BB 8: It's You

110 9 0
                                        

It's You

"Happy Birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you...~"

Napangiti ako habang tinitingnan ang mga taong nakapaligid sakin. they were people all close to my heart singing me a happy birthday while clapping their hands.

Nang huminto na sila, ngumiti sakin si crys at bumulong saka nya medyo itinaas ung cake sa harapan ko.

"Happy Birthday sis! I so love you!"

I smiled, closed my eyes and made my wish.

"Sana dumating na yung taong magmamahal sakin at kung masaktan man ako ulit, sana.. sana sa taong worth it."

Pagdilat ko ng mga mata ko ay agad kong hinipan ung kandila kasabay ng pagsindi ng ilaw. Naghiyawan naman silang lahat at panay ang pagbati sakin. Ngayon ay mas naging maliwanag sakin ang mga mukha nila.

"Thank you sis!" niyakap ko agad si crys matapos nya akong suotan ng birthday hat. Jusko naman tong babaeng to. Pambata. Haha.

"Happy Birthday kath." Bati sakin ni dustine. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Sincere ba yan?" Pagbibiro ko.

"Of course, I also made an effort here despite my busy schedule." Pagyayabang nya.

"Sus! Ginawa mo ba talaga to para sakin or dahil surpresa to ng jowa mo sakin? Aminin mo!" I laughed.

"Oh, well. Both?" Napakamot sya sa batok nya.

"Hahaha. O sya, alam ko naman mag appreciate no!" I smiled. "Thank you."

Nandito rin sila drake at matthew maging sila liam, bryce, aldray at iba pa. Isa isa nga silang nagsilapitan sakin at yumakap. Well, maliban kay drake kasi di naman kami ganun kaclose katulad ng closeness namin ni matthew noong college. Pero aww! I missed them. I'm actually surprise na makukumpleto sila lahat tonight kasi syempre may kanya kanyang trabaho ang mga to pero nangyari naman. Love talaga nila ako. I feel so happy.

"Hoy katerina, malelate daw pala si jahlen. May dinaanan sandal but he said na makakarating sya."

"Jahlen? Ahh, oo nga pala. You invited him... Of course! Dapat lang na makapunta sya no."

"I'm very sure everyone will be surprise to see him again. After 6 long years! Biruin mo nga naman. Who would've thought na magkikita kayo ulit?" she smiled teasingly.

"Heh! Tigilan mo ko sa pang aasar mo ha."

"Bakit? Effective? May bumabalik ba?" tumawa sya. Loka loka talaga.

"Tawa mo pang mangkukulam. Tumigil ka nga!"

"Hahaha! I'm just kidding. But seriously? Anong malay natin? Both of you were single. Wala namang imposible dun since may pinagsamahan na din naman kayo."

"Yeah! Pinagsamahan, really crys. Eh halos magpakamatay nga ako noon dahil kay jahlen." I rolled my eyes.

"And so? Your past won't define your future."

"Tigilan mo nga ako sa kakalecture mo. Puntahan mo na ung jowa mo."

"Nagsasabi lang ako." She shrugged. "I'll go get some desert, anong gusto mo?"

"Anything. And nga pala crys, I also invited someone over, they're on their way actually."

"Really? Sino?"

"Just a friend of mine."

"A guy?"

"No. But she's bringing her boyfriend."

Behind BarsWhere stories live. Discover now