Like The Old Times
Kurt's POV
"Babe are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili."
"Ha?" napatingin ako kay sam kung saan nabalik naman ako sa reyalidad. "I'm okay,"
I don't know but ever since philip said those lines to me, para bang nawala na ako sa sarili ko na hindi naman dapat. Isang buwan na ang nakakaraan mula nang gabing magcelebrate ng birthday si kath at wala akong kaalam alam na dun pala kami papunta ni sam.
At aaminin ko, mula ng makita ko kung paano sya ngumiti along with jahlen made me felt uneasy tapos ngayon, si philip naman.
This is not right, totally not. Cause somehow, I also felt guilty towards sam na hindi ko rin dapat maramdaman cause in the first place, I should not feel so damn affected to whoever is lingering to her.
Bat ba kasi pumayag pa akong dito ko gugulin ung ilang araw na pahinga ko mula sa trabaho kung pwede naman sa iba nalang? Kasalanan to ng gunggong na si rojean e. Tss.
Nang papadilim na, bumalik na rin kami sa bahay liban kay kath na niyaya ni philip na magpunta sa kanila.
Nakakapagod rin talaga mamasyal lalo na't nadodoble kung badtrip ka.
Pagpasok sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama habang unan ko ang mga braso ko at nakatingin sa kisame.
"Mukha kang tanga! Nakarating kana yata sa ibang planeta. Ano bang iniisip mo dyan?"
Napapikit ako ng mariin sa inis ng tumama sa mukha ko ang tuwalyang ibinato sa akin ni rojean bago ko ito tinanggal at tinitigan sya ng masama.
"What? Pansin ko, nagkaganyan ka lang naman ever since that philip guy said something about getting what's his now that you got what's yours." he looked straight at me.
Hindi ako sumagot, I just stared at him blankly.
"I'm not stupid. At mas lalong hindi ako bulag o hindi marunong makiramdam lalo na at alam kong kapatid ko ang dahilan ng tensyon na namagitan sa inyong dalawa."
"It was all in the past."
"Past that should have stayed in the past. Pero bakit parang binabalikan nyo?"
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Aminin mo nga sakin kurt. Bilang kaibigan mo ako. May gusto ka parin ba sa kapatid ko?"
"What?!"
Tila nagpantig ang aking mga tainga sa tanong nya. What the fvck?
"Are you crazy?! Bakit mo naman yan natanong? So many years have already passed! Madami ng nangyari! I already have sam in my life--"
"Oo o Hindi lang naman ang sagot. Bat naghihisterikal ka?" He cocked his head on the side as his lips drew a smile pero muli itong sumeryoso. "Wag kang magsinungaling. It was written all over your face. Pero kung gusto mong panindigan yan, bahala ka. Just be man enough to protect both sam and kath. I'm warning you, hinahayaan kong maging malapit ka ulit sa kapatid ko but I won't let you hurt her. Madami na syang pinagdaanan noong nalayo sya samin and it's not only you who got deeply hurt back then, she just built herself kurt. I'm never gonna let anyone ruin her again. Kahit yang philip na yan. O ikaw." He said saka ito lumabas ng silid.
Natahimik ako.
Alam ko naman kung gaano kaseryoso si rojean sa bawat salitang binitawan nya cause I know how much he freaking loves his sister pero mas nakadagdag lang sa iniisip ko lahat ng sinabi nya kaya naman minabuti ko nalang na pumasok sa banyo para maligo. Baka kahit papaano makatulong ung tubig na linawin ang isipan ko.
YOU ARE READING
Behind Bars
Fiksi RemajaKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...