BB:7 Happy Birthday

112 9 0
                                        

Happy Birthday

*Flashback 5 years ago*

Kath's POV

"Aalis kana?" tanong sakin ni kuya ng salubungin nya ako.

"Obvious ba? Tumabi ka nga." pagsusungit ko.

"Wala pa yung sundo mo, bat aalis kana?" ngumisi sya.

Nangunot naman ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito?

"Nagtext sakin si Kurt, sya na daw susundo sayo at maghahatid araw araw ah, nandyan na ba sya? Bat aalis kana?" lumawak ang ngiti nya.

Napaiwas ako ng tingin. Close talaga sila no? Kainis. Kaya nga ako nagmamadali ngayon para di ako abutan ni kurt. Bahala sya sa buhay nya.

Imagine? He's really insisting to pick me up everyday! Ilang beses na akong tumanggi pero parang wala syang naririnig. Ugh.

Inirapan ko nalang si kuya saka naglakad na ako pero natigilan ako ng masalubong ko si kurt na nakatayo sa pintuan namin at nakangiti habang nakataas ang isang kamay na para bang kumakaway.

"Goodmorning! Mamayang 8:00 pa ang klase mo diba? Hindi ba masyado pa yatang maaga para pumasok?" Tanong nya tapos nilingon nya si kuya. "Morning pre," bati nya rito.

Naramdaman ko naman ang pagbigat ng balikat ko ng akbayan ako ni kuya. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Morning din pre, nag almusal kana ba? To kasing prinsesa namin hindi pa." ngumisi ito.

"Actually hindi pa, inexpect ko na kasing tatakasan ako ni kath kaya inagahan ko baka hindi ko abutan." napangiwi ito habang deretso ang tingin sakin.

Nag iwas naman ako ng tingin. Kainis. Bat ba kabisadong kabisado nya na ako samantalang hindi pa naman ganun katagal ng magkakilala kaming dalawa?

"Sakto! Sumabay kana samin pre, importante ang almusal. Diba mahal na prinsesa?" tiningnan nya ako at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Ugh. I hate you kuya!" tinabig ko ang braso nya sa balikat ko saka ako padabog na nagpunta sa dining area.

"Yaya, padagdag naman ng isang plato sa mesa!" sigaw pa nito bago ko narinig ang kanyang mga yapak ng sumunod sya sakin.

And since wala na rin akong nagawa, nagpatianod nalang ako sa nangyayari.

Kurt and my weirdo brother were enjoying the meal together with matching biruan pa samantalang ako, kating kati ng makaalis. Walangya kasing rojean to eh. Ugh. Kung di ko lang talaga to kuya.

"Punta na kami pre, salamat." paalam ni kurt kay kuya habang nakatayo sa tapat ng kotse nya at ako, nakaupo na sa loob habang nakacrossed arms pa. Halatang badtrip diba?

"Walang problema pre, ingatan mo yang prinsesa namin ha? Kahit bugnutin yan at mataba. Mahal ko yan." wika ni kuya. Nilingon ko ito, sakto namang tumingin sya sakin at kumindat pa. Eww! Kadiri.

And what? Bugnutin at mataba? What the hell is he saying? Stupid weirdo na saksakan ng landi!

Pagdating sa skwelahan, tahimik lang akong naglalakad sa hallway kasabay si Kurt. Tahimik din naman sya na para bang pinapakiramdaman ako pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Dumating ang oras na mahabang bakante at hindi ko mahagilap si crys kaya nagmamaktol nanaman ako.

Saang lupalop nanaman nagsuot ang babaeng yon?

Behind BarsWhere stories live. Discover now