Chapter 30

2K 52 1
                                    

Hellyumi's POV

"Babysis, may gusto ka ba munang daanan? Hindi ka nag breakfast eh. Hindi ka ba gutom?" Tanong saken ni kuya Shawn.

"Nah. I'm not hungry."

"Are you sure?"

"Yeah."

Hindi na sya umimik ulit. Pinaandar na nya yung kotse papuntang school.

Ilang minuto lang ay nakadating na agad kame sa school. Bumaba na agad ako at deretsong pumasok sa loob.

Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa classroom ko ay nakarinig ako ng bulungan.

"Uy girl, may new students daw na dadating?"

"Really? Kelan daw?"

"Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko this week na dating nila."

"Ah. Sana mga hot boys!"

"Oo nga! Kyah!"

New students huh?

Pagkadating ko sa classroom, dumeretso na agad ako sa upuan ko.

Gaya ng dati, natahimik nanaman sila. Buti naman hindi ko na sila kailangan pang takutin para tumahimik.

Habang papunta ako sa upuan ko, naramdaman kong may matang nakasunod saken. Hindi ko pinansin yun. Pagkaupo ko ay agad akong binati nila Kay-Anne.

"Hi Queen." Sabay sabay nilang bati. Tinanguan ko na lamang sila.

Kinuha ko yung cellphone tsaka headset ko. Sinaksak ko na yung headset sa cellphone ko tsaka pumili ng kanta. Nang makapili na ko, pinatong ko na lang yung cellphone ko sa lamesa ko.

Habang nakikinig ako, bigla naman akong nakaramdam ng antok.

*yawn.

Uub-ob na sana ako sa lamesa ko ng maramdaman kong may nakatingin nanaman saken. Inikot ko yung paningin ko sa classroom. And then I saw Gray, looking at me. I raised my eyebrow but he just smiled sweetly.

Tss, crazy jerk. -_-

Hindi ko na sya pinansin. Umubob na ko sa lamesa ko.

Gray's POV

Our teacher is currently teaching.

Hay, boring.

Napatingin ulit ako kay Yumi. Tulog pa rin sya. Hindi ba sya natatakot na baka mapagalitan sya? Tulog sya tapos class hour?

Tanga mo Gray. Pano matatakot yan eh sya na mismo si satanas?! Baka nga yung teacher pa matakot sakanya eh. -_-

Nakita kong bahagyang gumalaw si Yumi. Umayos sya ng pwesto. Dito na sya nakaharap sa pwesto ko kaya naman kitang kita ko na yung mala-anghel nyang mukha.

Ang ganda talaga ng babaeng 'to.

Bahagya akong napangiti ng maalala ko nanaman yung nangyare kahapon.

Flashback...

Matapos ko syang kantahan ay nagkatitigan kame. Habang nagtititigan kame, dumako ang mata ko sa iba't ibang parte ng mukha nito.

Her eyes. Her hazelnut eyes. Her nose, ang tangos. Her eyelashes, ang haba. Then her lips, her red lips.

Sa sobrang humaling ko sa labi nya, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Unti-unti akong lumapit sakanya. Sobrang lapit na ng mukha ko sakanya. Pumikit ako at tinawid ang konting distansya samen.

Demon Inside Her (On-going)Where stories live. Discover now