The Reason
Kath's POV
"Guys balik na tayo sa bahay, papadilim na. Magpahinga na tayo."
Iyon ang mga salitang binitawan ni crys na dali daling nagpakilos sa lahat. Halata naman kasing kahit nag eenjoy sila sa pamamasyal sa maluwang na farm nila tita annie lalo na kaninang nagpakain kami ng mga hayop ay pagod na rin sila.
"Kath, pwede ka bang sumama sakin sa bahay? K-Kayo ni crys! I'm sure mom would be happy to see you again. Both of you."
Napalingon ako kay crys ng sabihin iyon ni philip. Nagkibit balikat naman ito saka umiling, katabi nga pala nya ung linta nyang jowa na ang sama tumingin, di naman nanakawin ni philip si crys ah.
"Sorry philip, ayoko namang iwanan tong mga kasama namin. Nakakahiya naman kay tita annie. Si kath nalang isama mo! Go!" at ang bruha, itinulak pa nga ako. Buti nalang at hinawakan ako ni philip sa magkabilang braso kaya hindi ako naout of balance.
"Napakabruha mo talaga." giit ko sa kanya ng makatayo na ako ng maayos.
"I know right! And that's why we're friends!" nginisian ako nito saka tumalikod at aalis na rin sana kami ni philip nang mapansin kami ni kuya. Ah, oo nga pala. Nandito sya.
"Hoy, hoy, hoy! Bat iba ang daan nyo? San mo dadalhin kapatid ko?" mabilis itong pumagitna sa amin ni philip. Jusko naman kuya! Nakakahiya ka talaga!
"I just invited kath over to our house, if you don't mind." sagot ni philip.
"If you don't mind pero kung di ko pa napansin dadalhin mo na?"
"Wag ka ng umepal rojean! Matanda na si kath, wala syang boyfriend kaya walang masama at isa pa, matagal na silang magkaibigan! Give this guy some slack! Mas mukha pa ngang mapagkakatiwalaan ung mukha nya kesa sayo." biglang sabat ni kuya ford. Ang sama tuloy ng tinging ipinukol sa kanya ni kuya.
"Wala ka kasing kapatid na babae kaya ka ganyan magsa--"
At bago pa nga matapos ni kuya ang mga sasabihin nya ay mabilis ng lumapit sa kanya si kuya ford at tinakpan ang bibig nya saka ito hinila.
"Oo na rojean, manahimik kana. Let's just go so we could all rest!" tiningnan nito si philip. "Ingatan mo si kath, takas sa mental ang kuya nyan. Lagot ka pag may nangyari dyan na hindi maganda." dagdag nito habang hindi parin binibitawan si kuya na mukha ng bulate na pilit kumakawala.
"She's safe with me, don't worry."
"Safe naman na pala e. Tara na."
"Philip, ikaw na ang bahala kay kath. Ihatid mo sya mamaya okay?"
"No worries crys,"
Sumulyap pa nga sa akin si crys at tiningnan ako na para bang sinasabing mag ingat ako at magkita nalang kami mamaya.
Nanatili kaming nakatayo doon ni philip ng ilang segundo pa habang tinitingnan ang mga kasama namin bago na rin kami umalis. Hindi ko kasi maiwasang matawa kay kuya ford sa ginawa nya kay kuya rojean. Hindi talaga nakawala ung kapatid ko e hahaha.
"Pasensya kana sa kuya ko ah, ganyan lang talaga sya ever since lalo na ng magkaroon ako ng bad experience while I'm studying abroad. He's just being overly protective. Hope you understand."
"I do understand, wala kang dapat ihingi ng pasensya. Kapatid mo sya, normal lang na ganun ang reaksyon nya knowing you are going to someone else's house tapos hindi pa nya ako ganun kakilala. Maybe we've known each other so well but to him, I'm still a stranger."
"Ganun na nga siguro."
Nang marating namin ang bahay nila philip, naroon nga ang parents nya maging ang kapatid nyang si kuya felix at ang asawa't anak nito. Medyo nahiya pa nga ako at first pero mabuti nalang ay mababait sila at kakilala ko na rin. They asked me to join them with dinner so I did pagkatapos ay dinala ako ni philip sa balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay nila.

YOU ARE READING
Behind Bars
Novela JuvenilKurt Daven Dela Rosa has a long time romantic feelings for his childhood bestfriend crystal, the feelings grew bigger and bigger even after he flew away to canada. Years later, they met again making him realized how strong his feelings was for her...