Accidentally
Kath's Point Of View
"Congratulations!" Sigaw nilang lahat.
Napangiti ako saka ako nagpasalamat. Isang linggo na rin ako dito sa pilipinas at kaoopen ko mismo ngayong araw na ito ng bago kong cafe. Bago pa man kasi ako umuwi sa pilipinas ay pinaayos ko na ito kila mommy.
Hands on naman ako dito kahit malayo ako, usually si kuya ang nakakausap ko sa bagay na ito kaya sobrang thankful ako sa tukmol na yun kahit binibwisit nya ako madalas, gusto ko din kasing pagbalik ko, in an instant ay magamit ko ang natutunan ko sa ibang bansa.
Kami kami lang ding magkakaibigan ang naririto ngayon at syempre, family ko pero umalis na sila kanina. Si kuya rojean nalang ang naiwan kasama si kuya ford na himalang nandito nasa isang tabi at kausap din si liam.
Second time ko palang yata ito na nakasama yang si kuya ford e, he's been friends with kuya rojean since they were in high school but I rarely see him. Di kasi sya nagpupunta sa bahay. Ni hindi ko nga alam noon na big time pala sya. Yun nga lang, opposite sila ni Dustine sa madaming bagay but one thing's for sure, he's really drop dead gorgeous. Nasa genes na yata e, kaloka.
"Congrats ha?" Nakangiting wika sa akin ni matthew ng salubungin nya ako.
"Salamat. Bakit hindi mo pala sinama ung girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya.
Halos matawa naman si matthew sa tanong ko. Teka, may mali ba? Don't tell me single ang isang to?
"Bakit?"
"Wala akong girlfriend." He chuckled.
Parang nabigla naman ako, seryoso ba sya?
"Ganun ba? Parehas tayo." Natawa ako. "Ikaw ha, since college wala akong balita na nagkaroon ka ng girlfriend, good boy?"
"Of course! Good boy." Ipinaypay nya ang kanyang kuwelyo habang nakangiti.
"Good boy your face." Nagulat naman kami pareho ng bigla nalang may mambatok kay matthew dahilan kung bakit tumigil sya sa pagyayabang.
"Aray naman dude!" Reklamo ni matthew.
"Stop bragging Monroe, tch! You never had any girlfriend during college? What do you call elha then?" Sambit nito saka ako hinarap. Oo nga pala, naalala ko may ipinakilala syang girlfriend noon. Ang pagkakatanda ko, Janelha Miel Guttierez ang name? Gash. Bat ko nga ba nakalimutan e ang ganda at ang bait nun?
Umiling nalang ako at napangiti ng makita kong pinanlakihan ng mata ni matthew si dustine na tinaasan naman sya ng kilay saka muli akong nilingon.
Hindi parin talaga sila nagbabago.
"Congrats." Halos pabulong na wika nito sa akin.
Napangiti ako lalo. Atleast kahit na masungit naman ang lalaking ito, naging malapit na sya sa akin dahil kay crys kaya hindi na sya masungit sa akin. Well, pag minsan Oo parin lalo na pag sinisira ko ung moment nilang dalawa.
Eh bakit ba kasi! Respeto naman sa mga single no!
"Salamat dustine. Salamat din dahil nakapunta kayo." Sabi ko nalang.
"Syempre naman! Hindi pwedeng hindi no!" Sabat naman ng bessy ko na bigla nalang yumakap sa akin.
Napalingon ako kay dustine at napansin ko ang pagbusangot nito.
Anyare?
"Oh? Anong mukha yan?" Mataray na tanong ni crys. Aba ang bruha! Under ba si dustine sa babaeng to?
"I'm jealous, can't you see?" Nakangusong wika ni dustine saka ito tumalikod at naglakad pabalik sa mesang inookyupa nila.
Napahilamos naman si crys ng mukha habang si matthew, wantusawa na sa kakatawa at ako? Eto, natatawa na rin.
YOU ARE READING
Behind Bars
Novela JuvenilKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...