Reborn Jealousy
Kath's POV
Pakiramdam ko ay nanghina bigla ang mga binti ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napakaliit nga naman ng mundo at napakagaling maglaro ng tadhana. Naging malapit pa ako kay sam. In which I didn't know, girlfriend nya pala.
"I-It's you?" halos wala na akong boses sa hina ng pagkakabigkas ko. I felt like something inside me was broken. Bakit ganito?
"Happy birthday.. kath." Ngumiti sya sakin. Isang normal na ngiti saka sya lumapit at bineso ako.
I gained my right posture and smiled widely. Hindi ako dapat ganito.
"Thanks! Kurt. Ikaw pala ang tinutukoy na boyfriend ni sam, hindi ko alam."
"Wait, magkakilala kayo?"
"Uh? Yes! We knew each other since college, right?" I looked at kurt. He nodded.
"Y-Yeah,"
"Ahh, Oo nga pala. I remember seeing you together with crys last time sa mall. Bat nga ba nakalimutan ko?" she laughs.
"Yap, and crys didn't mention anything to me. Anyway, everyone's inside. Let's go."
Bumitaw si sam kay kurt at mabilis na kumapit sa akin. She's so bubbly. I don't see any reasons for kurt not to like her. The way she described her boyfriend to me before is very much, malalaman mo palang sa words na ginagamit nya na she's really into him. He should be glad, he found someone like her.
Pagpasok namin sa loob, halos lahat sila ay natigilan sa kanya kanya nilang ginagawa at tumingin sa amin, lalo na sa dalawang kasama ko. Parang biglang nagkadead air kaya medyo nahiya ako kay sam. Mukhang wala pa naman syang alam.
"Hehe.. Guys! New friend ko nga pala, si sam. Hindi ko naman akalain na girlfriend pala sya ni kurt!" Tumawa ako kunyari. Then I saw crys, she's looking straight at me. Kakaiba ung tingin nya plus nakakunot pa ang noo nya. Nakakatakot talaga tong babaeng to.
"Hi." Masiglang bati ni sam na kumaway pa.
"Hello." Bati rin naman ng mga kaibigan ko. Napangiti nalang ako sa kanila ng tingnan nila ako. Ghad. Ano yang mga tingin na yan? Takot na ako kay crys, kamusta pa pag nagsama sama lahat ng mga kaibigan ko lalo na tong mga lalaking to at saksakan ng protective. Ihh!
"Oh wait, isn't that rojean?" tanong ni sam ng makitang palapit si kuya. Magkakilala din sila, bat nga ba di na ako nagulat.
"Ah yes, actually he's my kuya."
"Really? Wow ha, small world nga naman."
Napatango ako. Yeah, small world talaga.
"Sam! kurt, I didn't expect you to be here." Wika ni kuya matapos akong akbayan then tumingin sya sakin at tinaasan akong kilay. Naman e! Wala akong alam okay? "You never mentioned anything to me, ano to?" bulong nya sakin.
"Hindi ko alam okay? Nagulat lang din ako." Sagot ko na pabulong din. "By the way, kurt, since nandito ka naman together with sam, ikaw na ang bahala sa kanya ha? Kumain na rin muna kayo." I smiled.
"Sure, thanks." Casual na sagot nya sakin.
"Okay." I looked at sam. "Thank you ulit." Ngumiti rin naman sya sakin as she mouthed you're welcome then tinanggal ko na ung braso ni kuya sa balikat ko saka ako lumapit sa mga kaibigan ko. Feeling ko kasi ako na ang pinag uusapan nila ngayon lalo pa't nandon na rin si crys, chismosa talaga tong babaeng to.
I took a deep breath as I indulged myself to them. Bigla naman akong hinila ni crys ng Makita nya ako. Jusko po.
"Before anything else, listen to me first. Okay?" Tinitigan ko sila isa isa. "Like what I've said earlier, hindi ko alam na girlfriend sya ni kurt. Nagulat lang din ako kanina pag labas ko nung nakita ko sila na magkasama. At isa pa, wala namang problema di ba? Mukha ngang wala syang alam tungkol samin ni kurt and what's the big deal anyway? Hindi naman naging kami." Paliwanag ko.
YOU ARE READING
Behind Bars
Novela JuvenilKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...
