BB5: A taste of his revenge

162 11 4
                                    

A taste of his revenge

Kath's Point Of View

"Good morning mam yumi!" Nakangiting bati sa akin nila Anexi at Anna pagpasok ko sa cafe.

1 week na rin the last time na nakasama ko si crys at ang gagang yon, nakatakda ng lumayas next week. Biglaang sched at sa pagkakaalam ko, nagkatampuhan silang magjowa dahil don pero wala na akong pake.

Wala akong jowa eh. PERO HINDI AKO BITTER. NAGSASABI LANG.

"Goodmorning 2A's!" Nakangiting bati ko rin pabalik. Sabay naman silang tumawa pero mabilis na nangunot ang noo ko ng mapansing kulang ng isa ang mga staffs ko. "Where's lerie? Sya ang nakaassign dito sa bar area right?" I asked them.

Nagtinginan naman ang dalawa saka binalik ang tingin sa akin.

"Eh mam, absent daw po si lerie ngayon. Naitakbo kasi sa ospital ung anak nya kagabi pero hindi nya naman po nasabi kung anong dahilan."

Natigilan ako.

"Anak?" Tanong ko na may halong pagkagulat. "May anak na si lerie?"

"Opo." Sabay naman nilang sagot.

"Ilang taon na si lerie? Hindi ba 21 years old palang sya?" Muli ay tumango sila. "How about her child? Ilang taon na?"

"Limang taon po mam." Sagot ulit nila na syang nagpalaki ng mga mata ko.

"What?" Napabuga ako ng hangin. "Saang ospital naitakbo ung anak nya?"

Ng banggitin nila ang pangalan ng ospital ay mabilis na ibinilin ko sa kanila ang cafe at sinabing pupuntahan ko si lerie.

I really can't believe it. At her young age ay may isang bata na rin syang tinutustusan? No wonder napakasipag nya, I've been observing her since the beginning at nakita ko ang dedication nya sa trabaho. Kaya pala.

Pagdating ko sa ospital na pagmamay ari ng pinsan ni dustine na si kuya niccolo ay dali dali akong pumasok sa loob at lumapit sa nurse station kaso hindi ko pala alam ang pangalan ng anak ni lerie kaya tumawag ako kay Anna at nagtanong muna bago ako nagtanong rin sa mga nurse kung anong room number ang inookyupa nito.

"Salamat." Nakangiting tugon ko saka ako naglakad papunta sa elevator.

Paglabas ko naman sa elevator ay di sinasadyang nakasalubong ko ang gwapong pinsan ni dustine na katulad ko hanggang ngayon ay single parin. Di hamak na mas matanda ito ng Ilang taon sa akin ah. Kaya wag kayo. Hindi rin naman kasi ako chismosa para alamin kung bakit hindi parin sya nag aasawa sa edad nyang yan.

"Goodmorning doc." Bati ng nakasabayan ko kaya napalingon ito sa gawi namin. Ngumiti at bumati rin ito pabalik bago kami nilagpasan. Oh well, what to expect? Hindi nya naman kasi ako kilala. Sadyang maingay lang din kasi ang pangalan nya since isa syang sandoval and mostly, kilala ang bawat myembro ng pamilya nila tulad ni ford and also since naging cover na rin sya ng isang magazine before dahil sa looks and amazing IQ nya kaya kilala ko sya bukod sa alam kong pinsan nya si dustine.

Nang marating ko ang nasabing kwarto, nagmadali akong kumatok at agad namang pinagbuksan ako ni lerie. Ngumiti ako sa kanya pero ganun na lang ang naging laking gulat nya ng makita ako. Halos mataranta pa ito kaya ako nalang ang pumasok sa loob kahit wala pa syang sinasabi.

"M-Mam, paano nyo po nalaman--"

"Kamusta na sya?" I cut her off while looking at her angel.

Hindi sya sumagot kaya nilingon ko sya. Natigilan naman ako ng mapansin kong parang naluluha na ito.

"Lerie?" I held her hand. "Come on, you can say it. Maybe I can help you?"

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita, bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay ramdam ko ang sakit na nadarama nya bilang isang ina lalo pa't nalaman kong dadalawa na lamang sila sapagkat simula daw ng mabuntis sya ay itinakwil na sya ng kanyang pamilya at sinikap nyang magtrabaho habang maliit pa ang kanyang tiyan upang paghandaan ang kanyang panganganak at ang magiging buhay nya kasama ang kanyang anghel lalo pa't hindi rin sya ng tinanggap ng pamilya ng hayop na nakabuntis sa kanya.

Behind BarsWhere stories live. Discover now