Take A Chance
Muling gumising sa akin ang malakas na tunog ng kampana sa simbahan na pumapailanlang sa buong parokya hudyat na malapit ng magsimula ang misa at kapistahan. Wala na rin akong katabi, aga naman yatang nagising ng isang yun?
I slowly counted 1 to 5 bago ako bumangon at nang lumabas ako ng kwarto ay si Matthew pa ang sumalubong sa akin kasabay ng pagsulyap ng nakakaloko nyang ngiti.
"Goodmorning." He said taking a sip of his coffee while grinning. Mapaso ka sana o masamid.
"Morning." I replied saka dali dali ko syang nilagpasan.
I went straight to the kitchen kung saan busy rin ang mga tao sa paghahanda.
"Katerina! You're finally awake, goodmorning. Here, drink some milk first then get dressed. Malapit ng magsimula ang misa, mahuhuli tayo baka mawalan ng upuan so you better hurry up okay? Let's just eat when we get back." Said crys then handed me a glass of milk at madali ring naglakad. I guess I'm the only person not doing anything here.
"Hello po ate kath, goodmorning."
Napangiti naman ako ng sumalubong sa akin sa sala si Alonzo. Napakacute talaga ng batang ito. Yumukod ako at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Goodmorning sweetie." His smile widened saka nahihiyang tumakbo sya palayo.
Minabuti ko na nga lang na inumin ang gatas na ibinigay sa akin ni crys saka bumalik sa kwarto para makapag bihis at ayos na rin ng sarili dahil mukhang ako ang nahuling bumangon sa amin.
"Bakit tayo tayo lang? Aren't they going to attend the mass?" Tanong ni ate Celine ng mapansing hindi sumama sa amin sila Lola precy.
"Hindi, marami daw kasing gagawin kailangan nyang makita lahat, may pagkamaarte din kasi." Ngisi ni crys. "At isa pa, linggo linggo Naman nagsisimba yan sila nanay so ayos lang. Let's go? Medyo maliwanag na, 10 minutes nalang 6 am na." Nauna na itong naglakad ngunit huminto rin t lumingon na tila ba may hinahanap. "Wait, where's Kurt? I haven't seen him since last night when he went after Matthew."
Napaatras ako ng isang hakbang at napakapit ako sa braso ni kuya ng marinig ko ang pangalan nya. Sa sandaling iyon ay nagbalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina lang at para bang kinuha nito ang lakas ko bigla.
"Are you okay?"
"H-Huh? I'm okay, I'm okay." I smiled at kuya. He smiled back.
"I went to their room earlier pero tulog na tulog e, hindi ko na ginising." Malambing na sagot ni Sam.
"Hayaan na natin, puyat yon e. Baka nga kahihiga nya lang ng magising tayo. Di ba kath?" Ngisi ni Matthew sa akin.
"Ha?" Nagtingin sila sa akin kaya bigla akong nasamid.
"What? Bakit sakin mo tinatanong?" I kept my poise then rolled my eyes on him. Bakit ba kasi sa dinami rami ng tao, si Matthew pa ang nakakita sa nangyari kanina? Nasalubong ko lang naman sya ng pabalik na ako sa kwarto matapos ang confrontation namin ni Kurt kanina.
"I mean, rojean. Si rojean ang roommate nya. Sorry. Masamang magkamali ha?" Hirit ni Matthew.
"Hayaan na nga, tara na at late na tayo!"
Pagdating namin sa simbahan ay marami na ngang tao at halos puno na. Pami-pamilyang magkakasamang nakikipagdiwang ng pista sa panginoon. Nakakatuwa.
"Crystal hija, dun na kayo sa harap maupo at naibilin kayo ni Philip na baka mahuli kaya ireserba ko kayo ng upuan. Mabuti nalang at sumunod ako. Halika na kayo." Wika nf isang ale na lumapit sa Amin. I know her, Hindi ko lang matandaan.
YOU ARE READING
Behind Bars
Novela JuvenilKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...