Who are you?
Kath's Point Of View
Flashback
More than 5 years ago..
"Here.." napaangat ako ng tingin ng makakita ako ng water bottle sa harapan ko.
Napangiwi ako saka ko ito tinanggap at nagpasalamat. Tipid na ngiti naman ang isinukli nya sa akin bago naupo sa aking tabi.
"Hindi mo kasama si crys ah." Komento nya habang nakatingin kila matthew na kasalukuyang naglalaro sa field.
"Nakita ko sya kanina kasama si drake. Ewan ko lang kung saan sila pumunta." I shrugged. "Ikaw, ba't nandito ka? Wala kang pasok ngayong araw diba? Remember, hindi ka naman regular na estudyante ng school na to."
"Welcome naman ako dahil may ID akong pinapakita." Tumawa sya ng mahina. "Tsaka nandito lang naman ako pag alam kong wala ka ng klase o kaya naman trip ko lang maglibot tutal maganda naman ang school na to. Hindi nakakabore." Sagot nya.
Napairap ako.
Style nya medyo bulok.
"Sungit." I heard him murmur.
Hindi naman din naman kami nagtagal ni kurt sa field dahil nagyaya na rin syang umalis. Kinawayan ko nalang din si matthew bago namin tuluyang nilisan ang lugar.
Matagal tagal na rin simula ng maging official suitor ko itong si kurt. Until now, halos hindi ko parin maisip kung paano nga ba ito nangyari. Well, nag eenjoy rin naman ako sa company nya at isa pa, pinanindigan nya rin naman ang sinabi nyang hindi sya titigil kahit pa anong gawin kong pambabasted sa kanya. Nandoon parin ang consistency nya pagdating sa panliligaw.
Tuwing kasama ko si kurt, nakakalimutan ko na may pagtingin parin ako kay jahlen.
Jahlen isn't my first love afterall but he was my worst heartache. Nasaktan ako noon pero kakaiba ang sakit na ibinigay sa akin ni jahlen.
He's my bestfriend, and it was really a big mistake to fall for him but I wasn't able to stop myself cause he's giving me hopes before. Actually hindi ko alam kung binigyan nya nga ba ako o sadyang nag assume lang ako ng bongga kaya ako nahulog sa kanya at ang masama, kasabay ng pagkahulog ko ay ang pagsalo nya sa iba.
Kay bianca.
Nadurog ako. Durog na durog ako. Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko noon na may girlfriend na pala sya pero hindi ako nagbago ng pakikitungo sa kanya. Hindi ko ipinadama sa kanya na nasasaktan ako. Besides, crys were always there for me before, hindi nya ako iniwan, sa kanya ako lumalapit para umiyak. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, sa kanya ko ibinubuhos and at the end, pinapagaan nya ang pakiramdam ko gamit ang malamyos nyang boses at napakawarm nyang yakap.
"Thanks kurt. Pasensya na talaga ah? Wala kasi ako sa mood eh." Sabi ko sa kanya pagkababa ko sa kanyang sasakyan.
He smiled. Widely and genuinely. Ghad! Bakit ang gwapo?
"Okay lang. Pagod ka na siguro at stress dahil sa mga school requirements nyo. Naiintindihan ko. Marami pa naman next time. Atleast masaya na ako kasi hindi mo ko nireject diba?"
Kinindatan nya ako at muling nginitian na para bang inaassure nya sa akin na hindi ako dapat mag alala dahil sa tinanggihan ko ang imbitasyon nyang kumain kami sa labas.
At sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang ako kasabay non ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Shit!
Napalunok ako.
"A-Ah. Sige kurt! Babye! Ingat!"
"Pahinga kana. See you tomorrow!" Kinawayan nya ako at pagkatapos ay mabilis na pinaharurot nya na paalis ang kanyang sasakyan.

YOU ARE READING
Behind Bars
Teen FictionKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...