Look who's back
Kath's POV
"J-Jahlen...?" Gulat na gulat na wika ko habang nakatitig sa kanyang mukha na ngayon ay nakangiti sa akin.
Wait, hindi ba ako namamalikmata?
Kumurap kurap ako para siguraduhin kung tama ba ang nakikita ko at nang sumilay ang kanyang mas malapad na ngiti at pinasundan nya ng mahinang pagtawa ay dun ko lang narealize na totoo nga ang lahat.
Ang laki ng pinagbago nya. Kung sa pisikal na kaanyuan mo sya titingnan ay talagang malaki na ang pinagkaiba ng jahlen na kilala ko noon.
Hinawakan nya ako sa braso at inalalayang makatayo ng maayos.
"Sa halos limang taon nating hindi pagkikita, ngayon pa nagkrus ulit ang landas natin kung kailan mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo." Sabi nya. Napatitig ako sa kanyang mukha na wari'y binabasa ang iniisip nito. "Ayos ka lang ba? Ang tamlay mo tingnan ah."
Napalunok ako ng bahagya dahil hindi ko magawang sumagot. Is it for real? Jahlen is really in front of me? No joke?
"Are you sick?" He tried to reach me out pero napaatras ako.
"I..I'm okay." I smiled a bit. Umayos naman sya ng tayo at ngumiti sa akin.
"I see, bakit nga ba hindi ka magiging okay? It's been a couple of years. Kamusta?" He asked. "Married?" Dagdag nya pa at pinasundan nya ng nakakalokong ngiti na may halong mahinang pagtawa kaya natawa na rin ako.
"Nope. Mukha ba akong may asawa? I'm fresh on my 20's. Hindi ba masyadong maaga to get married?"
"Why not? Kung nahanap mo na si the one diba?"
"Oh, I see. Maybe ikaw ang kasal na at 24?"
Tumawa naman sya. "Nah, I may found the one but I slipped her away from me kaya ang ending, tatanda nalang akong binata."
"Too bad." Nagkibit balikat ako.
"Yeah, too bad. It's just too great to see her again."
"Really? Nakita mo sya ulit?"
"Yap. She's indeed beautiful." He looked at me directly in the eyes at hindi ko alam kung saan nanggaling ung awkward feeling kaya napaiwas ako ng tingin. "Ah, since I saw you and I was about to enter that restaurant, can I take you out for lunch?"
"Ha?" Napatingin ako sa restaurant kung saan kanina lang ay naroon kami ni kurt. "Dyan talaga?"
"Yeah, I heard the foods there were all good."
"Uh?" Napangiwi ako.
"Let's go?"
Sasagot palang sana ako ng biglang magring ung phone ko. It's crys, thank god, she's really a blessing to me. Ayaw ko namang pumasok ulit sa restaurant no, magtataka ung waiter nila dyan why I suddenly came back with another man.
"Excuse me.." Tinanguan nya naman ako pero sa harap nya mismo ay sinagot ko ung tawag ni crys. "Hello crys?"
"Nasan ka?"
"Bakit?"
"Ay wow te, nagtanong ako tapos sinagot mo ako ng tanong din?" Alam kong iniirapan na ako ng gagang to ngayon. "Magkita tayo, now na. Pupunta ako sa cafe mo."
"Huh? But I'm with someone right now." Nilingon ko si jahlen and he's just looking straight at me.
"Mas importante kesa saken?"
"Sira ka ba?" Tumawa ako. "At busy ka diba? Sabi mo kanina when I was asking you out. Tapos ngayon nakikipagkita ka."
"I suddenly feel like seeing your ugly face eh, so ano?"
YOU ARE READING
Behind Bars
Teen FictionKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...