susunod kase h'wag kang magmatapang. Lakas ng loob mong manghamon, tas ngayon gaganyan ka? tss." Saad pang muli ni Shad.

Napayuko na lamang si Mira dahil dun. Hindi na sya nagsalita. Alam nyang sya ang mali kaya di na sya nakipagtalo pa rito. Silence covered them ng biglang may sumigaw na lalake na nakakuha ng atensyon nila.

"Oy ano ba yan! Dipa ba kayo maguumpisa? Naiinip na kame dito!" Sigaw nung lalake. Nakatingin lang silang lahat dito.

"Anong tinitingin tingin nyo? Maglaban na kayo! Nagaaksaya kayo ng oras!" Muling sigaw nito. Pero gaya nung una, di pa rin sila umimik.

"Ay walangya. Kung naduduwag naman pala kayo, eh umalis na kayo dyan! Magtatawag na lang ng ibang grupo na gustong magpatayan!" Sigaw nitong muli.

Bigla namang naginit yung ulo nung grupo ni Shad. Ang ayaw nila ay tinatawag silang duwag. Susugurin na sana nila yung lalake pero nahinto sila ng may makita silang isang petal ng rosas na nahulog.

Lahat ng nasa loob ng arena ay natahimik dahil dun. Nagtataka pa sila kung saan nanggaling yun.

May sumunod ulit na isang petal. Nasundan ulit. Nasundan lang ng nasundan. Marami ng nakakalat na petal ng rosas sa lapag ng ring.

Sa sobrang pagtataka ay nilapitan ito ng grupo ni Shad at Gray. Pareho silang pumulot ng isang pirasong petal. Nagulat sila ng biglang naging itim ito. At dun lang nila napagtanto kung sino ang may ari ng mga ito.

"Red Rose Gang." Sabay na saad ni Gray at ni Shad.

Bahagya pang nagkatinginan ang dalawa. Bakas sa mukha ng dalawa ang kaba.

Napaatras naman yung dalawa ng biglang may nahulog na isang rosas sa harapan nila. Sabay na pinulot ito ni Gray at ni Shad. Inagaw ito ni Gray. Pero inagaw rin ito ni Shad. Parehong masamang tingin ang pinupukol ng dalawa sa isa't isa habang nagaagawan.

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now