BB 14: We Just Wanna Have Fun

115 4 0
                                    

Hi! Sorry if it took a month bago nanaman ako nakapagUpdate dito but anyways, I'll try to update a little quicker. Haha. Sana lang mapanindigan ko.

Happy Reading! ❤️

___

We Just Wanna Have Fun

Kath's POV

Nagising ako kinaumagahan na wala na akong katabi dahilan upang dali dali akong bumangon at nagtoothbrush. Nakakahiya naman na bisita ako dito tapos nahuhuli pa akong bumabangon mula sa higaan. Geez!

Asusual naman ay naroon nanaman sila sa labas at nagkakape habang nag uusap usap.

"Goodmorning katerina!" Masiglang bati ni crys na tumayo pa mula sa kinauupuan at nilapitan ako para makisalo sa kanila.

Pinag uusapan pala nila kung anong magandang gawin ngayong araw since bukas pa magsisimula ang pyesta. Medyo excited rin ako sa mangyayari bukas actually, kasi matagal tagal na the last time na nakipyesta ako dito and mind you, it was really fun.

"Kahapon nung namamasyal tayo, I saw a clean water lake around here. Bakit hindi tayo magpicnic doon? Marami rami namang puno and very refreshing ang hangin. We can even have fun on the water then tonight? We can have a barbecue party and you know, any sort of alcohol will do. O ano?" suhestiyon ni kuya ford.

Agad na napatingin naman sa akin si crys ng marinig nya ito but I just smiled at her making sure I'm okay with it. I also took a quick glance at kurt pero ng makita kong nakatingin din sya ay sabay pa kaming nag iwasan ng tingin. What the eff?

"Good idea, but before that, I want to experience horseback riding here. Pwede ba crys?" paalam ni Matthew. "Sige na, maluwang naman ung lupain nyo tapos ang lulusog pa ng mga kabayo. We can have a race! Game?"

"Gusto nyo ba? Ipapaalam ko kila tito."

"Sure! I'd love that." nakangiting sagot ng lahat habang ako? Napapangiwi lang. The last time I experienced horseback riding here? Kailangan ko pa bang alalahanin kung sinong kasama ko?

And again, I gazed at Kurt and he's looking down with his hands on his head. I bit my lower lip saka ako bumaling kay crys at hinila ko ng mahina ang laylayan ng suot nyang damit.

"Bakit?" She asked. I didn't respond pero mukhang nakuha nya naman yun agad ng sulyapan nya rin ang gawi ni kurt at makitang nakayuko nga ito. "Ow. Your knight just found another damsel in distress but don't worry, sakali mang mahulog ka ulit sa kabayo like before, may prince charming ka parin." she whispered. Sinamaan ko sya ng tingin pero tanging pagkindat lang ang isinagot nya sakin as she tilted her head gazing somewhere else kaya nagtatakang napalingon rin ako sa tinitingnan nya. That's when I saw Philip grinning in front of me.

"Goodmorning!" He said.

"You came just in time philip! Wanna have fun with us?" said crys.

"Ano bang balak nyo?"

"Horseback riding. A race maybe? Why not accompany kath? Last time na sumakay sa kabayo to, nahulog e. Buti nalang, may nakasalo pa sa kanya." she winked at me. pinanlakihan ko sya ng mata, gaga talaga tong babaeng to kahit kailan.

"Sure! Don't worry, I'll take care of her." sang ayon naman ni philip na lumapit na sa akin.

"Nandito ako baka nakakalimutan nyo ah, ako na ang bahala kay kath--"

"Wag kanang umepal rojean okay? have fun on your own! Kath is no longer your little girl!"

"Oo nga naman bro, tama si crys." nakangising sabi ni kuya ford.

Behind BarsWhere stories live. Discover now