BB 11: Old Friend

111 4 0
                                        

Old Friend

Crystal's POV

It's been a month, ganun kabilis dumaan ang mga araw and day by day, halos mabaliw na ako kay kath. Seriously? A month ago, she called me about how she finds herself being strange na akala ko ako lang nakaobserba, pati pala sya mismo nahiwagaan sa sarili nya and now, I and jerk are on our way to their house to pick them up. She needs a break and I'm giving it to her, yun nga lang, no running away tayo. You know what I'm saying? Mamaya malalaman nyo.

Pagdating namin ni jerk sa bahay nila, dumeretso na ako papasok sa loob kung saan naabutan ko ang mommy nya na nakaupo sa sala habang nagkakape at nagbabasa ng magazine.

"Hi, tita goodmorning!"

"Oh crys goodmorning. What brought you here early in the morning?" tumayo sya upang makipagbeso sa akin. Sasagot palang sana ako ng lumabas si rojean mula sa kusina nila at mabilis na sumingit.

"Nasa taas pa sya, natutulog parin. Ikaw na bahala kanina ko pa ginigising yun ayaw talaga bumangon." Tumingin ito kay tita. "I told you mom, we're going somewhere."

Tita nodded so umakyat na ako to wake the sleeping beauty up. Tulog mantika nanaman ang gaga. Nananaginip pa yata dahil nakangiti pa habang yakap ung stuffed toy na bigay sa kanya ni Jahlen.

"Katerina! Wake up!" tinapik tapik ko sya sa braso kaso hindi manlang sya gumagalaw. So ano? Deads kana girl?

Tumayo ako at agad na inopen ung blinds ng kwarto nya dahilan upang pasukin ng liwanag ang buong silid. Umingit naman sya sandali pero wala rin dahil hinila nya agad ung kumot nya at itinakip sa mukha. Aba! Ano bang trip nito?

"Katherine Aragon wake up!" halos humiyaw na ako pero ni hindi parin sya nagpapatibag. Aba. Talagang sinusubukan mo ako ah. Fine! You're doing me a favour.

Pumasok ako sa closet nya at ako na mismo nag empake ng mga gamit nya. Lahat. From undies, clothes, shoes and all. Inilagay ko lahat sa iisang maliit na maleta saka ko iyon hinila pababa, to the rescue naman agad si rojean na tinulungan akong ibaba ung maleta niya.

"Is she ready?" he asked.

"Nah, she's still asleep." I rolled my eyes.

"Huh? Then sino nag empake nito?" kunot noong napatingin sya sa maleta.

"Duh! Who else? Edi ako. Ilagay mo na sa compartment ng sasakyan yang maleta nya, give me 5 minutes or less, bababa ulit akong kasama na sya. Okay?" kinindatan ko sya saka dali dali ulit akong umakyat. Wala rin naman syang nagawa at sumunod nalang sakin.

Dinatnan ko nga ulit ang bruhang si kath na tulog parin kaya dali dali akong lumapit at hinila ung kumot nya pababa and then I pulled both her hands up dahilan upang tuluyan na syang mapaupo sa kama at magising.

"Wakey wakey katerina. We have to go now." I smiled.

Her eyes blinked several times while still looking straight at me.

"Crys?"

Binitawan ko na ung kamay nya saka ako bumaba ng kama nya at tiningnan sya habang ang dalawang kamay ko ay nasa sa aking baywang.

"What's with the get up?" kinusot kusot nya ang kanyang mata.

"May pupuntahan tayo kaya bumangon kana dyan. Gusto mo maiwan ng eroplano?"

"E-eroplano? What?"

"Wag kana ngang maraming tanong! Halika na!" mabilis na hinawakan ko na sya sa kamay at hinila.

"T-teka! I'm not yet dressed, kagigising ko lang! Ni hindi pa nga ako nagtutoothbrush and I still have to pack my things!"

"No need, I have your things all ready kaya let's go." Isinuot ko na ulit ung shades ko saka ko sya hinila palabas ng kwarto samantalang reklamo naman sya ng reklamo pero hindi naman sya makawala dahil sa higpit ng hawak ko.

Behind BarsWhere stories live. Discover now