Prologue

190 14 1
                                    

Kath's POV

"Ayoko na kurt. Please lang, tumigil kana." I said coldly.

Tinitigan nya ako na para bang hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Are you serious, kath? Ilang beses ko nang narinig sa iyo yan pero tumigil ba ako? Hindi diba? Kaya wag kanang mag aksaya pa ng laway kasi hindi ako titigil." Mariin nyang sabi.

I closed my eyes tightly and balled my hand into fist.

"Hindi mo ako naiintindihan!" I shouted at him.

Napaatras sya sa akin marahil dahil sa gulat sa biglaan kong pagtaas ng boses.

"Ayoko na..." napayuko ako.

I felt a liquid falling down from my eyes. Eto nanaman, umiiyak nanaman ako.

Lumapit sya sa akin saka nya hinawakan ung mga kamay ko. Pinisil nya ito na para bang sinasabi nyang bawiin ko ang lahat ng sinasabi ko.

Napayuko ako.

"Pagod na ako... pagod na akong makipagtalo sa utak ko kung talaga bang kaya ko nang magtiwala ulit sayo na hindi ka lang nabubulagan sa kung sino ba talaga ang totoong mahal mo."

"W-What?" Tumungo ako ng bigla nyang bitawan ang mga kamay ko. He looks frustrated. "After all that I did for you, pinagdududahan mo parin ung pagmamahal ko sayo?!" Sigaw nya.

Napaatras ako at muling napapikit.

"Tangina naman kath! Isang taon na kitang sinusuyo ah! Isang taon ko nang pinapatunayan ung sarili ko sayo! Isang taon ko nang pinaparamdam sayo na ikaw talaga ung mahal ko tapos ganito?! Pagdududahan mo lang ako?!"

He ran his fingers through his hair.

"Fvck! Akala ko pa naman dahil hindi kana madalas magalit sa akin okay na lahat. Akala ko may pag asa na ako. Akala ko mahal mo na ako. Akala ko nakuha ko na ung buong tiwala mo.  Tangina akala lang lahat yun?"

Napasubsob ako sa aking palad at hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak. Ghad! Mali ba ako?

"Kath look.." Naramdaman kong hinawakan nya ako sa aking balikat. "H-Hindi mo ba talaga ako m-mahal?" His voice croaked.

Hindi ako sumagot.

Hinayaan ko lang ang sarili kong humagulgol ng iyak sa kanyang harapan. Natatakot ako.

"Tangina!" Sigaw nya.

Inayos ko ung sarili ko saka ko sinalubong ung tingin nya kahit pa deretso lang sa pagtulo ang luha mula sa aking pisngi.

"C-Can you blame me?" I stuttered. "Natatakot ako kurt! Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan--"

"That's bullshit!" He cut me off.

Bakas na bakas sa kanyang mga mata ang sakit at galit pero hindi ko magawang bawiin ang lahat ng mga salitang binitawan ko. Hindi ko kaya.

"Hindi ako dapat pagkatiwalaan?! Eh tangina dapat noon mo pa ako dineretsa! Palibhasa tanga din ako eh, halos araw araw pinagtutulakan mo ako palayo pero ano? Lagi akong bumabalik sayo! Kasi wala kang sinasabi! You didn't even tell me you don't love me tapos ngayon isasampal mo sa akin na hindi mo alam kung dapat pa akong pagkatiwalaan ha?! That's bullshit kath! That's bullshit!" Paulit ulit na sigaw nya.

"I'm s-sorry..." bulong ko pero hindi nya ako pinansin.

Nagdere deretso lang sya sa paglalakad papunta sa kotse nya at pinaharurot ito paalis.

Sinundan ko lang ng tingin ang kanyang sasakyan hanggang sa mawala na ito saka ako napaupo sa sahig habang iyak ng iyak.

Ano bang ginawa ko?

Damn it, Katherine Yumi Aragon! What have you done?

_________

Behind BarsWhere stories live. Discover now