BB 3: Pains

138 12 1
                                        

Pains

Kurt's Point Of View

Hindi ko maiwasang mapatitig sa side mirror ng kotse ko. Like what the fvck am I thinking?

Hindi parin sya pumapasok sa loob ng bahay nila. She's still standing there while looking in my direction.

Anong drama naman yan?

I just shook my head at mas pinabilis pa ang sasakyan para makalayo na ako sa lugar.

Hindi ko naman kasi inaasahang sa dinami dami ng babae sa mundo, sya pa pala ung natulungan ko. Great! Too great.

"Oh? Gabing gabi na nambubulabog ka pang hayop ka?"

I smirked.

"I miss you bro!" Biro ko kay ford mula sa kabilang linya.

"Kadiri pre! Tigilan mo ko. Kinikilabutan ako sayo eh. Ano nanaman bang drama mo?"

I smiled sadly.

He really knows me that much.

"Gusto kong uminom. May alak ka naman dyan diba?"

"Hoy! Gago ka ba? Gabi na ah. Matulog ka nalang."

"I can't sleep if I'm too occupied with her."

"Ah, so inamin mo rin. Sya nanaman? Hindi ka parin makamove on talaga no?"

"I did."

"I did mo mukha mo. Kung nakamove on kana, bakit apektado ka parin ng sobra?"

I didn't respond.

Tama naman sya eh, nagmamaang maangan lang ako kasi hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit ilang taon na ang lumipas, sya parin ung mahal ko. Sya parin.

I sighed deeply.

"Pupunta ako dyan. Malapit na ako." Sabi ko nalang at mabilis na binabaan sya ng cellphone.

Alam kong minumura na ako ng gagong yun dahil sisirain ko nanaman ang gabi nya pero wala naman akong magawa. Sya lang ang malalapitan ko tungkol sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko malalapitan si rojean kasi nga kapatid nya diba? Hindi ako tanga. At isa pa, hindi nya alam na hanggang ngayon, mahal ko parin ang kapatid nya.

Actually lahat naman sila ang buong akala, nakamove on na ako. Kahit si crys, akala nya rin si sam na ang nandito sa puso ko pero lahat sila nagkakamali.

Mahirap kalimutan ang isang taong mayroong malalim na parte sa puso mo.

I tried my best to forget her but I really can't. Tindi ng kapit eh.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin ha?" Ngumisi ako kay ford pagkabukas nya ng pintuan.

Isinalubong ba naman sa akin ang sarili nya na nakaboxers lang at naked on top? Sus! Akala mo naman sobrang ganda ng katawan, mas maganda parin ung akin.

"Tuloy. Gago." Sabi nya sa akin.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at itinaas ang paa ko sa mesa. Sinamaan pa ako ng tingin ng gago pero hindi ko sya pinansin. Napailing iling nalang naman sya saka nagtungo sa kung saan at pagbalik nya at may dala dala na syang beer.

Ganyan naman yan eh, dadakdak pero alam mong maaasahan. Nauunahan lang talaga ng kagaguhan.

"Anong nangyari?" Tanong nya habang magkaharap kami at parehas na umiinom.

I shrugged.

"Sasagot ka o hihilahin kita palabas ng pamamahay ko? Wag mong sayangin ang oras ko Dela Rosa. Ang sarap sarap ng panaginip ko tapos nambubulabog dahil wala? Sapak, gusto mo?" Banta nya sa akin.

Behind BarsWhere stories live. Discover now